"Siphayo" - 26

27 0 0
                                    

“Siphayo” – 26

Ngayong malayo na si Jhing-Jhing ay paano ba ang siya’y kalimutan

Na burahin ang lahat ng ala-ala niya na narito sa puso ko’t isipan

Ano paba ang magiging resulta nito at sa huling kahahantungan

Gayong wala na akong pagkakataon na ito’y ipahayag at patunayan

Marahil ay sisikapain ko nalang na makakita ng ibang mamahalin

At baka sakaling mabura na nitong lahat ang damdaming inihain

Ibabaling nalang sa iba ang dalisay kong pagmamahal at hangarin

Sa isang babaeng tatanggapin ako at nahahanda rin akong mahalin

Paalam na sa iyo Jhing-Jhing kung sakaling di na tayo magkita

Babaunin ko nalang sa aking gunita mga matatamis nating alaala

Napag-isip-isip korin naman at tinatanggap ko sa aking kalooban

Na ako’y di nababagay sa isang gaya mo na mataas ang pinagmulan

Nakalalamang ka sa katalinuhan at ang buhay ninyo’y nakakariwasa

Bukod pa sa napaka ganda mo’y marami pang hahabol sa iyong binata

Sino ba naman ako na isang hamak lamang at iyo kayang mapapansin

Wala akong magagarang kasuotan at wala ring kayamanang maihahain

Tanggap kona sa aking kalooban na di ako sa iyo nababagay

Ito marahil ang dahilan kaya di mo ako pansin at di rin kumakaway

Bakit kaya di ko agad ito nakita nuong una paman at naunawaan

Tinimbang ko muna sana ang lahat bago nagmahal ng tuluyan 

Ngayon tuloy ay ako ang nahihirapan at nasusugatan

Di kasi nag-isip muna agad bago nagmahal ng lubusan

Ako ang dapat na sisihin sa aking kinahantungan

Sa dahilang langit at lupa ang aming layo at kaibahan

Marahil ikahihiya mo ako kung ako sa iyo’y sasabay

Dahil katatayuan ko sa buhay ay di sa iyo nababagay

Marahil ay mas pipiliin mo ang iba na sadyang matikas

Na sadyang kapwa mo matalino at ang dating ay malakas

Ganuon paman salamat narin sa aking naging karanasan

Patunay lang na ako’y tao din na may damdaming nasasaktan

Hindi ako isang tuod na di maituturing na walang pakiramdam

Marunong din pala akong magmahal kahit walang mga magulang

Itutuloy ....

(Maikling Tulang-Salaysay)  "Siphayo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon