"Siphayo" - 28

70 0 0
                                    

“Siphayo” – 28

Buong galang na nagmano si kuya sa matandang naturan

Habang ako naman ay nagtataka sa aking kinatatayuan

Ito ang aking mahal na kapatid na sinasabi ko sa inyo

Na sinabi ni kuya sa matanda ng naruon at nakatayo

Halika nga rito apo ko at ng ikaw ay lubos kong mapagmasdan

Ako ang lola mo na matagal mo ng di nakita at di nahahagkan

Ako ang ina ng tatay mo na naging instrumento para ikaw ay maisilang

Kay tagal tayong hindi nagkita at ang puso ko ngayo’y may kagalakan

Medyo nabigla ako sa kanyang mga sinabi at tinuran

Walang salitang lumabas sa bibig ko at ako’y nagugulamihan

Totoo kaya ang sinasabi niya na ngayon ay aking napapakinggan

Na kami ng kapatid ko ang apo niya na ngayon ay natagpuan

Habang kami ay nasa salas ay mayroon pang isang lalaki ang lumapit

Hindi pa naman siya katandaan subalit groovy parin kung manamit

Sabay abot niya ng kanyang kanang kamay upang ako ay kamayan

Sabay bitaw ng isang pangungusap na lalo pa akong nagulantang

Ang sabi niya sa akin ay “ako ang nawawala mong ama”

Na kay tagal-tagal mong di nakita at hindi nakikilala

Halos bumagsak ang puso ko sa aking kinatatayuan

Takang-taka ako sa mga salitang kanyang binitiwan

Di ba dapat ay yakapin niya ako at imbis na kamayan

Dahil sa tagal ng panahon na di niya ako nayakap at nahagkan

Bakit tila parang nag-aatubli siya ngayon at walang kasabikan

Bakit walang lukso ng dugo sa kalooban ko na maramdaman 

Bakit tila parang napaka kaswal lang ng aming pagkikita

Kamayan lamang ang nangyari sa una naming pagkikilala

Ganuon lang ba ang normal na dapat manyari sa isang mag-ama

Na tila parang isang magkaibigan lamang ang kanilang nadarama

Agad ng tumalikod si ama ng mga sumandaling iyon

At si lola nalang ang umistima sa amin at nagtanong

Kumusta naman ang pag-aaral mo at iyong kalalagayan

Okay ba ang lahat at di ka naman lubhang nahihirapan

Itutuloy ...

(Maikling Tulang-Salaysay)  "Siphayo"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora