Chapter 15

292 8 1
                                    

Agad akong nagpasalamat ng palihim sa mga kapatid ko ng dumating sila at hindi na tuloy na ituloy ni Dra. Buendia ang itatanong nya kaya umalis nalang sya. Nginitian ko nalang sya ng alanganin dahil ayokong isipin nya na si Luke yung tatay ng anak ko.

Oo alam kong mag kahawig sila, pero hindi naman siguro basehan yun hindi ba? I mean sinabi ko sa kanya na kakilala ko si Luke and hindi kami gaanon ka close nung college pa kami. Hindi ko nga lang alam kung pinaniwalaan nya ako nung sinabi ko iyon sa kanya.

Masyadong marami ng nakakapansin na kahawig ni Luke si Loki. Masyado nadin lumiliit ang mundo namin ng anak ko. Sana after nito, wala ng mapunta sa lugar na ito. Ayoko ng bumalik sa hospital kung nasaan si Luke.

"Tito!"

Nagising nadin si Loki at sinabi na ng nurse sa attending doctor ni Loki. Agad naman nilapitan ng mga kapatid ko yung pamangkin nila sa akin at sinabi na pupunta din daw si mommy. Napatingin ako sa kanila nung sabihin nila iyon at binulungan naman ako ni kuya Matt na alam daw nila ang nangyari

Hindi nalang ako kumibo dahil hindi ko naman na iniisip pa iyon. Hwag nalang sana ulit gawin ni daddy yung ginawa nya sa anak ko. Sya parin ang tatay ko kahit sinabi ko na sa kanya na kalimutan na nyang anak nya ako.

"Mom, i'm sorry. I've got excited--" pinutol ko na ang sasabihin ng anak ko dahil ayoko na maalala pa yung nangyari kaninang umaga. Naninikip lang yung dibdib ko.

"Shh. Mommy's fine. I'm not mad okay? I love you..." naka ngiting sabi ko sa kanya ng ikiss ko yung pisngi nya.

"I love you too mom." ngumiti ako ng sabihin iyon sa akin ni Loki.

Kinausap naman na sya ni kuya Matt at kuya Kriss at hinarot narin. Malapit din naman si Loki kila kuya pero hindi katulad nung kay Kurt na closeness nila. Napatingin naman ako sa seryosong nag uusap na si Kurt at Tristan. Pabulong lang ang usapan nila kaya hindi masyadong rinig. Si Mica naman ay may tinatype sa laptop nya.

Lumapit ako dahil nakalimutan kong itanong kung anong balita sa pag test nya. Umupo ako sa tabi nya at hindi nag pahalata na bumulong "Anong nangyari sa pregnancy test na ginawa mo?"

Agad naman sya lumingon sa akin at nagulat nung itanong ko iyon kaya mabilis syang napatingin kung nasaan sila Tristan na nag bubulungan parin.

"Dimonyo ka. Bakit dito mo pa tinanong? Marinig tayo ni Tristan, sasakalin kita." bulong nya din sa akin habang naka harap sa laptop nya na kunwari may tinatype pero random letters lang naman nung dungawin ko.

"Hindi mo pa na tatry?" takang tanong ko sa kanya at mas lalo kong hinaan yung boses ko kasi baka marinig kami kahit naririnig naman yung tawa nila kuya Matt.

"Hindi pa! Baka pag nag punta na si Tristan ulit sa New York saka ko pa lang magamit yung binili natin na pregnancy test. Kaya manahimik kana dyan." pinandilatan nya ako ng mata ng sabihin nya yung huling sinabi nya bago tumingin ulit sa laptop nya.

Mag sasalita pa sana ako kaso nakita kong nakatingin na sa akin si Kurt ng seryoso habang kausap parin si Tristan kaya nanahimik na ako. Tinignan ko nalang yung anak ko na maayos na ang lagay. Parang hindi sya nahirapang huminga kanina kung makipag laro na sa mga kapatid ko.

Kinikiliti lang nya si kuya Kris at tinutulungan naman sya ni kuya Matt kaya napapangiti ako. Napatingin nalang din ako sa bumukas na pinto at nang sumara na iyon ay nakita ko si Luke na nakatingin sa gawi ni Loki. Agad kong kinurot si Mica dahil hindi alam ng mga kapatid ko na dito nag tatrabaho si Luke.

"Aray!" daing ni Mica kaya pinandilatan ko sya ng mata at itinuro gamit ang nguso ko sa papalapit sa anak ko na si Luke.

Napaayos ako ng upo ko dahil baka biglang mag salita si kuya Kris kahit alam naman nyang ayokong ipaalam kay Luke na anak nya si Loki. Sya ba ang tumitingin sa anak ko? Hindi naman sya pedia doctor sa pagkakaalam ko, saka surgeon sya. Hindi naman na operahan si Loki? Nag kibit balikat nalang ako sa loob loob ko. Dahi para saan pa kung itatanong ko hindi ba?

Hiding the Doctor's SonWhere stories live. Discover now