Chapter 30

318 14 5
                                    


Nakaupo lang ako sa may upuan sa may gilid dito sa hospital at nakatulala lang na nakatingin sa harapan. Hindi narin ako umiiyak dahil mukhang pati yung mga mata ko ay sumuko na at wala naring mailabas na luha.

Naialis na si Kurt sa.. sa morgue at kinuha na sya ng mga funeral service na inayos ni Tristan. Hanggang ngayon ay hindi parin kami makapaniwala sa sinapit ni Kurt. Masaya pa syang nag paalam sa akin kahapon at masaya silang pupunta ni Loki sa amusement park.

Hindi ko inakala na iyon na pala ang huling ngiti at halik sa noo nya sa akin. Hindi ko alam na iyon narin pala ang huling beses na makikita ko syang buhay.


"Miallie... puntahan mo na si Loki."


Umangat ang tingin ko kay kuya Matt ng mag salita sya. Tumango naman ako at tumayo na para puntahan si Loki kung nasaan sya ngayon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang namatay narin yung kalahati ng katawan ko ng makita si Kurt na wala ng buhay.

Habang naglalakad kami ni kuya Matt ay hindi ko napapansin ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay lutang na ako. Pakiramdam ko ngayon ay mag isa nalang talaga ako nung nakita ko si Kurt sa isang malamig na higaan.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Loki yung nangyari sa tinuring nyang daddy simula ng mailabas ko sya sa mundong ito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na.. na wala na si Kurt. Wala na yung daddy Kurt nya.

Iniisip ko palang nasasaktan na ako para sa anak ko.


Binuksan na ni kuya Matt yung kwarto kung nasaan si Loki kaya walang buhay akong tumingin doon. Nakita kong nakaupo si Luke sa isang single couch at seryosong nakatingin sa anak namin na may nakakabit sa katawan na mga machine. Halata sa mukha nya ang pagod at nakita ko rin na suot parin nya yung long sleeve na grey na tinupi nya hanggang sa may siko at hindi na iyon naka tuck in sa black pants na suot nya.

Nagawi yung tingin nya sa akin pero nag iwas ako ng tingin at tumingin sa may galos na mukha ng anak ko. Lumapit ako sa kama ni Loki at hinaplos yung mukha nyang may mga sugat galing sa aksidente. Naiiyak na naman ako ng pumasok sa isipan ko kung ano yung huling usapan nila ni Kurt bago mangyari yung bagay na ito sa kanilang dalawa.

"Anong nangyari sa driver ng truck kuya? Nahuli ba ng mga pulis?" tanong ko kay kuya Matt habang nakatingin sa mga sugat sa mukha ni Loki.

Hindi ko alam pero mas malamig pa sa katawan ni Kurt yung boses ko ngayon. Siguro dahil sobra sobra na ang nangyari sa akin ngayon. Parang mas masakit pa sa akin nung malaman kong nawala na si Kurt. Iniwan na nya kami, iniwan na nya si Loki. Hindi ko na sya makakasama pa...

Pinigilan ko na ang sarili ko umiyak ng maramdaman umiinit na naman yung mga mata ko ng pumasok na naman sa isipan ko yung maamong mukha ni Kurt kanina sa kwarto na hindi ko kayang banggitin. Hindi ko naimagine na mapupunta doon si Kurt. Hindi..

"Yes. Nahuli na nila yung driver.. inaasikaso na nung daddy ni kurt yung ifafile na case laban sa driver. And... mukhang may kinalaman yung last case na naipanalo ni Kurt against doon sa congressman." napatingin ako kay kuya Matt nang banggitin nya yung tungkol sa kaso ni Kurt nitong huli at kumunot ang noo na nagtataka.

Alam kong may kutob na ako dahil noon pa man ay sinasabi na sa akin ni Kurt na nakakatanggap na sya ng death threats habang on going pa yung case nung Congressman na yun. Pero hindi ko lubos maisip na kahit nasa loob na sya ng kulungan ay may mga nauutusan parin sya.

"Tinitignan ng mga pulis at ng lawyer ng pamilya ni Kurt lahat ng posibilidad na dahilan sa aksidente. Dahil may tama din ng baril si Kurt sa dibdib nya.. nakita rin kasi sa phone ni Kurt yung mga death threats galing sa tarantadong Congressman na yun" seryoso lang akong nakatingin kay kuya Matt at napansin ko din na may galit sya.

Hiding the Doctor's SonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora