Chapter 33

336 9 3
                                    

R18 - Read at your own risk.


--


Lumayo ng pag kakayakap sa akin si Luke kaya tinignan ko rin sya. Ginamit nya yung thumb nya para alisin yung luha sa pisngi ko. Napakagat naman ako sa ilalim ng labi ko ng may kakaiba akong naramdaman ng dumapo yung mga daliri nya sa mukha ko.

Tumingin sya sa mata ko ng seryoso. "I'm sorry, okay? It's my fault, i'm sorry love. i'm sorry.." seryosong sabi nya sa akin kaya tumango ako na para akong bata.

Ayoko lang din naman na maalala ko pa si Kurt dahil masakit parin dito sa dibdib ko. Naiiyak ako kapag naiisip ko sya. Naiisip na hindi na talaga kami mag kikita at mag kakasama. Ayoko muna isipin yung bagay na yun. Lalo na't hindi ko pa nasasabi kay Loki yung tungkol doon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko ang lahat.

"Hey.."

Nabalik lang ang tingin ko kay Luke ng mag salita sya. Dahil sa biglaang pag angat ko ay natapat yung mata ko sa mga labi nya. Napalunok agad ako dahil sa nakita ko. Hindi ko alam pero na aattempt ako halikan iyon.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa labi nya at tila nilalandi ako. Eto parin yung labi na nakita ko noon sa Open Lib. Etong eto parin walang nag bago. Mas lalo lang naging pinkish red yung lips nya.

Lumunok ulit ako at tumingin sa mata ni Luke. Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano bumaba at tumaas yung adams apple nya. Nakita ko rin naman ang pag nanasa sa mga mata nya ng ibaba nya ang tingin nya sa mga labi ko. Kaya kinagat ko iyon dahil hindi ko alam kung anong itsura non.

Baka may buo buo pang lipstick o nawala na. O may lagpas na lipstick hindi ko alam.


"Luk-- opp-"


Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil sinunggaban na nya yung labi ko. Hindi na ako nagulat dahil parang alam ko naman na gagawin nya iyon at sa tagal ko ng kilala si Luke ay alam kong mahilig sya sa ganito.

Hindi narin naman ako umangal pa dahil kanina ko pa nararamdaman yung init sa katawan ko. Tulad ng sinabi ko kanina ay nilalandi ako ng mga labi nya. Hinawakan nya ang bewang ko para itayo ako kaya napahawak naman ako sa may balikat nya para kumuha ng lakas.

Gusto kong humiwalay at matawa dahil naririnig ko yung tunog ng pinag sasaluhan naming mga halik. Masyado lang din tahimik dito sa may clinic nya kaya siguro mas rinig ko yung tunog ng pag hahalikan namin. Speaking sa clinic nya, humiwalay ako saglit at tumingin sa may pintuan para tignan kung nailock ko ba yun o hindi. Dahil nakakahiya kapag may pumasok bigla dito tapos makitang naghahalikan kami.

Sinubukan kong tignan yung pinto pero hindi ko maaninag ng maayos. Nakita ko nalang din na lumingon din si Luke doon at walang sabi sabi ay nilapitan yung pinto at narinig ko nalang yung isag click ng pinto na ibig sabihin ay nailock na nya.

Nakatingin lang sa akin si Luke habang papalapit sa akin at kitang kita ko ang matinding pag nanasa at sabik sa mga mata nya. Bigla naman akong kinabahan sa tingin nya.

Nang makalapit na sya ay hinawakan nya ulit yung bewang ko at hinalikan agad ang mga labi ko. Hindi na ako tumanggi dahil sabik rin ako sa mga halik nya. Ilang taon ko rin itong namiss. Nagulat ako ng buhatin nya ako at iuupo doon sa table nya. Pero agad din nawala ng lumapat yung labi nya sa labi ko.

Nahihilo ako sa pag halik nya sa akin kaya napapakapit ako ng mahigpit sa balikat nya. Bumaba naman na ang halik nya sa leeg ko kaya napaangat ako ng tingin habang naka pikit at kinakagat yung ibabang labi ko.

Hiding the Doctor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon