Prologue

11 1 0
                                    

Ken Steven's POV

"Nerd!"

"Pangit!"

"Baduy!"

"Ken the Ugly Geek"

...Masakit na salita galing sa mga kaklase ko habang naglalakad ako palabas ng school.

Isa ako sa mga tapunan ng pambubully dito sa school pero ini-ignore ko na lang sila. They always tease me because of being a nerd; lack of social skills,books are my bestfriends, introvert, wearing thick eyeglasses, dental brace, very silent and 'baduy sa pananamit' kaya mas pinili ko na lang mag-isa even thou na open naman ako to have friends,sila lang talaga ang may ayaw.

Nang makalabas ako ay napaupo ako sa bench ng waiting shed para hintayin ang sundo ko then during my waiting time I noticed a cute puppy na lumapit sa harap ko at kulay puti ito na mukhang imported at nakapagtataka parang may maliit na pakpak ito sa kanyang gitnang likod kaya napakamot ako sa ulo ko.

"A puppy with wings? That's weird" Ang mahina kong usal kaya kinusot ko ang mga mata ko sabay tingin muli, may pakpak nga ito at gumagalaw-galaw pa.

"Aw.. aw.." the puppy started to bark pero nakatingin lang ako dito dahil baka kagatin nya ako kahit sobrang cute niya.

"Rin..Rin..wag mo siya takutin" isang malumanay na tinig kaya napabaling ako sa pinagmulan ng boses, isang matandang lalaki na nakasuot ng maduming damit at may hawak na tungkod. A beggar

Bigla namang tumakbo ang tuta sa matanda dahilan para tumayo ako. "Sa inyo po yang cute na puppy po Lolo?" Ang tanong ko at ngumiting tumatango ang matanda.

~~

Dalawang buwan nang makilala ko si Lolo Deli, ang may ari ng weird na tuta na may pakpak sa bandang gitna ng likuran na ito. Lagi ko binibisita si Lolo sa isang abandonadong tren na di rin puntahan ng mga tao, dinadalhan ko siya pagkain at kailangan si Lolo Deli at Rin pagka- galing sa school dahil ulila na din sila.

All I can say, in my 9 years of existence ay nagkaroon ako ng matatawag na kaibigan at tinuturing kong hindi iba sa akin. Siya ang naging takbuhan ko para mapakita ko ang achievements ko sa school at nagsusumbong kapag inaaway ako. Mommy and Daddy are very busy in managing our business dahilan para mawalan sila ng time for me. Dahil kay Lolo Deli mailabas ko yung pagiging madaldal ko at kakulitan.

"Lo..pagod na po ako mag-kwento po!alam na alam nyo na po ang buhay ko po" Ang pa-baby kong pagkwekwento habang hinihilot ang balikat ni Lolo at natawa naman ito.

"Pansin ko nga na 2 months na ikaw ang bangka sa pag-kwento" Ang tatawa-tawang pagkakasabi nito at tumahol naman si Rin na tila sumasang-ayon.

"Opo.. kaya ikaw naman po lolo makikinig po ako sa kwento po ng buhay nyo po" Ang sabi masaya kong pagkakasabi at tumabi ako dito. Excited ako nalaman ang buhay ni Lolo Deli

"Oh sya! Ano pa ba magagawa ko?" Ang tugon nito. Nag-kwento si Lolo ng mga kaunting detalye ng buhay nya gaya ng may isa siyang apo na inaalagaan at pinoprotektahan dahil yun na lang ang nag-iisang yaman nya sa buhay. Medyo kumunot ang noo ko at luminga-linga ako sa paligid. Apo? Dalawa lang sila ni Rin dito ah?

"Ken.. Iho.. May mahalaga pala akong ibibigay sayo.."

"Po? Ano po Yun Lolo? Pero teka po Lolo.. sino po ba yung apo nyo po? Eh kayo lang po ni Rin ang nandito po"

At tila may kinuwa ito sa kanyang bulsa na singsing na may design na pakpak na parang katulad nang kay Rin.

"Singsing po Lo? Mukhang mamahalin po yan ah" Ang tanong ko kay Lolo Deli

"Ito ang Apo ko Iho at ibibigay ko siya sayo...ingatan at protektahan mo siya para sa akin"  Minsan pang kumunot ang noo ko at nagulat na lang ako ng kuwanin ni Lolo ang kanang kamay ko na tila isusuot na nya ito sa akin kaya pinigilan ko siya.

"Lo.. maluwag pa po yan sa akin little fingers palang po meron ako.." Ang ani ko at muli siyang natawa.

"Alam ko Iho.." Ang tugon nito at tuluyan ko sinuko ang kanang kamay ko. Habang parang slow motion sinusuot ni Lolo ay tila iba ang naging pakiramdam ko at nanlaki ang mga mata ko nang naisuot na ni Lolo Deli ang singsing sa ring finger ko at nag-fit ito.

"Sakto pala sayo Ken-Ken" Ang ani nito at di parin ako makapaniwala na ibibigay ito ni Lolo sa akin ang masasabi kong precious sa kanya na tinatawag nyang apo?

"Lolo.. bakit po ninyo ibinigay po sa akin ang Apo nyo po?" Ang tanong ko

Gumanti ito ng ngiti at nag-salita muli
"Alam kong aalagaan mo siya at iingatan.. at ganon din siya aalagaan at iingatan ka nya...di ka mag-iisa Iho..at padapit-hapon na ako.." Ang tugon nito

Dapit-hapon?? Gabi na ah..Ang ani ko sa isipan ko. Bigla hinawakan ni Lolo Deli ang ulo ko at niyakap nya ako. Wala talaga ako ideya kung bakit ginagawa ni Lolo ito, Hindi ko naman birthday o graduation o any occassions? Pero gumanti na lang ako ng yakap sa kanya.

"Salamat po Lolo sa regalo nyo po at wag po kayo mag-alala iingatan ko po ito" Ang ani ko

~~

Masayang-masaya ako lumabas ng eskwela dahil nanalo ako sa competition sa pag-guhit. Yes!dream ko kasi maging mahusay na Architect. I am blessed in my skills given by God especially sa pag-guhit.

"I want to give it to Lolo Deli.. I am sure na magiging proud ito sa akin" Ang mahina kong ani gaya ng kaugalian ay bibili muna ako ng pagkain sa supermarket at bigla ako napatingin sa langit na tila nagbabadyang umulan. I need to hurry

~

Pagdating ko sa abandonadong tren ay napaluhod ako at nanlaki ang mga mata dahil nagmistulan itong blangkong patag na lupa. Ano nangyari? Bakit ganito?? Sabay pagbilis ng tibok ng puso ko.

Palinga-linga ako at iniisip ko na baka naligaw ako pero tama naman ako.

"Lolo Deli!!!"

"Rinnnn!!!"

"Nasaan kayoo!!??"

Ang sigaw ko na nag-eecho lang at mas nilaksan ko ng paulit-ulit ngunit wala akong nakuwang tugon.
Nag-simula na mag-tubig ang mata ko kasabay ng pagbagsak ng ulan. Ayoko mawala si Lolo Deli at si Rin dahil sila lang yung nagparamdam na di ako nag-iisa.. Si Lolo Deli ang unang tao na naging proud sa mga school achievements ko..si Lolo ang sumbungan ko..sa kanya ko kinukunweto ang nangyayari sa buhay ko.

"Nasaan sila?? Ano ba nangyari?? Kaya ba binigay ni Lolo itong singsing??" Ang tanging mga tanong ko sa kaisipan ko.

❤️❤️❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Ring GuardianWhere stories live. Discover now