Kabanata 24

17 3 0
                                    

Hanggang ngayon nasa critical na kondis'yon si Lolo Daddy. I apologize to Mamita from what happened to Lolo Dad, wala naman daw akong kasalanan pero hindi ko maiwasan na sisihin ang aking sarili sa nangyayari sa buhay namin.

Umuwi muna akong bahay, ang mga bata naman ay naiwan kila Tita Jillian dahil walang magbabantay sa mga ito.

"Take a rest muna, Mahal." he said. Umiling ako, hindi ako makatulog. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga nangyayare sa buhay namin. Napapagod na ako. Kailan ba ako papahirapan ng ganito? Kailan kami titigilan ni Annalise?

Nakakapagod na lagi na lang ganito. I don't know why I suffered a lot.

"You have to take a rest, tignan mo ang sarili mo Mahal. Ang payat mo na, hindi ka naman ganiyan dati," he said. I know he was worried about me, but I don't even care on myself anymore.

"Kailangan ako doon," I said. "Do you think, your Lolo would be happy ng makita kang ganiyan?" he said. I cry again in his arms. "Shh, don't cry," pag-aalo niya sa'kin. "Pagod na ako," hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maibulalas ang mga katagang iyon.

"Okay lang mapagod Mahal, nandito lang ako. Hindi kita iiwan," he said. "Baka mapagod ka na sa'kin," I said. "Hindi iyon mangyayari dahil ikaw nga ay hindi napagod sa'kin." he said.

"I'm sorry, dahil magulo ang buhay ko," I cry. "Shh, kasalanan ko ito kung hindi kita nakilala baka masaya pa ang buhay mo," he said. "Hindi mo kasalanan, ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to." I said. "Walang may kasalanan Mahal, pareho natin 'to ginusto kaya naman pareho natin 'to haharapin ng magkasama, alam kong makakaya natin 'tong lahat ng pagsubok na mayroon tayo. We will create a good memories this year without all problems." he was trying to calm me down.

"I'm hoping for that, sana mahanap na din si Annalise," hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari na hindi maganda kay Lolo Daddy, hindi ko siya mapapatawad.

"Mahahanap din siya Mahal, magtiwala tayo sa Diyos, siya na ang bahala gumawa ng paraan para makita natin siya," pang-aalo niya sa'kin.

Hinatid niya ako sa kuwarto ko at inihiga doon.

Doon ko naramdaman ang pagod ko ng mahiga ako. "Dito ka lang ha," I said. "Hindi ako aalis, nandito lang ako," tumabi siya sa akin at niyakap ko.

Natatakot ako na baka pag-gising ko wala na siya tabi ko, siya lang ang magiging pahinga ko.

"Huwag kang matakot, nangako ako sa'yo na hindi kita iiwan 'di ba? Tutuparin ko iyon," he said. Tumango na lang ako. Hinalikan na lang niya ako sa noo. He started to hum a song just to make me sleep.

I didn't realize na nakatulog na pala ako. Nagising ako habang si Rio ay nasa tabi ko. Mahimbing na natutulog habang yakap ako sa bewang. "Baka malusaw ako," nagulat ako ng bigla siyang magsalita. "Hala akala ko natutulog ka pa. Siraulo ka," hampas ko ng mahina sa kaniyang braso. I heard him chuckled. "Sorry na," natatawang sambit niya.

Tumayo na ako, inayos ko ang sarili ko. "8 PM na pala, ang tagal ko din nakatulog," sambit ko. "Mainam iyon dahil nakabawi ka ng tulog ngayon," he said. "Gayak na ako, punta na ulit tayo ng hospital," I said. Hindi na din siya umangal, lumabas na lang siya. Pumasok na din ako sa banyo. Nagsimula na din ako maligo.

After 40 mins, natapos na din ako maligo at nagsimula na din magbihis at magpatuyo ng buhok. Naramdaman ko na pumasok si Linderio. "Hey, gising na daw Lolo Daddy mo," balita niya sa akin. Nagulat naman ako dahil sa sobrang saya ko─ "Tara na, gusto ko na makita si Lolo Daddy," natutuliro na sambit ko.

"Hey chill lang, pupunta tayo pero mag-ayos ka na muna," he chuckled. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Inayos ko na muna ang sarili ko gaya ng gusto niya. Buwiset na lalaki talaga 'to.

Just Youth Where stories live. Discover now