Kabanata 30

20 3 0
                                    

TW // Suicide Attempt. Read at your own risk.

His birthday had passed. Maraming nangyare sa loob ng 3 days, nandoon na din ang finals namin.

Kaya naman hands on kami sa pagrereview, si Linderio din ay busy na pero nagagawan pa rin niya ng paraan kung paano ako kakausapin araw-araw. He never failed to

Linderio's birthday are already past. Kaya naman hands on kami ngayon sa pag-rereview dahil finals na pala namin sa isang linggo. Madalang na lang din kami magkita ni Rio dahil sa pagiging busy na din namin.

"Huy, okay pa ba kayo ni Linderio?" Lariza asked. "Huh? Oo naman. Bakit mo naman natanong iyan?" I asked. "Pansin ko kasi ang dalang niyo na lang ata magkita?" she asked. Nandito kami sa library dahil nagpasama akong kumuha ng libro na gagamitin ko sa review ko mamaya sa bahay.

"Okay pa naman kami, sadiyang tutok lang kami sa acads namin at siya ay president ng ssg 'di ba? Madami ata silang ginagawa ngayon, pero lagi naman kami nag-uusap kahit via call and text. May time pa naman siya sa'kin," I said. We want to prioritize our studies before anything but we always make time for each other pa din naman at hindi naman iyon mawawala. "Grabe na talaga kayong dalawa, mas priority niyo talaga ang acads 'no?" she asked. "Oo," I said while still looking for the books.

"What if makahanap siya ng iba?" she suddenly asked. Napahinto naman ako sa sinabi niya. "Alam mo naman hindi iyan magagawa sa'kin ni Linderio. At kung mangyari man iyan, it's his choice na lang kung mag-checheat siya sa'kin or magiging faithful siya sa'kin. Siya naman iyon, siya din ang magdedecide sa kung anong gusto niyang gawin," I said. "Malay mo naman kasi–" pinutol ko ang sasabihin niya. "Kaka-nood mo lang iyan ng teleserye, kabag lang iyan," natatawa kong sambit.

In the first place naman, choice na talaga ni Linderio iyon. Siya ang magdedecide kung mananatili ba siya sa'kin or hindi. Minsan din ay napa-isip ako ng ganoon pero hindi naman sumagi sa isipan ko kung one day ay gawin niya sa'kin iyon.

Ayokong mag-overthink ng malala kasi hindi iyon maganda at unhealthy iyon sa isang relationship. I always remain to be faithful on him at sana ganoon din siya sa'kin.

"May balita ka ba kay Annalise?" she suddenly asked me again. "Wala naman na, pero sana um-okay na din siya dahil masakit din sa isang magulang na makita mong ganoon ang iyong anak. Hindi ko din lubos maisip bakit humantong sa ganito ang lahat. Kung hindi kaya ako pumasok sa buhay ni Linderio, magiging ganito pa din kaya buhay ko?" I asked. "Huy! Huwag kang mag-isip ng ganiyan ano ba! Atleast naging lesson na sa atin ang lahat ng nangyare 'di ba? Sana mag-silbing aral na lang din sa kaniya ang lahat ng nangyare at sana din ay maging normal na ang pag-iisip niya," Lariza said.

Actually, ngayon ko lang naka-usap ng ganito si Lariza, we've never talked like this kasi puro kalokohan lang din ang alam nito. But I guess pinipilit niya na lang din masaya ang lahat kahit siya mismo ay hindi magawang mapa-saya ang sarili niya.

"Kumusta na nga pala kayo ni Paul?" I asked. Pabalik na kasi kami ng room. "Huh? Ano ba mayroon sa'min?" she asked. There she goes, she keep denying things kahit alam niya sarili niya hindi naman na niya dapat i-deny pa.

"Huwag mo ng i-deny, halata naman na sa actions ni Paul. Hindi ka na lang din siguro matiis," I said. "He courted me," she said. Napa-hinto naman ako sa paglalakad ko ng marinig ko iyon. "Kailan pa?" masaya kong sambit. "Noong isang araw lang," she said. I'm so happy for her...

She finds a man who can understand her. Alam ko naman hindi magagawa ni Paul ang saktan siya dahil ramdam kong gusto niya talaga si Larisa. "Sabi na nga ba, sa'yo din uuwi si Paul eh," naka-ngiti kong sambit. Naramdaman ko naman ang pamumula niya. "Ako pa lang ang nakaka-alam?" I asked. "O-oo, may balak naman ako sabihin kila Zy kaso ayaw ko lang mabigla si Paul," she said. "It's okay lang naman, huwag niyong i-pressure ang sarili niyo. Kayo lang din naman ang mahihirapan. Step by step, matutuwa din naman sila Zy kapag nalaman nila iyan," I said.

Just Youth Where stories live. Discover now