PROLOGUE

17 2 0
                                    


*Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa taas, minsan nasa baba... Paikot ikot lang Ang buhay...

Sa mundong ito, may kanya kanyang buhay Ang Mga Tao, kanya kanyang ugali at paraan sa pamumuhay.

May Mga taong madaling masaktan... Emosyonal...

May Mga Tao ring malakas... Pero nagiging mahina...

May Mga taong malambot... Pero nagiging matigas...

May Mga taong neutral lang...

*Madaling masaktan...
Ito Yung Isang tusok mo lang ng karayom sa papaya, may tutulong katas.. mahihintulad mo ito sa tao. Isang bitiw mo lang ng masakit na salita, iiyak na...

* Taong malakas pero naging mahina...
Katulad ng carrots na matigas, na kapag nilaga mo, nagiging malambot.
Mahihintulad mo sa tao, akala mo malakas pero nagiging malambot Rin kapag Hindi na Kaya...

* Taong malambot, pero nagiging matigas...
Katulad ng itlog, malambot pero kapag pinakuluan ng tubig, nagiging matigas...
Mahihintulad sa tao na akala mo mabait pero kapag tumagal, nagiging matigas at manhid.

* Taong neutral... Katulad ng kape... Kapag pinakuluan ng tubig, Hindi lalambot, Hindi titigas, kundi magbabago ng anyo, magbabago ng lasa...
Mahihintulad sa tao... Nasa tao Ang kapalaran... Nasa paa mo ang hakbang, nasa isip mo Kung paano mo diktahan Ang sarili mong kapalaran.

Ako si Azarine Liana Paderes, ako mismo Ang magbabago ng kapalaran ko... Ayaw Kong maging katulad sa carrots at itlog, na malambot at matigas... Gusto Kong matulad sa kape na kapag isinalang sa hamon ng buhay, Hindi aatras, Hindi bibigay, kundi lalaban at hahamonin Ang kapalaran... Ako ang magbabago ng kapalaran ko..
Ako ang magiging sundalo ng magiging kinabukasan ko.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

***

"Azarine!! Bingi kaba? Kanina pa kita Tinatawag pero Hindi ka sumagot! " Singhal ni Tiya Alanya. Araw araw ganyan Ang routine dito sa bahay. Palagi syang nanininghal ... Singhal na may kasamang pait na salita minsan.

" May ginagawa pa Po ako" sagot ko, nandito Kasi ako sa likod ng bahay nag bubungkal ng lupa. Paano ko Naman maririnig na tinatawag nya ako eh Ang lakas lakas ng sound trip nya.

" Maghugas ka na ng pinggan! " Sigaw na naman nya. Hindi na ako sumagot pagod akong magsalita eh, tinapos ko na lang Ang pagbubungkal bg lupa. Dumiretso na Rin ako sa kusina para maghugas ng pinggan. Ginawa ko na Rin lahat ng mga gawaing bahay para Wala ng masabi Yung Mga taong maiingay.... Naririndi ako kapag sumisigaw Sya, Kaya Ang ginagawa ko, sinasabayan ko ng kanta.. Ang sakit Kaya sa ears.

Matapos Kong linisin Ang bahay, kumain na ako nakakagutom din Kaya kapag naglinis ng bahay, Ang sarap pa din Naman ng ulam, tortang talong.

" Pahingi" lumitaw bigla Ang kapatid Kong pjnaglihi ng pride." Kanina ka pa kumakain dyan!" Sabi nya habang nagsasandok ng kanin.

" Ikaw Kaya Ang maglinis ng bahay" pabalang Kong sagot Ang sarap talaga ng ulam, pero mas masarap ito Kung itlog, sunny side-up.

" Takaw mong kumain eh" di talaga papahuli si Jacques... Kapag may banat ako, may banat din sya, Kaya palaging nauuwi sa away.

" Tamad mo kasi, maghugas lang ng pinggan, Hindi pa magawa" pinaparinggan ko Sya.

" Gawain ng Mga ate Ang paghuhugas" sagot nya, naasar na talaga ako sa pagiging tamad nyang maghugas ng pinggan.

" Oo Gawain ko nga Ang maghugas ng pinggan, Kaya ako lang Ang pwedeng kumain, dahil ako Ang Taga hugas" Sabi ko habang subo Ang talong.

" Ako ang Taga saing ng kanin, Kaya ako ang pwedeng kumain, eh ikaw Taga hugas ka lang? Anong kakainin mo? " Pang aasar nya... Malapit na talaga akong mapuno.

My dependent ManWhere stories live. Discover now