Chapter One

2 1 0
                                    


Azarine's POV.

Crush...

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, eh sino ba naman Kasi Ang mapapakali kapag nasa likod mo Ang bagong transferee saka Ang gagwapo este, parang tipaklong. Pakiramdam ko nga kanina pa Ako tinititigan nila, Ewan ko ba! Ayy Basta!... Baka nag hallucinating lang ako.

"Ok ka lang ba Az?" Tanong ni Freyliza ng mapansin nya akong nakasimangot..
Tumango Naman ako bilang sagot.
" May crush kaba dyan sa kanila?"  Bigla akong natigilan sa tanong nya... Ako? Magkakagusto sa tipaklong? Never!

" Huh? Anong pinagsasabi mo?" Kunwari Hindi ko na gets, tumawa Naman sya ng mahina.

" Basang basa ko na Ang kilos mo" natatawang aniya. Nakitawa nalang din ako para same vibes kaming dalawa.

" Ayun Yung crush ko oh!" Tinuro ko pa Yung crush ko na dumaan sa hallway.

" Hehe nakalimotan ko palang baliw na baliw ka Kay Mr. Raven Tuazon "
Inemphasize pa nya talaga ang pangalan ng crush ko.

Matagal ko ng crush si Raven, first year high school pa ako noon ng ma fall at first sight ako sa Kanya, at Isa pa, Ang matured nya. Hindi ko pa sya nahawakan o nakausap man lang, Hanggang ligaw tingin lang Kasi ako sa kanya, at may girlfriend na Rin Kasi Sya.

Ang loyal ko Rin Kaya Kay Raven dahil umabot pa talaga ng 4 years Ang infatuation ko sa kanya. Wala na Kasi akong magustuhan na iba Kaya ayun! Baliw na baliw ako Kay Raven..

" Uy! Ok ka  lang ba talaga? Natulala ka na naman" siniko pa talaga ako ni Freyliza.

" Oo may iniisip lang ako" Ang paningin ko ay nasa hallway parin na dinaanan ni Raven.

" Ahh! Alam ko na! Iniisip mo na naman ang wedding nyo ni Raven at nagkaroon kayo ng tatlong ana- " Hindi ko na Sya pinatapos sa pagsasalita.

" Baka ikaw lang Ang nag imagine nyan" wika ko, umismid Naman sya sakin.

" Asus! Wag ka ng mag deny, Ang lawak Kaya ng imagination mo Kaya pati imagination ko, nasakop mona" ayaw nya talagang papatalo.

Lunch time na ngayon at nakapila kami dito sa canteen para bumili ng ulam.. kasama ko ngayon dito si Mina, nagpaiwan lang din Kasi si Freyliza dahil siksikan daw Kaya inutusan nya lang ako.

Nagkatulukan na dito sa pila dahil marami na Ang nakisingit, Ang iba naman nag- aagawan sa pila.

" Aray!" Bigla nalang akong napasigaw dahil Ang sakit ng paa ko na may ingrown.

" Sorry miss "  humingi kaagad ng sorry  Ang lalake, Hindi ko Sana Sya patatawarin Kung Hindi lang Sya Yung crush ko.

" Raven..." Yun lang ang tanging lumabas sa aking bibig... Naramdaman ko na lang na hinila na ako ni Mina.

" Ano ka ba! Mauubusan na tayo ng ulam!" Sermon nya.

" Ikaw Kaya Ang tapakan ko?" Sermon ko rin, Ang sakit pa nyang makahigit ng braso, at ang sakit pa ng paa ko,ayun tuloy Hindi ako makakalakad ng maayos.

" Hayaan mo na Yan! Ang importante Hindi Tayo mauubusan ng ulam" kinuha na nya Ang order Namin sa counter saka bumalik sa room. Pa Ika Ika pa akong naglakad.

" Oh! Bat ganyan ka maglakad ?" Agad na bungad ni Freyliza

" Natapakan eh" tipid Kong sagot ayaw Kong Sabihin sa kanya na si Raven Ang nakatapak sa paa ko, mag o-overthink na naman nyan eh.

" Hala! Az ok kalang ba?" Medyo nakakarindi Yung boses ni Zerel, may pagka high tone Kasi itong taong toh." Masakit paba yang paa mo?"

" Ano ba talaga ang nangyari Zerel?" Ayaw pa talagang makontento ni Freyliza sa sagot ko kanina.

My dependent ManWhere stories live. Discover now