Chapter 2

2 1 0
                                    


Azarine's POV

Kahit paika Ika akong naglakad patungo sa bahay, tiniis ko parin, nag panggap nalang ako na maayos Ang paglalakad ko kahit Ang sakit sakit na talaga ng paa ko. Feeling ko nga namamaga na Ang ingrown ko bwiset Kasi Yung tipaklong na yun! Except Kay Raven.

Malapit na ako sa bahay Namin at malakas na Rin ang kabog ng puso ko, eh sino ba Naman ang Hindi kabahan kapag may armalite Na titira sayo, Ang  sakit din Kaya sa ears.

" Mga walang kwenta! Hindi kayo marunong mag isip! Diba sinabi ko na sa inyo na kailangan maraming panggatong?!!" Malayo palang ako pero dinig na dinig ko na Ang armalite, sigurado akong si Jacques na naman ang binabaril nya.

" Ikaw Azarine!! Bakit Hindi ka nag stock ng panggatong noong uminit? Ang tamad tamad nyo! Mga walang silbi!" Hindi paman ako nakakapasok sa bahay Yan na agad Ang tinira nya sa akin.

Pumasok nalang ako sa bahay at nagbihis, at kahit masakit Ang paa ko, pinilit ko paring kumuha ng itak at nagtungo sa gubat para kumuha ng panggatong. Magtatakip silim narin pero Hindi ko lang inalintana dahil ayaw Kong umuwi na walang panggatong. May bagyo Kasi na paparating Kaya medyo makulimlim.

Parang gusto ko na namang umiyak dahil sa sitwasyon ko, ako mismo Ang naawa sa sitwasyon Namin ni Jacque. Oo, inalagaan nila kami, oo, Hindi nila Kami pinabayaan, pero bakit may kulang parin? Pakiramdam ko nga ay pinagkaitan kami ng panahon ng kapatid ko.

Kung buhay lang Sana Ang papa ko, Hindi siguro kami magkakaganito, Kung nandito lang siguro Ang mama ko, Hindi siguro kami pagsasalitaan ng masakit, Kung kompleto lang siguro Ang pamilya Namin, Hindi siguro ako malungkot.

Kaso pinagkaitan kami ng pagkakataon ni Jacques eh, tatlong taon palang ako ng namatay si papa dahil sa cancer, habang si Jacques, bagong silang palang. Ang sakit lang isipin dahil lumaki kami ng walang ama, at lumaki kami na Hindi kasama Ang ina.

Pero kahit ganito Ang sitwasyon ko, pilit ko paring iniintindi Ang kapalaran ko, pilit ko paring pinapasok sa isip ko na Hindi na magiging kompleto Ang pamilya ko.

Pinasan ko na Ang panggatong na kinuha ko saka pinahiran Ang luhang tumulo sa mata ko na Hindi ko pala namalayan. Pag dating ko sa bahay, sinibak ko na agad Ang kahoy dahil umuulan na, malamig na Rin dahil sa simoy ng hangin.

" Ngayon talaga kayo kukuha ng panggatong Kung kailan may bagyo na!" Sigaw ng armlite. Minsan Ang sarap sagutin o gantihan ng Bomba Ang bibig ng tiyahin ko, sumosobra na Kasi eh.

" Kanina pa ba Yan nagsasalita?" Tanong ko Kay Jacques na ngayoy nag sasaing, saing lang talaga ang trabaho nya.

" Kanina pa Yan Kaya naiinip na Ang tenga ko" maktol nya, bumuntong hininga nalang ako.

" Jacques Ang mama nyo tumatawag!" Biglang naging sweet Ang boses nya.

" Plastic" sabay pa kami ni Jaques.

" Hello ma good evening" Sabi ni Jacques sa kabilang linya, naka loud speaker Kasi Kaya dinig din Namin si mama, nakaabang Naman si Tiya Alanya sa Amin.... Bantay sarado.

" Kamusta kayo dyan anak?" Halatang masaya si mama na kausap kami.

" Okay lang Naman kami ni ate dito" mahinang sagot ni Jacques, halatang ayaw nyang makausap si mama.

" Umayos kayo!kinakausap kayo ng mama nyo!" Biglang sumingit si Tiya Alanya,agad na ipinasa ni Jacques Ang telepono sa akin.

" Hello, good evening" Wala ring ganang bati ko, gusto ko sanang mag sumbong Kay mama na sumosobra na si Tiya Alanya kaso nakabantay si Tiya sa Amin eh.

" Magpaka bait kayo dyan ah, miss na miss Kona kayo" parang umiiyak si mama sa kabilang linya pinipigilan ko narin Ang luhang nagbabadya ng tumulo.

My dependent ManWhere stories live. Discover now