Chapter 3

1 0 0
                                    


Azarine's POV

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng alarm, medyo humina narin Ang ulan, naramdaman ko na parang namamaga ang mata ko Kaya agad akong nagtungo sa banyo at  naghilamos ng mukha. Ilang ulit ko pang binasa Ang mata ko pero Hindi parin natanggal Ang pamamaga.

After the long cry,this is the price,EYE BUGS!!

Napabuntong hininga nalang ako. Mamaya, pagkakamalan na naman akong Chinese ng Mga classmates Ko.

Nagluto nalang ako ng agahan saka naligo,maaga pa dapat naglalakad na ako papuntang school.

" Good morning Az!" Masiglang bati ni Darynne,himala Ang aga nya ngayon.

" Hi Dar!" Kumaway pa ako sa kanya, napansin nya ata Ang mata ko Kaya lumapit Sya sa akin at pinag aralan ako.

" Hula ko! Umiyak ka kagabi Noh?" Mahilig talaga syang mameywang Basta maintriga.

" Obvious ba?" Balik Kong tanong

" Halata sa mata mo" aniya.

" Ok lang yan Ang importante may mata" sagot ko,natawa naman sya sa sagot ko.

" That's my Azarine" sumuntok pa sya sa hangin sabay tawa naming dalawa.

Iba si Darynne sa Mga kaibigan ko,kahit walang Wala kana, dadamayan ka parin nya, pero minsan sinusumpong Yan ng kamalditahan,prangka narin Kung minsan.

" Az matanong ko lang, anong Plano mo sa college?" Tanong ni Darynne na nakapag patigil sa akin.

Umakto akong nag isip....

" Wala kaming network sa bahay,pero Plano Kong mag apply ng scholarship sa ibang school" sagot ko.

" Papayag ba Ang pamilya mo? Susupurtahan ka  ba ?" Paninigurado nyang tanong.

That caught me off guard.

Ever since Hindi ko naramdaman  Ang suporta ng pamilya ko,Kaya kahit na pinipilit ako ng Mga teachers na sumali sa Mga academic contest, palagi akong tumatanggi o di kaya'y sumasali ako pero Hanggang within campus lang.

My family never attended my  school meetings,and my recognition award. Tanggap ko Naman na ikinahihiya nila ako dahil sa Mga kahihiyang nagawa ko noon.

My uncle Alfred once told me
" Ayaw Kong tulungan ka, baka kapag matulungan kita, Hindi mo Rin kami tutulungan"
He said when we were eating dinner, I was 10 back then pero kahit Hindi ko pa lubusang maintindihan Ang Mga sinabi nya, ramdam ko Rin ang sakit.

Pinipigilan ko lang Ang umiyak noon, dahil nahihiya ako at baka sabihan pa ako na "OA!" " Arte!" At " Madrama!"

" Tulala ka na naman" Komento ni Darynne. Hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng room.

" May iniisip lang ako" tipid Kong sagot

" Hay nako Az! Palagi ka na lang may iniisip, Hindi ka ba napapagod sa Mga iniisip mo?"

" Dar what if-" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko " nevermind"

Buti na lang na Hindi  nya pinansin Ang sinabi ko.

Nakatulala lang ako dito sa armchair,Ang layo na Rin ng nilipad ng isip ko magmula ng maupo ako dito kanina.

"WOAH!!"  Nagulantang ako sa biglaang pagsigaw ni Aloha, kaklase ko,muntik na akong mapamura sa kanya dahil sa panggugulat.

" Umiinom ka ng kape Noh?" Natatawang tanong ni Aloha,Hindi pa ako maka react dahil malakas parin Ang kabog ng dibdib ko.

" What the fudge Aloha!" Sigaw ko sa kanya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My dependent ManWhere stories live. Discover now