PROLOGUE

3 1 0
                                    


“In a far-away land, where magic rules..”

“The princess finally found her prince that’ll love her until the end.”

“And then they live happily ever after.”

I rolled my eyes as I scan every page of this 18th century “fairytale” book in my hand.
Napahalakhak ako dahil sa mga nabasa ko, tanga ba sila?

I’ve never expected that the people of 18th to 20th century will be this romantically inclined.

Ew.

Nakakasuka.

I lazily stepped out of the Academy’s library, pumunta ako dito para matulog pero nawalan na ako ng gana dahil sa nabasa ko, mahirap na’t baka bangungutin pa ako.

On normal days, most of the students will stop, stare and murmur something as I pass them by, pero ngayong araw ay wala kang makikita na kahit na isang studyante dito sa campus.
Well, maliban sa’kin.

Today is the annual assembly,
where every 25 years old were sorted into their factions.
Halos lahat sila ay nagkukumahog na panoorin ang walang kwentang assembliya na ‘yon.

In a world where everyone is given a number that shows how long they will live,
the elders finally found a way to govern the Nation’s people.
To divide them into two factions;
Lumos where the leaders and the aristocrats live and Luz where the commoners and people in the poverty line stays.

Kung ang mga Lumos ang tatanungin, lubos na sumasang-ayon sila sa pagkakatatag ng sistemang 'yon.
Siyempre, kasi sila ang nakikinabang.
Sila ang hindi nahihirapan.
Pero kung ililibot mo ang mga Mata mo sa buong kalupaan ng Luz upang magmasid, makikita mong sa likod ng nanglalakihang mga imprastaktura ng Lumos, naroon kami.
Naroon kaming mga taga-Luz na namulat sa kahirapan ng buhay, salat sa pagkain at walang maayos na irigasyon ng tubig.
Sanay sa bawat segundong pagkalam ng tiyan.
Maraming namamatay at napapabayaan dahil sa sistema, at kung tatanungin mo sila kung bakit mas pinili nilang magbulag-bulagan, isa lang ang sagot.

Dahil mabababang uri kami.

Sa kalagitnaan ng pag-isip, Walang buhay kong nilahad ang kamay ko sa hangin habang dinadama ang hangin dito sa rooftop ng Academy.

“Finally! Kapayapaan—ARAY!”

Napapikit ako dahil sa sakit ng likod.
Pagmulat ko ng mata ay isang mukha ng estranghero ang sumalubong sa’kin.

“Tanga ka ba?! Sakit sa likod nun ah!”

“S-sorry, akala ko kasi magpapakamatay ka.”
Pinagpagan ko ang hoodie ko bago muling humarap sa lalaking—ang tangkad shet.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya, maging siya ay ganoon din sa’kin.

I came back to my senses when the raindrops touched my face.
We stand still facing each other as if we’re on a staring contest.
My eyes widen when I noticed something unusual at him.

“Y-yung marked number mo, nabubura.”
Hindi makapaniwalang sabi niya habang tinuturo ang mukha ko.

“Ikaw din.”

Year 3065, kung saan sukatan ang “Marked numbers” para malaman ang estado at katayuan mo sa mundong ito, ang buong akala ko ako lang itong naiiba.

Tang*na, hindi pala ako nag-iisa.

The Project: LMSWWhere stories live. Discover now