Chapter 2

3 1 0
                                    

2: Dahilan



JAM’s

Marami tayong tanong sa sarili na’tin. Kung bakit ganito?
Bakit hindi ganiyan?
Kapag ginawa ko ba ‘to, maganda ang kalalabasan?
Pano kung ‘yon ang pinili ko?

Humans have never ending questions inside of them that’s why Plato build the concept “Sense of wonder”

I sighed, I’m diving in the deep of my thoughts, again.

“Jamantha, apo—

“Not again, lolo. Please?”
I cut him off, I know he’ll start an argument again.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

“Gusto ko lang naman ipaalala sa’yo ang mga bilin ko para kapag nawala na ak—

“Lolo naman.”
Itinigil ko ang pagkain ko ng pananghalian at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

“Hindi ka pa po mawawala kaya tumigil ka na.”
Inis akong tumayo sa hapagkainan at umakyat sa kwarto ko.

Ilang araw ng ganyan si Lolo, hindi ko siya maintindihan.
Lagi siyang nag sasalita na para bang mamamatay na siya.
Na para bang iiwan na niya ako.
Na parang gusto niya ‘yon.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.

“Ang sabi sa’kin ng herbalist noong nakaraan ay lumalaki na daw ang katarata ninyo sa isang mata.”
Rinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.

“Julianne Samantha, bakit ka nag aalala ng ganiyan? Parang hindi ka dalawamput tatlong gulang, hindi ako mamamatay sa katarata na ‘to.”
Inis akong bumangon sa pagkakahiga dahil sa mga sinabi niya.

Napunta ang tingin ko sa marked number niya. Number 3, tatlong taon na lang.
Tatlong taon na lang ang meron ako para makasama ka, bakit hindi ako mag aalala?
Parang kanina lang kung makapag salita ay kala mo nakaratay na siya sa higaan, tapos ngayon ay napakayabang.

Lumapit siya sa’kin at minasahe ang noo ko, na parang tinutuwid ang naka kunot kong noo.
Pagkatapos ay pinisil ang ilong ko, katulad ng lagi niyang ginagawa.

Ngumiti siya sa’kin.

“Para mabawasan ang pag aalala mo’y kunin mo na ang gamot ko.”

Niyakap ko siya ng napakahigpit pero maalis ang mga agam-agam ko.
Pero bakit hindi ako mapalagay?

••••

Galeon Market.
The only place where the upperclass and the lowerclass interacts.
To shop and buy necessities, jewelries, gems, stunning clothes, ganyan ang kadalasang dahilan kung bakit pumupunta dito ang mga taga-Lumos.

Mamalimos, at magnakaw ang para sa mga taga Luz, malaki ang pinagkaiba hindi ba?

“Sorry.”
Isang matabang balbas sarado ang bumangga sa’kin.
Mukha siyang komedyante dahil sa dating niya.
Lalagpasan na sana niya ako pero hinila ko ang kamay niya.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.
Kinuha ko sa basket ang isang balot ng tinapay at binigay sa kaniya.

“Walang laman yung wallet na kinuha mo sa’kin.”
Sabi ko at saka naglakad papalayo.

Ganito ang buhay sa lugar ng Luz, ngayon ay may kakainin ka pero bukas o makalawa ay hindi mo sigurado.
It seems like we’re chasing our deaths in exchange of a loaf of bread.
While those who have the privilege can full their stomachs using those silver and gold kitchenwares.

“Ito na po ba lahat?”
I asked when I finally came at my destination.

“Oo iha, parang lumalala ang lolo mo ah?”
I weakly smiled when the herbalist handed me the ointments.

“O siya, mag ingat kayo ha. Naku, balita ko ay nangunguha ang mga taga-ground zero ng mga taong isasama sa Project experiment.”
My eyebrows furrowed when I heard what he said.

“Ground zero? Anong project po?”

“Ayun nga, wala pang nilalabas na abiso ang mga Illuminaire at Charo patungkol doon.”
I simply nodded and bid my goodbye.

Paglabas ko ay humihingal na mukha ni Lexi ang sumalubong sa’kin.

“J-jam.”
Hinawakan ko siya sa balikat para kumalma.

“J-jam, si ano, ano—“

“Lexi, kalma. Paano kita maintindihan niyan?”

“Si Lolo Gus!”
Nabitawan ko ang mga dala ko’t tumakbo.
Hindi pa malinaw sa’kin kung bakit at anong mayroon sa lolo ko pero ang nag papakaba sa’kin ay baka inatake na siya ng hika.

Malayo pa ako ay nakita ko na ang mga nakaparadang sasakyan ng militar ng Lumos sa tapt ng bahay namin, mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko.

“LOLO!”

Tanaw ko na pinipilit siyang isakay ng mga militar sa Van, agad kong sinenyasan si Lexi.

“LOLO! BITAWAN NIYO ANG LOLO KO!”

Wala pa man ako sa kanto ng bahay namin ay hinaharang na ako ng ilang mga militar.

“LOLO!”
Patuloy ang sigaw ko habang nagpupumiglas sa kanila.
Akmang tututukan ako ng baril ng isa ng biglang may humarang.

Nakahinga ako ng maluwag ng dumating na si Lexi at mga kapatid niya.

“Sige na Jam, puntahan mo na si Lolo Gus! Kami na bahala dito!”
Sigaw ni Lexi sa’kin at initsa ang isang balisong.

Hindi na napigilan tumulo ng mga luha ko, unti unti nang umaandar ang sinasakyan niya.
Pakiramdam ko’y sa bawat takbo ko ay mas lalo lang lumalayo ang pagitan namin.

“LOLO!”
Tinatalunan ko ang lahat ng nakaharang sa dinadaanan ko, ang alam ko lang ay kailangan kong abutan ang sinasakyan nila.

Malapit na.

Konting-konti na lang.

Agad akong tumawid sa bako-bakong kalsada at inilahad ang kamay ko na para bang nag papaubaya na ako.
Mariin akong pumikit.
Hingal hiningang nag iintay sa mga susunod na pangyayari pero pag mulat ko ng mata’y naka hinto na ang van.

A blonde lady in bloody red military uniform approached me.

“Iha, hindi mo ba alam na militar ng Lumos ang binabangga mo?”
She crossed her arms, and directly looked into my eyes.

“LOLO! BABA DIYAN! UUWI NA TAYO! LOL—

She cut me off when she point her gun at my jaw.
I smirked.

“If you think that your little toy would scare me, you’re wrong.”

I saw her smiled, a wicked smile.

“I love your guts dear, gusto sana kitang pagbigyan pero utos ‘to ng ground zero.”

“Matanda na ang lolo ko.”
Mariing sabi ko pero tinawanan niya lang ako.
Sumenyas siya sa isang militar at binaba sa sasakyan ang lolo ko.

Agad akong tumakbo sa direksyon niya at niyakap siya.

“Uuwi na po tayo, lolo.”
Umiiyak na sabi ko.
Alam kong may gusto siyang sabihin, nakikita ko ‘yon sa mga mata niya.

“Awww, what a heart warming scene. Sige na ipasok niyo na ulit ‘yan.”
The lady in red interfered.

Napapikit ako ng mariin.

“Sandali.”
Tumingin ako sa mata ni Lolo sa huling pagkakataon.

“Ako na lang, ako na lang ang kunin niyo.”
Nakita ko kung paano lumapad ang ngiti sa mga labi niya.

“Alam kong sasabihin mo ‘yan, bueno dalhin niyo na siya at pakawalan ang matanda.”

Kung ano man ang dahilan at kahihinatnan ng lahat ng ito, wala akong alam.
Masaya ako sa desisyon na ginawa ko.
Para sa lolo ko.

This project.
Lumos.
Ground Zero.
Illuminaire.
F*ck you all.




#

The Project: LMSWWhere stories live. Discover now