chapter one

152 7 5
                                    

read at your own risk

this is created out of the author's imagination. any appearance that resembles other people or other fictional character are pure coincidence only.

please be mindful for your words. let's strive for a healthy nature.

 let's strive for a healthy nature

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

xyra

"Uy, naalala mo pa 'yung nagtanong ng number mo no'ng nag-Grand tayo?" diretsong tanong niya patukoy niya sa isang resto bar sa kabilang city na isang jeep lang ang layo, nang makarating sa harapan ko. Humablot ito ng isang monobloc nakaayos sa lamesa at umupo sa harapan ko.

From my phone, I threw my look on him. Ang sandalan ay nasa harapan nito habang ang dalawang braso ay nakadantay roon. His tie was loose already at hindi na rin naka-tuck in ang polong puti. Nilalaro-laro pa niya ang pulang panyo, paikot-ikot sa mga daliri niya. Pairap kong inalis ang tingin sa lalaki. He was early today, wala yatang gala.

If I was not mistaken, that was when we celebrated our defended research way back on our tenth grade. Naaalala kong itinakas lang ako ni Owen that time. Pero pinayagan pa rin naman ako ni Kuya kaya half-consented ako. Wala rin naman kasi sila Mom at Dad that time.

The guy that Owen is talking about might be that tall moreno guy that asked for my number. Mukha siyang harmless at cute, but he just didn't click any of my interest kaya hindi ko binigay.

An' tagal na no'n. Naaalala niya pa? Kung nakita ko siya one of these days, hindi ko na siya makikilala.

"Don't talk to me. I'm busy," simple kong sagot.

Unlike others when using that line, busy talaga ako.

Pero talaga yatang ipinanganak siya ng nanay niya para lang inisin ang kaluluwa ko. Kinuha niya ang ilang hibla ng buhok ko at pinaglaruan ang dulo no'n.

My gaze went back to him throwing him daggers of stare. Ang tagal-tagal ng routine ko para maayos ang bagsak ng buhok ko tapos kukulut-kulotin niya lang?

"Busy sa paghahanap ng pogi sa RPW?" nakangising tanong nito nang ibalik ang tingin sa akin.

My brows knitted before rolling eyes away. So what? "Bitch, mind your own business."

Mas lalo pang humigpit ang kunot ng aking noo nang marinig ko ang nang-aasar nitong tawa. He's really getting into my nerves. Ang ganda-ganda ng hapon, oh! Siya lang talaga ang sumisira sa araw, e.

"Pero, naaalala mo nga 'yung lalaki?" pagpapatuloy niya sa naudlot na usapan. "Nakalaban namin nila Jekpot sa Silangan. Bobo pala mag-basketball 'yon? Buti 'di mo pinatulan. Walang-wala sa 'min, e."

I released a silent sigh before wandering my gaze around the area. May iilan-ilan pa lang na estudyante ang nandito. Probably because it's just two o'clock in the afrernoon. May mga klase pa siguro. Kung hindi lang mas malakas ang signal dito ay nasa library ako kasama ang dalawa.

Found YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora