CHAPTER TWENTY: HUG

46 0 0
                                    

Cane's POV

Inis akong pumunta sa pwesto nila at dumaan sa gitna nila. Nabangga ko pa nga si Mais eh. "Ouch! Ang sakit nun ha! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!", masungit at maarte nitong sigaw sa akin.

Tiningnan ko naman ito ng malamig. "Kasalanan ko ba kung nakaharang kayo sa daan?", masungit ko ring tanong sa kanya.

"Ha! Excuse me! Ang laki ng space dun oh! Pwedeng-pwede mo yung daanan!", sigaw rin nito sakin.

"Eh sa gusto ko ditong dumaan. May angal ka?", masungit kong tanong rito pagkatapos ay hinarap ko naman tong malanding bakla na si Yñigo. "It's office hours. Back to your work or else I'll fire you.", malamig kong saad dito saka tinalikuran sila.

Hmp! Naiinis talaga ako sa Mais na yun! Sino ba siya para sigaw-sigawan ako? Di ba niya alam na ako ang may-ari ng lupang tinatapakan niya? Ipa salvage ko siya eh!

Inis kong pinindot ang botton ng elevator papuntang 40th floor. Sasara na sana ito ng biglang may kamay na humarang dito kaya agad itong bumukas.

Hindi ko man lang tinapunan ng tingin ang pumasok. Tss! Perfume pa lang niya alam ko nang sa kanya.

Naramdaman kong lumapit ito sakin. "Uyy b-boss. Galit kaba?", tanong nito.

Wag mo kong ma boss, boss! Kumukulo ang dugo ko sa inyong dalawa!

Hindi ko ito pinansin at lumayo-layo ng konti sa kanya. Lumapit na naman ito sa akin at kinalabit ako. "Boss naman eh. Sorry na. Bestfriend ko lang naman yun. At saka namimiss ko lang siya kaya nayakap ko ng ganun.", pagpapaliwanag nito.

"Namimiss mo naman pala eh. Ba't mo iniwan dun? Balikan mo yun! Unahin mo.", sarkastiko kong saad.

Tss! Wala akong pake kung maglandian kayo diyan. Bahala kayo! Buhay niyo na yan!

"Boss naman. Sorry na kasi. Ikaw lang yung gusto ko, okay? So no need to be jealous.", sabi nito at hinawakan ako sa braso.

"What? Ako nagseselos? Tae mo! Assumero tss!", inis kong sigaw rito at binawi ang kamay ko.

Natawa naman ito kaya sinamaan ko ito ng tingin. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Itong yakap na ito. Para lang to sa iyo. Para lang sa taong nagugustuhan ko. No one could ever replace you in my heart, My Cane.", sabi nito na ikinalambot ng puso ko. Bumilis rin ang tibok nito na para bang nasa karera ito.

Ang init ng yakap niya. Parang unti-unti nitong tinutunaw ang yelo sa loob ko.

Tsk! Malala na ako! Ang rupok ko na!

Zues POV

"Von, ipalibing mo na yan. Baka umalingasaw.", sabi ko rito habang nakatingin sa mga bangkay.

Tumango lang ito at saka naglakad papunta kay Andrei. Naglakad naman ako papunta kay Vanky.

"Hala ikaw na ang susunod.", pananakot ko rito kaya sinamaan naman ako nito ng tingin kaya natawa ako.

"Ulol! Ikaw ipa-salvage ko eh!", inis nitong sigaw kaya natawa ako lalo. Pikon yarn?

"Pero seryoso, hindi natin alam kong sino ang susunod kaya dapat tayong mag-ingat.", seryoso kong sabi.

"Weh? Seryoso yan?", natatawang tanong ni Andrei kaya sinamaan ko ito ng tingin. This time siya naman ng tumawa. Tsk! Ang panget niya!

"By the way di pa ba bumabalik si hapon?", tanong ko nang mapagtantong isang oras nang di bumabalik si Kyosuke.

"Ha? Diba hinatid niya lang si Zia.", tanong rin ni Andrei.

"Tawagan niyo nga.", saad naman ni Von kaya kinuha ko ang cellphone ko.

Tinawagan ko si Kyosuke pero...

Sorry ang iyong load balance ay hindi sapat to make this call. Mag load na at subukan ulit. Toot! Toot!

Tangina! Wala nga pala akong load! Pangalawa na to ha! Super kahihiyan na naman!

"Pft! Hahaha! LT ka! Yan kasi ang kuripot mo! Pati load di mo mabili!", natatawang ani ni Andrei.

"Mangutang ka nalang dre! Hahaha!", natatawang sigaw rin ni Vanky kaya pati si Von ay natawa.

Tsk! Segi lang! Pagkaisahan niyo lang ako! Mga peyk prends!

Pursuing My Gay Secretary (EDITING)Where stories live. Discover now