CHAPTER FORTY-SEVEN: MEET AGAIN

88 1 0
                                    

Cane's POV

"Bakit ba kailangang magsuot ako ng dress na parang nakulangan sa tela? Tsk!", pagrereklamo ko habang nakasakay sa kotse ni Von. Papunta kami ngayon sa isa sa mga bar niya na pagdadaluhan ng party ni Jarren.

Lumingon saglit si Von sakin at ngumiti. "You look beautiful on that dress, Zia. It suits you well.", masuyong saad nito. I just rolled my eyes. "We're here.", saad nito at bumaba ng sasakyan. Umikot siya at pinagbuksan ako. "Let's go?", aya nito habang nakalahad ang kamay sakin.

"Hindi naman ako baldado para pagbuksan mo.", malamig kong saad at saka tinanggap ang kamay niya.

He just smile and said. "Yup, your not a disabled person but for me you always have a special treatment, my Zia."

Tsk! Kung di ko lang ito kaibigan baka pinagkamalan ko na itong may gusto sakin.

Nang makapasok kami sa bar ay maingay. Marami ang nagsasayawan at nag-iinuman. Meron ring naghahalikan sa gilid. Tch! Can't they get a room for them?

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bar ni Von at doon ko nakita ang mga kaibigan namin. Agad kaming sinalubong ni Jarren. Tinapik nito ang balikat ni Von. "Happy birthday, Jarren.", bati ni Von.

Napasimangot naman si Jarren. "Nasan ang regalo ko?"

Napakamot nalang si Von sa ulo niya. Tumingin sakin si Jarren at niyakap ako. "Happy birthday, Jarren.", bati ko at ibinigay sa kanya ang bitbit na regalo ko.

"You look gorgeous in your black dress, Zia.", nakangising saad nito at sumipol pa. I just rolled my eyes again. "Salamat sa regalo. Alam mo bang ikaw lang ang nagbigay sakin ng regalo. Kasi yung mga mokong na yun, deritso lang silang pumasok ng walang dala. Tsk!", naiinis na sabi ni Jarren habang itinuturo ang kinauupuan ng mga kaibigan namin.

I smirked. "Di ka pa nasanay."

"Hey twin bro! Who is this beautiful lady in front of you? She look so gorgeous!", sulpot ng isang lalaki na may hawig ang mukha kay Jarren. "Ipakilala mo naman ako. Huwag madamot, okay?", bulong nito ngunit rinig ko pa rin.

"Zia, this is my twin brother Warren Wang. And twin bro, this is Cane Zia Stellar.", pagpapakilala ni Jarren sa akin at ng kapatid niya. Yes, they are twins but they are not look alike. Hindi naman kasi lahat ng twins ay magkamukha. "Excuse me. Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita ko.", paalam niya at umalis.

"Hi! May boyfriend kan--

"Back off, dude. She's mine.", malamig na sabi ni Von. Lumingon siya sakin at hinila ako papalayo kay Warren. "Hindi na sana kita pinasuot ng ganyan. Tsk!"

"Kasalanan mo to.", I said. Napailing naman ito.

Umupo kami kasama ang mga kaibigan namin. "Hey, Von and Zia! Uminom na kayo!", sigaw ni Vanky samin habang may dalang dalawang baso at inilahad ito samin. I think he's drunk.

Kinuha ko yun at nilagok. "You look stunning, Zia!"

"Beautiful one!"

"Gorgeous baby!"

Kanya-kanyang kumento nila. Napansin kong sinamaan sila ng tingin ni Von. Sumipol si Vanky. "Someone is being possessive right now!", saad nito at tumawa.

"Shut up, Limer!", naiinis na sabi ni Von kay Vanky.

May bigla nalang tumabi sakin kaya nilingon ko ito. Si Warren lang pala.

Pursuing My Gay Secretary (EDITING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat