PROLOGUE

14 3 6
                                    


Paano kung yung akala mong okay na, yung akala mong masaya na ay magbabago pa pala? Paano kung yung bagay na akala mong masaya na ay babaguhin pa pala ng tadhana? Papayag ka ba? O lalaban ka kahit na alam mong mahihirapan ka?

Trahedya. Diyan nagsimula ang lahat. Nabuo ako at nabubuhay ngayon ng dahil sa isang trahedya. At 'yan yung bagay na hindi ko maintindihan pero laging dumarating sa buhay ko at gumugulo sa pilit kong inaayos na mundo.

Ako nga pala si Zshynaiyah Ford Martinez, at nagaaral ako sa WhiteWood University. Ako yung tipo ng babae na napaka-hopeless romantic. Halos lahat na nga 'ata ng naging crush ko ay naranasan ko ang masaktan at iyakan. Paano kasi makita ko pa lang na nakatingin sa 'kin o di kaya naman ay nginitian ako, binibigyan ko na ng malisya. Kahit nga ang magsungit may malisya sakin eh. Ilang beses na akong nasaktan ng dahil diyan, pero parang hindi pa din ako nadadala. Ewan ko ba. Masaya na akong mag asam kahit na alam ko naman na masasaktan lang ako at wala naman akong pagasa sa kanila.

Andito ako ngayon sa may garden sa school kasama ang mga kaibigan ko. Bakit kami nandito? Simple lang, andito kasi ang mga crush nila. At higit sa lahat dito ko nakikita ang nagiisang crush ko. hihi

Daniel Ace Viniel

Napakagwapo niya talaga. Sobrang bait at talented pa, hinding hindi nakakasawang pagmasdan ang napakaamo niyang mukha.

Those chinito eyes of him. Yung mga labi niyang kasing pula ng mansanas at yung natural messy hair niya.

Tahimik lang akong pinagmamasdan ang nagiisang lalaking nakakapagpangiti sa 'kin, nang sa hindi inaasahan ay may biglang bumangga sa kin.

HOW INSOLENT!

"Hoy!" Sigaw ko sa lalaking ngayon ay unti unti nang naglalakad papalayo.

Aba ano siya sinuswerte? Hindi ako makakapayag na basta na lang siyang aalis matapos niya 'kong iinterupt sa pagde-daydream ko.

"What?" Saad nito sa malamig na boses at dahan dahang lumingon sa akin.

Nagtama ang aming mga mata at kitang kita ang inis na bumabalatay sa mukha nito. Siya na nga itong bumunggo sakin siya pa ang may ganang mainis!

"Anong what what ka diyan. Matapos mo akong bungguin ikaw pa ang may ganang magalit," saad ko sa hindi makapaniwalang tono, "Napaka yabang mo!"

Hindi ko na naiwasan ang magtaas ng boses dahil sa inis na nararamdaman.

"Kasalanan ko bang nakaharang ka sa dinaraanan ko," saad nito bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo.

Agad akong bumaling sa magkabilang gilid ko para lamang makita kung gaano kalawak ang pwede pang daanan dito.

Huh! At ako pa ang nakaharang eh napakalawak pa kaya ng space na pwede niyang daanan.

Akma na akong magsasalita at handa na din akong bulyawan siya, pero nakalayo na ito sa akin. Sakto din naman na nagring na ang bell kaya wala na akong nagawa kundi ang magngitngit sa kinakatayuan.

"Hindi pa tayo tapos Mr. Insolent," pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako at dumiretso sa classroom.

________________

Sino kaya si Mr. Insolent? Samahan niyo akong alamin ang kwento ng ating bida.

nonsenseofnami eto na po ang request mo na mag published na din ako HAHAHA .. hindi dapat ito ang ipupublish ko ngayon, pero nagkaproblema kaya ito na lang muna HAHAHA. Enjoy reading <3

The Jerk is Inlove(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon