Chapter 4

11 2 0
                                    

"This song is for the first girl that made my heart beats this fast, and made me feel this feeling i can't describe"

Samu't-saring reaksiyon naman ang inani ng mga manunuod sa sinabi nito. Samantalang ako ay hindi na mapakali sa mga matang ngayon ay nakatitig sa akin.

Ilang sandali lang ay nagumpisa na sila sa pagtugtog.

"Di ko maintindihan ang nilalaman nang puso, tuwing magkahawak ang ating kamay"

Napatingin na lang ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko dahil sa mga titig niya.

"Pinapanalangin lagi tayong magkasama, hinihiling bawat oras kapiling ka"

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman dahil sa ginagawa niya.

"Sa lahat ng aking ginagawa, ikaw lamang ang nasa isip ko sinta, a-ahh"

Napakaamo niya ngayong tingnan. Parang bigla na lang nawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya.

"Sanay di na tayo magkahiwalay, kahit kailan pa man"

Bakit ang gwapo niya 'ata ngayon sa paningin ko?

"Ikaw lamang ang aking minamahal, ikaw lamang ang tangi kong inaasam, makapiling ka habangbuhay ikaw lamang sinta ahh, wala na 'kong hihingin pa, wala na, ohh, ohhh"

Natapos ang kanta nang hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Mabuti na lang at hindi ito napapansin ng mga manunuod lalo na nitong mga katabi ko.

"Kaya sana 'wag mo na akong iwasan dahil sa inamin ko sayo," pabuntong hiningang saad nito na patuloy pa din sa pagtitig sa akin. "Ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganito e"

Halos pabulong na lang niyang sinabi ang huli kaya hindi na masyadong maintindihan, pero hindi ko alam kung bakit kusa na lang itong naintindihan ng puso ko.

Ngayon niya lang naramdaman ang ganito at hindi siya sigurado sa kaniyang gagawin. Pero natatakot akong paniwalaan siya eh. Natatakot akong saktan niya lang din ako.

Hanggang ngayon ay natutulala pa rin ako dahil sa nangyari. Alam kong ako ang tinutukoy niya kanina pero natatakot pa rin talaga ako eh.

Knowing him, his a total jackass at posibleng pinaglalaruan niya lang ako

Mahinang untag naman ng isip ko sa akin. May kaunting kirot naman na naidulot ang isiping iyon sa akin. Nalulungkot ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan na talaga namang nakakawalang gana.

Abala ang aking isipan sa pagiisip ng walang katapusang mga posibilidad nang biglang magvibrate ang aking cellphone.

Unknown number calling~

Nagtataka ko itong sinagot dahil baka importante. "Hello? Sino 'to?"

"Shy its me, your tita Angela" hindi ko alam kung bakit biglang nanikip ang dibdib ko ng malaman kung sino ang tumatawag.

Bahagya pa akong natigilan habang nagkakagulo ang mga kalamnan ko sa tiyan. Hindi ko maipaliwanag ang kabang bigla kong naramdaman nang marinig ang boses ni Tita Angela.

"Oh tita, kamusta ka na po? Bat bigla kang napatawag," agad ko namang tugon ng makabawi sa gulat at pilit na pinapasaya ang boses.

"Im going to Philippines this saturday para ayusin ang mga papeles mo, after graduation ay isasama na kita pabalik ng America"

Sa hindi malamang kadahilanan ay nalungkot ako sa sinabi nito. Tila naninikip ang dibdib ko at nagiinit ang gilid ng aking mga mata, na wari'y may mga luhang gustong kumawala dito.

"Okay po tita! I missed you," saad ko dito na mas pinasigla pa lalo ang boses ko.

"Gotta' go honey, tumawag lang ako para iupdate ka. Sige na, may aasikasuhin pa ako e, magiingat ka diyan. I love you honey!"

Malambing na saad nito bago tuluyang pinatay ang tawag. Hindi ko maintindihan ang matinding paninikip ng dibdib na nararamdaman ko ngayon. Tila ba nalulungkot ako sa balitang nalaman samantalang ako naman ang magsuhestiyon nito sa kanila noon. Mag isa na lang kasi si tita at kailangan niya ng makakasama sa bahay dahil sa sakit niya.

Napag usapan na namin noon na after graduation ay sasama na ako sa kanya sa ibang bansa para doon manirahan at ipagpatuloy ang pag aaral ko.

Kung noon ay excited akong umalis ng bansa para samahan si tita, ngayon ay ang bigat sa pakiramdam na marinig ito. Nakakalungkot na ilang buwan na lang at aalis na ako ng bansa. May parte ng pagkatao ko ang hindi gustong umalis at manatili na lang dito sa pilipinas. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang biguin ang tita ko. Alam kong kailangan niya ako at ayokong iwan siya sa planong ako naman ang nagsimula.

Simula ng tumawag si tita ay nawalan na ako ng ganang manuod pa ng ibang magpeperform kaya nagpasya na akong umuwi. Nauna na akong umalis sa mga kaibigan ko dahil may hinihintay pa daw silang bandang magpeperform mamaya. Hinayaan ko na lang sila at nauna na akong lumabas ng theatrum at nagdiretso pauwi ng bahay.

Nadatnan ko naman ang mga kapatid kong naglalaro sa sala. Nakakamiss maging bata no? 'Yung walang masyadong isipin sa buhay at wala pang muwang sa mundo. Minsan ko na ding hiniling na sana ay bata na lang ulit ako at walang iniisip sa buhay.

Nang mapansin nila ang pagdating ko ay nagmamadali  silang tumakbo papalapit sa akin at masasayang niyakap ang mga binti ko. Napangiti naman ako sa ginawa nila at bahagya pang niyuko ang mga ito para halikan sa kani-kanilang mga pisngi. Napahagikhik naman sila sa ginawa ko at tuwang-tuwa silang hinila ako paupo sa sofa. Nilagyan nila ako ng pekeng korona sa ulo at mga palamuting hindi ko alam kung saan nila nakuha.

"Ayan ate, mas naging maganda ka na" natutuwang saad ni Jilian ang bunsong kapatid ko. "Nagmukha kang reyna ate hihi" namamanghang dagdag pa nito habang nakatingin sa akin ang mga inosente nitong mata.

Minsan ko na ding kinainggitan ang kainosentihan sa mata ng mga kapatid ko, at ng bawat batang nakikita ko sa kalsada. Kainosentihang minsan ko na ding dinala noong bata pa ako.

Nakipaglaro pa ako ng ilang oras sa mga kapatid ko bago ko napagpasyahang pumasok sa kwarto ko para magpahinga. Inihanda ko muna ang pampalit na damit bago ako pumasok sa banyo at nagbabad ng ilang minuto sa tubig bago tuluyang nagbihis at humiga sa kama.

Habang nakahiga ay malalim na naman ang nilalakbay ng aking kaisipan. Bigla na namang pumasok sa alaala ko ang mga nangyarin kanina, ang mga sinabi ni Drake. Ako ba talaga 'yong tinutukoy niya? Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya? Pero paano? Bakit? Haysss

Sobrang gulo na ng isip ko at nagtatalo na din ang puso't isipan ko. Dahil na din sa pagod at sobrang pag iisip ay tuluyan na akong dinalaw ng antok.

Ilang oras pa lang 'ata akong nakakatulog ng maalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Nakatulog na pala ako sa gulo ng isip ko kagabi, at sa kakaisip dun sa Drake na 'yon.

No! I should stop this nonsense. Bakit ko pa ba iniisip ang lalaking 'yon? Hindi ko dapat siya iniisip.

Mayabang siya, irresponsable, nakakairita, gwapo, matalino- ay ano ba yan! Bat naging ganon huhu!

No! Hindi pwede. Kailangan ko ng tigilan ang kahibangan kong 'to. I shouldn't felt this way towards him. I can't fall for him!

Para hindi ko na maisip ang tungkol sa kanya ay nagpasiya na lang akong ipagpatuloy ang pagtulog. Ngunit sa kasawiang palad ay mukha niya parin ang nakikita ko.

This song is for the first girl that made my heart beats this fast, and made me feel this feeling i can't describe

Sa sobrang frustrate na nararamdaman ay nagtalukbong na lang ako ng kumot habang nakatakip ang unan sa mukha. Iniwasan ko na din ang isipin pa siya at nag isip na lang ako ng mas makabuluhang bagay kesa sa kanya.

The Jerk is Inlove(ON HOLD)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن