Chapter 3

10 2 0
                                    


"What do you think you're doing?" Halos manindig ang balahibo ko sa lamig ng pananalita nito.

Seing him this mad sent shivers to my spine. Hindi dahil natatakot ako sa kanya kundi dahil sa natatakot sa maaring magawa niya. Hangga't maarin ay ayokong masangkot sa malaking gulo and seing him right now makes me want to run away from them.

"L-look Drake, i didn't mean it. Sinampal niya ako, gu-gusto ko lang naman gumanti e," pagsisinungaling nito na ngayon ay nanginginig na sa takot. Tch! Scared from him, huh?! I laughed hard in the inside while seing her reaction at the moment.

Nagtatapang-tapangan pa din ito kahit masyado nang obvious ang takot sa mukha niya at hindi na makatingin ng deretso sa kaharap.

"Just, cut it off... I dont fvckin' care about your damn reason," madiing pagkakasabi nito na hindi inaalis ang tingin sa kausap, "don't you dare hurt my princess, or else im gonna show you what hell looks like"

Muling madiing saad nito na para bang gusto niya na manuot sa alaala ng mga nakarinig ang sinabi. Bahagya pa nitong iginala ang paningin sa paligid bago marahas na binitawan ang kamay ni Estella. Bumaling naman ang mga malalamig na mata nito na bahagya namang lumamlam ng makita ako. Lumapit pa ito sa akin at bigla na lang akong hinila sa hindi ko alam kung saan. Hindi na ako nakareklamo dahil hindi pa din nagsi-sink in masyado sa akin ang mga nangyari.

Nang makalayo ay 'saka lang ako nabalik sa sarili kaya tumigil ako sa paglalakad na nagpatigil din naman sa kanya.

"What?" Malamig na saad nito na hindi man lang nag abalang lingunin ako.

"Bitiwan mo na ako," mahinahong tugon ko naman dito na hindi na din nag abalang tumingin pang muli sa kanya.

Subalit hindi niya 'ata narinig kaya mas nilakasan ko na ang pagkakasabi. "Sabi ko BITIWAN MO NA AKO!" mas diniinan at mas nilakasan ko na ang pagkakasabi ko para maintindihan na niya.

Ngunit hindi pa din nito binibitawan ang kamay ko kaya inipon ko na lang ang lakas ko at malakas na hinila ang kamay ko. Mukha naman itong nagulat kaya napagtagumpayan ko naman ang pagkakabawi sa kamay kong hawak nito.

Tinitigan ko siya ng masama bago muling nagsalita. "Ano bang problema mo ha? Nung una binangga mo ako doon sa may garden, tapos hinala mo ako papunta sa may rooftop at hi-hinalikan mo ako. Tapos ngayon naman pinagtatanggol mo ako sa mga bitches na 'yon? Ano ba talagang trip mo ha?" Hinihingal ako matapos kong sabihin ang lahat ng 'yon.

Hindi naman ito nagsasalita at patuloy lang sa pagtungo na animo'y napakagandang tanawin ang nakikita niya sa baba. Sa inis ay padabog akong tumalikod sa kanya at akma ng maglalakad ng hawakan na naman nito ang kamay ko.

"Ano bang problema mo, bakit mo ba 'to ginagaw--" hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla na lang itong sumabat habang nagsasalita ako.

"KASI NGA GUSTO KITA!" sigaw naman nito na bahagya pang hinihingal.

Napatigil naman ako at gulat na napatingin sa kanya. Nakita kong maging siya ay nagulat sa sinabi na ngayon ay namumula na ang mukha sa kahihiyan.

Ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay bumalik ang seryosong tingin nito sa akin at determinado akong tinitigan sa mga mata.

Hindi naman ako mapakali sa mga tinging ipinupukol nito sa akin. Dahil hindi ko na alam ang mararamdaman ay mabilis naman akong tumalikod dito at dire-diretsong naglakad palayo sa kanya na hindi naman niya na pinigilan pa.

Nang makalayo ay bahagya pa akong napahawak sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog. Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pag amin kanina. Hindi naman siguro siya seryoso no? Sabihin niyo nga, pinagtitripan lang naman niya ako diba? Haysss!

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Ang gulo-gulo ng isip ko at kung ano ano na ang tumatakbo sa utak ko. Hindi na din magkamayaw ang tibok ng puso ko. Parang ano mang oras ngayon ay bigla na lang akong magco-collapse sa kinakatayuan ko.

_______

Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang kaganapang 'yon. At isang linggo ko na din siyang iniiwasan. Iniiwasan ko talaga na makita o makasalubong man lang siya sa kahit saan ako magpunta. Hindi ko na din kasi alam ang nangyayari sa akin e. Inaamin ko naman na simula nung huli naming pagkakausap ay hindi na siya nawala pa sa isip ko. At nakakafrustrate ng maalala pa ang mukha niya at ang mga kalokohan niya.

"Hoy!" Nabalik lang ako sa reyalidad nang kalabitin ako ni Nica, isa sa mga kaibigan ko.

"Tulaleng ka na naman diyan. Ang dami-dami mo kasing iniisip eh, mag-enjoy ka kaya muna kahit saglit lang" suhestiyon naman nito na sa tingin ko ay kailangan ko talagang gawin ngayon.

Nakakapagod na din ang alalahanin ang mga sinabi niya sa akin. Hindi na din nakakatuwang hindi na siya nawawala pa sa alaala ko simula ng araw na 'yon.

"Alam mo sumama ka na lang samin mamaya, may performance daw ulit ang The Beast sa theatrum ng shop e," saad namab nito habang nakangiti ng malawak sa kawalan bago muling ibinaling ang paningin sa akin, "ano? Sama ka?"

Napabuntong hininga na lamang ako at marahang tumango dito. Nakita ko naman kung paano ito natuwa sa naging tugon ko at nagtititiling iniwan ako. Tamo 'to! Iniwan na lang ako basta dito matapos kong pumayag sa gusto niya.

Nandito na kami ngayon sa loob ng theatrum at naghahanap ng mauupuan. Sa labas pa lang simula ng dumating kami dito ay maririnig na ang malalakas na sigawan ng mga manunuod. Nang makahanap ng mauupuan ay agad na kaming naupo at hinintay ang pagpasok ng banda.

"Ehem.. mic test" teka! Yung boses na 'yon. 

Dahan-dahan ko namang iniangat ang aking paningin at dito ay nagtama ang paningin namin ng lalaking nagsalita. Shit! Bakit kasi nakalimutan ko na sila nga pala ang miyembro ng The Beast! Kung naalala ko lang sana agad ay hindi na sana ako pupunta pa dito.

'The Beast'

Sila 'yong grupo na binubuo ng mga gwapo, maaangas at sikat dito sa school na kalalakihan. At siyempre isa na diyan ang napakayabang na si Drake Fernandez!

Masasabi na magagaling silang kumanta at tumugtog ng iba't-ibang uri ng instrumento. At nagagawa din nilang baliwin ang mga manunuod dahil sa taglay na angas at galing habang nagpeperform sila on stage.

Pero frankly speaking, hindi ko sila type... most especially that Drake!

Napakayabang kasi nila sa paggalaw at pagsasalita pa lang. Maliban na lang sa isa, si Daniel.

Daniel Ace Veniel is my long time crush since elementary, pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako nito pinapansin.

Siya 'yong tipo ng lalaki na mabait, matalino, talented at higit sa lahat responsable. And yes, unfortunately, kamember at kaibigan niya ang napakayabang na si Drake.

Pagtingin ko ulit sa stage ay napansin kong tinitingnan na pala ako ni Drake mula sa itaas ng stage.

Teka! Saakin nga ba? O nagaassume lang ako na ako 'yong tinitingnan niya

"This song is for the first girl that made my heart beats this fast, and made me feel this feeling i can't describe"

The Jerk is Inlove(ON HOLD)Where stories live. Discover now