Chapter 1.

9 1 0
                                    


Chapter 1

Wynde's POV.

"Sigurado kana ba talaga sa papasukan mo Wyn?" Nasisimula na akong mairita dahil panay ang tanong ng aking adopted mother kung tutuloy pa 'ba ako o hindi.

Sandali akong tumigil sa pag iimpake at humarap sakanya. "Ma, Sure na 'ko dito at matagal ko ng pangarap na mahanap yung tunay kong magulang." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pag buntong hininga nya.

Mahalaga sakin si Mama Isobel dahil sya yung naging nanay ko at nag paramdam sakin na hindi required yung mag kadugo kayo o hindi sa isang pamilya, as long as nagmamahalan kayo.

But no to incest...

"Baka kasi pag nahanap mo yung tunay mong mga magulang eh makalimutan mo na ako" Ang masayahing mata ni Mama Sob ay nabahidan ng sakit at lungkot na sa Ina mo lang makikita.

Itinigil ko ang ginagawa ko at umikot sa likod nya at nang makalapit na ako ay niyakap ko sya sa likod at pinatong ko ang baba ko sa balikat nya. "Ma, Kahit naman makilala ko sila ikaw parin naman yung nag iisang Mama sa buhay ko, syaka malaki masyado yung Manila tatapusin ko pa yung pag aaral ko bago ko sila hanapin." Naramdaman ko ang kamay ni Mama sa pisnge ko at dahan dahang hinaplos iyon.

"Simula nong nawala ang tatay mo ay natatakot na 'kong mawala ka sa buhay ko lalo na't may sakit ka sa puso ayukong pati ikaw ay mawala sa 'kin" Napangiti ako ng mapait ng wala sa oras.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung pano nila walang awang pinatay si Papa Felher at wala man lang akong nagawa nong mga oras na yun kundi ang panoorin syang mawalan ng buhay. Wala akong ibang sinisi kundi ang sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang protektahan ang Papa ko.

"Tsk drama kung gusto mong umalis bukas ang pinto at..." Napabitaw ako kay Mama at agad na tumingin sa pinto. Nakasandal don si kuya Cynce na walang bahid na kahit anong emosyon sa mukha nya at nasa likod nya si kuya Kyne na nakatingin sakin habang puno ng pag aalala. "Wag ka ng bumalik."

Tumayo si Mama at akmang sasampalin si Kuya Cyn ng pinigilan ko sya. "M-ma"

"Wag na wag mong pag sasalitaan ng ganyan yung kapatid mo Cynce." Madiin na sagot ni Mama habang dinuduro sya pero patuloy parin ako sa pag aawat sakanya.

"Kapatid?" Malaki ang hakbang ni Kuya papalapit sakin "EH AMPON NGA LANG YAN EH!" Mapapikit ako ng sigawan nya ako sa mukha at dinuro ang noo ko. Naramdaman ko ang pag init ng sulok ng mata ko sa sigaw ni Kuya Cyn at sa pag kakataong ito nawalan na ako ng lakas na pigilan ang pag sampal ni Mama kay Kuya. Tumawa lang sya ng mapakla "Bakit Ma? Hindi ba totoo? Sang basura mo ba kasi napulot yan? Bagay nga sya don eh! Walang kwent---' hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng sampalin ulit sya ni Mama. At ngayon ay triple na yung lakas.

"Wala kang karapatang bastusin ng ganyan si Wynde dahil ang Papa mo ang kumupkop sakanya!"

"At sya din ang may dahilan kung bakit sya namatay!" Mahinahon na sigaw ni Kuya kay mama.

"Wala akong kasalanan! Hindi ko ginusto yun!" Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko sa mata at akmang lalapit sakin si Kuya Kyne ng tumakbo ako sa bintana at lumabas ng bahay.

Narinig ko pa ang pag tawag ni Mama at Kuya Kyne sakin pero ayuko muna. Wag muna ngayon.

tumakbo lang ako ng tumakbo at hinayaan ko ang mga paa ko kung saan ako dadalhin ng mga ito ang alam ko lang ay gusto kong lumayo.

°°°

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na parang siraulong umiiyak sa isang waiting shed. Bahala na kung sinong makakita sakin basta gusto ko lang mapag isa, swerte ko naman at hating habi na at binira lang ang tao dito sa park at ang buwan nalang ang tanging liwanag na meron ako.

I belong to youWhere stories live. Discover now