CHAPTER 4.

2 1 0
                                    

Chapter 4.

Wynde's POV.

"𝘒𝘢𝘮𝘶𝘴𝘵𝘢 𝘬𝘢 𝘥𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘢𝘬?" tanong ni Mama sa kabilang linya.

"Okay naman po Ma. Si Kuya Kyne at Cynce?" Sandaling tumahimik ang kabilang linya at narinig ko si Mama na bumuntong hininga.

"𝘓𝘢𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘶𝘺𝘢 𝘊𝘺𝘯𝘤𝘦 𝘮𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘪 𝘒𝘶𝘺𝘢 𝘒𝘺𝘯𝘦 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘺..." kumunot ang noo ko dahil may kakaiba talaga kay Mama ngayon. "Tulog na."

"Hindi sila magkasama ni Kuya Cynce na uminom?"

"𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪." Nakakapagtaka.

Sila kasi yung tipong kahit anong gawin mo hinding hindi yan maghihiwalay. Kung may kaaway yung isa kaaway na ng dalawa. Pag may lakad yung isa, sasama naman yung isa. Masyado silang close sa isa't isa kaya nakakapagtaka talaga. Umabot lang ng ilang minuto ang tawag namin ni Mama dahil hating gabi na din. Kailangan na nyang mag pahinga.

Humiga ako sa kama at bumagsak ang tingin ko sa hawak ko na calling card. Gusto ko syang tawagan pero ayuko din. Baka isumpa ako non dahil sa ginawa ko kahapon.

Nataranta ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko at halos mabato ko na 'to sa subrang gulat. Tiningnan ko ang caller pero unknown number lang naman.

"Hi?" kumunot ang noo ko nang walang nag sasalita. "Sino to?" Wala parin. "May tao ba dyan? Hello?" Tiningnan ko ulit yung cellphone kasi baka namatay lang pero nandon parin naman at maya maya pa ay kusa na nya itong binaba. 𝘒𝘳𝘈𝘻𝘠 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘭𝘢𝘯𝘨.

Bumuntong hininga muna ako bago ideal yung number ni... Majie? majie or magnie? Ah basta yung girl na mukhang babae. Umabot ng ilang ring yung tawag hanggang sa kusa itong namatay. Kaya padabog ko 'tong inilapag sa ibabaw ng drawer.

"edi wag. Ganyanan pala ah, sige wag mong sagutin yung tawag ko hinding hindi na 'ko mag papakita sayo. Tapos kunyari cold ako ganern--" Natigil ako sa pag kakausap sa sarili ko nang biglang mag ring yung cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha pero halos bagsakan na 'ko ng langit at lupa nang bumungad sakin yung basag na screen don. 𝘴𝘩𝘪𝘵

"H-hello?" nanginginig yung boses ko sa subrang kaba. Hindi dahil unknown number yung tumawag pero dahil basag na yung cellphone ko. Para akong naduduwal na natatae sa subrang kaba.

"Are you..." Wait familiar yung boses. "Okay?" Dali dali akong umupo at sumandal sa headboard at kinlaro ang lalamunan ko. "Hey?"

"S-sino ka?" Bumuntong hininga ako. "Bakit ka tumawag?"

"You're the one who called first then i couldn't answer because I'm studying." Narinig ko pa yung mga kaluskos sa kabilang linya kaya baka nag aaral talaga sya. "What do you need?"

"Wala." Bakit nga ba ako tatawag sakanya? Anong dahilan?

Narinig ko ang pag singhap nya sa kabilang linya. "You called for nothing? seriously?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi at ngumiti ng nakakailang habang nag iisip ng pwede kong idahilan sa babae na 'to.

"Ahh oo kaya ako tumawag kasi ano..." Ano Wynde? "K-kasi may kulang sa binili kong grocery kaya baka naiwan ko sayo." Tama tama!

"are you accusing--"

"N-no! I mean baka lang naman. Natanong ko lang pero baka nga wala sayo talaga sayo. Hahanapin ko nalang sa tabi tabi bye bye!!!" Nag hahabol ako ng hininga matapos kong ibaba yung tawag. Alam kong maganda sya pero hello? Straight pa ako sa ruler 'teh! Like never akong magkakagusto sakanya!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I belong to youWhere stories live. Discover now