CHAPTER 2

10 1 0
                                    

Chapter 2




Wynde's POV.

Tatlong araw na din nong makalabas ako ng hospital at ngayon ang flight ko papuntang manila. At nandito ako sa labas ng bahay namin para pumuntang airport, gusto man nila akong ihatid ni Mama don ay hindi pwede dahil 4 oras ang byahe bago makapunta don.

"Mag iingat ka don Anak" ngumiti lang ako kay mama nang haplusin nya ang pisnge ko.

"Pasaway ka pa naman baka mamaya mabalitaan nalang namin na namatay kana sa sakit mo, matuto kang mag ingat lalo na't wala ako don" sabat ni Kuya Kyne habang nakatingin sa tasa ng kape nya at nang napag tanto nya ang kanyang sinabi ay agad syang tumikhim at pumasok sa loob ng bahay. Napangiti nalang ako dahil iniisip ko na kahit papano ay naiisip ko na may pake parin sya sakin, kahit si Kuya Kyne lang...

"Sige na sige na pasok na sa kotse at baka mahuli ka sa flight mo" lucky, si Kuya Cynce ang mag hahatid sakin kahit labag sa loob nya at mukha syang galit sa mundo dahil sa itsura nya.

"Bakit parang tinatakwil mo na ako, Ma?" Ngumuso ako at kunyaring nag tatampo sakanya.

"Hay, ikaw talagang bata ka alam ko naman na bukod sa gusto mong mahanap ang totoo mong magulang ay gusto mo ding makapag tapos ng pag aaral, basta tandaan mo lang palagi na pag may kailangan ka, nandito lang kami." Binigyan muna ako ng mahigpit na yakap ni Mama bago ako tuluyang pumasok sa backseat dahil baka pag lamayan na 'ko bukas pag tumabi ako sakanya.

Akmang isasara na ni kuya ang bintana ng biglang iharang ni Mama ang kamay nya don dahilan para mapatigil sya.

"Ingatan mo ang kapatid mo dong"

"Stop calling me that shit ma--- ouch" Lumipad ang palad ni Mama sa ulo ni Kuya. "What the--" Hindi na natuloy si Kuya sa pag sasalita ng bigla syang ambangan ulit ng batok ni Mama.

"Sinasabi ko sayo pag nalaman kong nagasgasan yang kapatid mo sasabihin ko sa girlfriend mo na hindi ka pa tuli!" Napaawang ang labi ko kasabay ng pag tingin ko kay Kuya na mukhang nagulat din sa sinabi ni Mama.

"What the fuck Ma?" Ngimisi lang si Mama at binatukan ulit sya.

"Layas na." Tinapik ni Mama ang harap ng sasakyan ni Kuya.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Kuya kasabay non ang pag buhay nya sa makina ng kotse.

Inilabas ko ang ulo ko sa kotse at kumaway kay Mama. "Bye Ma!" Ngumiti sya sakin at pinunasan ang luha nya kasabay ng pag kaway ng kamay nga sakin. Pinipigilan ko lang na umiyak dahil hindi ako sigurado kung kelan ako tatahan at isa pa bawal sa puso ko yun. Nang masigurong hindi ko na sya natatanaw ay umayos na ako ng umupo at isinandal ang ulo ko sa pinto ng kotse.

Hindi ko maiwasang titigan ang mukha ng kuya ko.

FLASHBACK

"Wag kang mag boboyfriend ah?" Nakangusong babala sakin ni Kuya Kyne. "Tsk sarap tanggalan ng bayag nong kaklase mo, kung makatingin sayo parang gusto ka nyang angkinin mula samin!"

"Bat di mo gawin?" Nag hahamon na tugon ni Kuya Cynce habang binubuksan yung bottled water sabay inom non.

"Wala kang kwentang kapatid! Bahala ka dyan hmpk!" Natawa ako sa reaksyon ni Kuya Kyne kasi para syang babae na nag tatampo sa nobyo nya.

"Here" inabot nya sakin yung tubig nya at agad ko naman yung kinuha at ininom. Nakakastress din ngayong araw binurin mong inutusan ako ni Papa na pakainin yung baka tapos natatakot ako don kasi ang laki ng bunganga.

Kaya ang ending, naglaro lang kami kaya parehas kaming nasermunan ni Papa.

Ginulo ni Kuya ang buhok ko at tinapik yung likod ni Kuya Kyne bago tumayo at umalis.

I belong to youWhere stories live. Discover now