CHAPTER 3.

4 1 0
                                    

Chapter 3.

Wynde's POV.

Tahimik akong nag aayos ng gamit ko kasi papasok na 'ko bukas. Tatlong araw palang akong nag iisa parang gusto ko ng bumalik sa probinsya dahil namimiss ko na si Mama. Nakatira lng ako sa simpleng apartment gusto sana ni Mama yung malaki pero tumanggi ako. Kaya ko naman yung sarili ko at isa pa ako lang naman mag isa.

Nag unat muna ako bago pumunta sa banyo para maligo. Mag gagabi na pero hindi parin ako nakakakain dahil sa subrang stress ko sa bahay kahit wala naman akong ginagawa. Hindi lang kasi ako sanay na tahimik yung paligid ko, nasanay ako sa tilaok ng manok. Yung labas namin na madadamo na lagi kong pinag hihigaan

at yung mga kambing na umiiyak at yung bakang pinapakain ko araw araw.

Bumuntong hininga muna ako bago nag bihis ng hanggang tuhod na short at nag sando nalang ako pero pinatungan ko ng Jacket para hindi makita yung balikat ko. Oo magulo akong mag isip minsan pero walang basagan ng trip.

Nang makuntento ay tumayo na ako para pumunta sa pinaka malapit na mini mart dito.

Pag pasok ko don ay kumuha na 'ko ng kakainin ko ngayong gabi at isa pa mamimili na 'ko ng stucks para hindi na 'ko labas ng labas lalo na't magiging busy na 'ko sa pasukan.

"2,500 po ma'am" napaawang ang labi ko. Wtf? Ganon ba kadami yung pinamili ko? Tiningnan ko yung pinamili ko. Bumili lang naman ako ng 5 packs ng napkins. 10 bottled coke. 50 pieces na cup noodles at 50 pieces na junk foods.

Bumuntong hininga nalang ako at hinugot ko yung 5,000 sa wallet ko ng biglang may nag lapag ng 1 bottled coke. 3 cup noodles at 1 selecta ice cream sa harap ko and worst yung malaki pa!

"She's with me." Handa na sana ang bibig ko para mag reklamo pero huli na ang lahat dahil nasama na sa mga pinamili nya sa pinamili ko at ang ending ay ubos ang pera ko.

Mabuti nalang at binukod ng counter yung binili ko kaya naman agad ko na yung kinuha, medyo nahirapan pa 'ko kasi 4 na paper bag yung bitbit ko.

Nakita ko yung babae na nakaupo don sa bakanteng upuan sa mini mart. Kinakain nya yung cup noodles nya na binayaran ko. Nahuli nya naman yung tingin ko kaya napatigil nya sa pagkain at inilahad yung upuan na nasa harap nya. Sinilip ko muna yung pinamili ko. Masyado tong madami hindi ko kayang iuwi lahat.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko at walang awang kinaladkad ako at pabatong pinaupo sa upuan.

"Problema mo?" Sigaw ko sakanya.

Padabog nyang hinila yung upuan nya at imupo don. Para syang lalaki gumalaw. Eww tomboy.

Tatayo na sana ako para kunin yung pinamili ko pero inunahan na nya ako. Hindi ko alam kung nantitrip lang ba tong babae na to or nakahithit. Maya maya pa ay pabagsak nyang binaba lahat ng pinamili ko kaya bahagyang umawang ang labi ko sa gulat.

"Hoy kung may galit ka sa mundo wag mong idamay yung pinamili ko!" Pabagsak lang syang umupo at kinain yung cup noodles nya. Nag tagal ng ilang minuto ang katahimikan at subrang nakakailang talaga.

"Stop staring" Nag iwas lang ako ng tingin.

"Wala ka bang pera? Bakit sakin mo pa pinabayad yung mga pagkain mo?" Saktong ubos ma yung kinakain nya. Kinuha nya yung panyo nya sa bulsa at pinunasan yung kamay nya at tumingin sakin. Isang tingin na nakakatunaw.

"I don't have a money." Ngumiwi lang ako at bumagsak ang tingin ko sa relo na nasa pulsuhan nya.

"Anong oras na?"

"3:07 AM." Sagot nya ng hindi tinatapunan ng tingin yung relo. Ibang klase! Tumayo na ako at kinuha yung pinamili ko. Aalis na sana ako pero hindi ko maiwasang tumingin sa babae. Maganda naman sya pero mag papakabog ba 'ko?

I belong to youWhere stories live. Discover now