Chapter 29

0 1 0
                                    

"Sino ba kasing hinihintay natin? Nilalamok na ako dito!" Pang-apat na tanong ni nastimak.

"Tangina! Sabi ng pulis, paulit-ulit?" Sarkastiko kong ani.

"Sino ba kasing pulis?" Salubong ang kilay na tanong niya.

"Alam mo ikaw naturingan kang Regional Director ng NBI pero may pagka b o b o ka!" Inispiling ko pa ang bobo para dama niya! "Manahimik ka, ayan na siya!" Pag-ngunguso ko sa lumalabas ng pulis.

"Si General Borah? Anong kailangan mo sakanya Leigh?"

"Jusko Fortunato! Asan na yang utak mo? Utak pa ba ang laman niyang ulo mo? Sabaw na sabaw ka, eh!" Madiin kong utas pero hindi nilalayo ang tingin sa General. "Protektor siya ng mga Montemayor!"

Ramdam ko ang panlalaki ng mata niya at pagtitig sakin. "Puta!? Totoo ba yan? Sabi ko na nga ba eh!"

"Bakit?" Tanong ko habang pinapanood ang pakikipag-usap ni General.

"Noong presko pa ang kaso ng mama mo, nakipag-coordinate ako at sinabing ako ang hahawak sa kaso, hindi bilang NBI kundi bilang abogado! Naghinala ako nung imbis na ipapasa na sakin ang kaso ay biglang nagbago ang linya at binawi sakin. Hindi dapat si General Borha ang hahawak sa kaso, nalaman kong may nauna na sakanya pero biglang umorong sa hindi malamang dahilan. Naghinala ako sakanya pero wala akong matibay na ebidensya!" Mahabang paliwag niya na nakapag pabaling ng atensiyon ko.

"Kung ganon tama ang hinala mo! Bakit hindi po sinabi sakin?" Pagtatanong ko.

Kinutosan ko siya nung hindi siya sumagot sa tanong ko. "Aray..., ano ba? Natural hindi ko sasabihin wala akong pruweba diba?" Sarkastikong saad niya, masama ang tingin sakin.

"Tara bilis!" Nagmamadali kong saad sakanya pagkapansin na sumasakay na si general sa kotse niya.

Pagkakita na medyo may kalayuan na ang kotse ay saka lang ako sumunod.

"Stop the car, Leigh!" Utos ni nastimak sa kalagitnaan ng pagsunod namin.

"Bakit? Makakalayo na oh!" Sagot ko habang hinay-hinay na humihinto.

"Wag na tayong tumuloy! Patibong to! For sure may naghihintay na satin sa dulo!" Saad niya habang nakatingin sa papalayong kotse ni general.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pano mo nasabi?"

Tumingin siya sakin at seryoso akong tiningnan. "Hindi mo ba napansin ang paraan niya ng pagd-drive? Alam niyang nakasunod tayo! Kung hindi mo napansin hinihintay niya tayo tapos pagkakita na malapit na tayo sa kotse niya ay bibilis na naman ang patakbo niya. Some tricks but i know it pretty well!"

Napatango-tango ako sakanya. "Kaya pala parang urong sulong ang pagd-drive niya!" Nakangisi ko siyang tiningnan. "Seems like your senses are back now, huh?"

Nginisihan niya ako pabalik, mas nakakalokong ngisi. "Ngayon mo sabihin kung sino ang b o b o satin?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Ang mokong inispiling din ang bobo.

Sininghalan ko lang siya at nagdrive na lang pauwi ng bahay. Mahirap na kung magpatuloy kami sa pagsunod! Panigurado Saint Peter ang bagsak namin.

Gabi na nung maka-uwi kami. Imbis na dumeretso sa kwarto ay pumunta akong loundry area para makapasok sa secret passage. Ramdam kong nakasunod si nastimak sakin pero kiber sakanya.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nakapag-pagawa ka ng secret passage!" Pagbabasag niya sa katahimikan.

"Ngayon maniwala ka na!"

"Kahit kailangan wala kang kwentang kausap!"

Nungtuloyang makapasok sa mismong silid ay pinuntahan ko ang pakay. Bumuntong hininga ako at umupo sa harapan niya. Tanging ang lamesa lang ang pagitan namin.

Chasing The Unknown [COMPLETED]Where stories live. Discover now