Kabanata 7

107 8 0
                                    

MATAPOS i-announce ang mga nanalo sa tatlong division, pinatawag ng coordinator ang lahat ng coach o representative ng bawat grupo para ipaalam sa kanila ang ranks pati ang overall result.

Ilang oras na ang lumipas nang matapos naming ipakita sa mga manonood ang choreography na pinagpaguran naming buuin. Sa kabutihang palad, kahit papaano ay nagawa ko ng tama ang parte ko. May pagkakataon na muntik akong magkamali dala ng pagkabalisa, buti na lang naibawi ko kaagad no’n ang sarili ko. Nakapwesto ako sa bandang likuran ng mga oras na iyon kaya tingin ko, hindi naman masyadong halata sa mata ng judges ang nangyari.

Pagkabalisa. Iyan ang unang beses na nakaramdam ako ng ganiyan sa gitna ng pagsasayaw. Hindi ko kasi matanggal sa isipan kong nanonood sa amin si Bryant. Out of nowhere, parang gusto kong maging perpekto sa paningin niya. Gusto ko ma-impress siya sa akin. Feel ko, na-pressure ako sa pag-iisip na ‘yan.

Ngayong magaan na ang utak ko, nakaramdam ako bigla ng kahihiyan. Bakit ba ako naging ganoon? Hindi ko pa siya lubos na kilala pero sadyang kakaiba ang lakas ng tama ko sa kanya.

Pinagmasdan ko ang mga kagrupo kong nagkukumpulan sa kinauupuan ng taong may hawak ng phone, kabilang na roon sina Winter at Molly. Pinapanood nila ang kuhang video sa performance namin kanina. Kanya-kanya rin silang nagbibigay ng komento sa kung ano ang masasabi nila sa kinalabasan ng pinaghirapan namin.

“Guys, umayos kayo ng upo,” salubong sa amin ni Paps. Kasama niya si coach; kagagaling lang nila sa silid kung saan naroroon ang mga judge ng contest.

Madaling sinunod ng lahat ang utos niya. Napuno namin ang limang baitang ng bench. Sa dami ng aming miyembro, sa lapag na lang umupo ang iilan na hindi nagkasya.

“Out of fifty group participants under Monster Division...” Hinintay namin matapos ang sasabihin ni coach Jon. “...fourth place tayo. Congratulations, everyone!” pagpapatuloy niya.

Umalingawngaw sa paligid ang hiyawan ng mga kagrupo ko dahilan para mapalingon sa direksyon namin ang mga mananayaw na malapit sa pwesto namin. Galak na galak ang mga ito sa kanilang narinig. Habang pinapanood ko sila ay napapangiti na lamang ako. Malaking achievement na rin ang mapabilang sa top ten kaya naman walang ni isa sa amin ang nakaramdam ng panghihinayang kahit hindi kami kasama sa tatlong grupo na nanalo. Basta ang importante, na-enjoy namin ang experience; naipakita namin sa mga manonood ang aming biyayang talento at ang passion namin sa pagsasayaw.

“Congrats sa atin, Summer!” natutuwang wika ni Winter sabay akbay sa balikat ko. Hindi ko napansin na nasa likuran ko lang pala siya. Katabi niya si Molly na may sariling mundo, tutok na tutok ito sa phone niya.

“Nakaka-proud kayong lahat. Makita ko lang ang magandang resulta ng pinagpaguran natin, gumagaan ang pakiramdam ko. Kahit siguro hindi n’yo na ako kailanganin sa hinaharap, kakayanin n’yo na i-handle ang mga sarili n’yo,” natatawang sabi ni coach.

Halos sabay-sabay nag-react ang iilan. Hindi sila sumasang-ayon sa sinabi niya. Kesyo kailangan pa rin siya ng grupo. Hindi mabubuo ang The Unfold kung wala siya. Malaki ang parte niya sa buhay ng bawat miyembro dahil isa siya sa humasa ng skills namin, which is totoo nga naman.

Tulad ng iba, malaki rin ang respeto ko kay coach Jon. Nasaksihan namin ang mga effort niya para sa grupo kaya hangga’t maaari sinusuklian namin iyon sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunod ng mga advice niya.

“Sa totoo lang, coach. Thankful talaga kaming lahat sa iyo. Kasi kahit pagod ka na galing sa trabaho ... imbes na umuwi ka’t magpahinga sa bahay ninyo ... naglalaan ka pa rin ng oras para sa amin,” mga salita na kusang lumabas sa bibig ko.

Parang bigla silang dinaanan ng anghel nang marinig ang sinabi ko. Natahimik sila. Pasimple kong nilibot ang paningin sa paligid para alamin ang kani-kanilang reaksyon. Sa akin ang tutok ng atensyon nila; bakas ang gulat sa kanilang mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit sila ganiyan. Hindi na ba ako pwedeng maglabas ng saloobin?

“Ginulat mo naman ako, Summer. Hindi ko akalaing maririnig ko iyan mismo sa labi mo,” pabirong sagot ni coach habang nagkukunwaring naiiyak. Nakisabay rin si Paps sa trip niya; she’s patting his back to calm him down.

Umangat ang sulok ng labi ko. Naistatwa silang dalawa nang makita iyon. “Coach Jon, paano ka nga naman mapapagod kung makikita mo’t makakasama sa pag-uwi ang nagsisilbing pahinga mo, ‘no?” May laman at halong pagbabantang wika ko. Hindi na kailangang bigyan ko pa sila ng makahulugang tingin. Sa pagkulay kamatis pa lang ng buong mukha ni Paps, batid kong naiintindihan niya ang pinupunto ko.

Pasimpleng sumulyap si coach sa gawi ng katabing dalaga pero nang maramdaman niya ang talim ng titig ko, iniwas niya ang kanyang tingin. Tumikhim siya habang nakayuko upang maikalma siguro ang nararamdamang kilig. Kahit na itago niya pa sa akin ang ekspresyon niya, kitang kita ko naman ang pamumula ng magkabila niyang tenga.

Umasim ang mukha ko habang pinagmamasdan silang pareho. Kulang na lang ay palibutan sila ng mga nagliliparang hugis puso. Nagdedeliryo na rin yata ako dahil parang nakikita ko si kupido na paulit-ulit silang pinapana. Mga pana ng pag-ibig.

“Jon!” agaw atensyon ng bagong dating.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko. Kahit hindi ko siya lingunin; sa boses niya pa lang, kilala siya agad ng puso ko.

“Oh, Bryant!” galak na tugon ni coach at sinalubong niya ito ng mahinang tapik sa balikat.

“Congratulations sa grupo n’yo.”

“Too bad. Basta ikaw, hindi ako tumatanggap ng pagbati. Maliban na lang kung sasagutin mo ang gastusin sa alak mamaya ... pag-uusapan natin ‘yan.”

He chuckled. “Ayos ka rin, eh, ‘no? Sino ba ang may trabaho sa ating dalawa?”

Gastusin sa alak? Huwag mo sabihing...

“Kung babalakin mo tumanggi o gumawa ng dahilan para hindi makasama, don’t bother,” bulong ni Winter malapit sa tenga ko. “Remember? You owe me one.”

Napasimangot ako dahilan para ikatawa niya iyon ng malakas. Gusto ko pa naman na sanang umuwi sa bahay para magpahinga o ‘di kaya’y ilaan ang libreng oras ko sa panonood ng anime. Sigh. Pinagmasdan ko si Winter na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pagtawa. Kung mawala sa paningin ko ang babaeng ito, hindi rin ako mapapalagay. Guess I have to go along even if it’s against my will.

Gamit ang panyo, pinunasan ko ang luhang namuo sa sulok ng mga mata niya. Kahit maliit na bagay, madali nga talagang pangitiin ang taong nilalamon ng labis na kalungkutan.

“Summer.”

Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan ng banggitin ni Bryant ang pangalan ko. Nakaramdam ako ng hindi pagkapakali nang ikulong niya sa parehong palad niya ang parehong kamay ko. Namilog ang mga mata ko nang ilapit niya ang distansya ng mukha niya sa mukha ko. Parang bigla akong nawalan ng lakas. Hindi ko siya magawang matulak palayo.

“Sasama ka sa after-party, ‘di ba?” Malawak ang ngiti niya at nangniningning ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Parang mabubulag ako sa liwanag ng ekspresyon niya. “‘Di ba?” pag-uulit niya.

Natulala ako sa kagwapuhan niya sabay kusang lumabas sa bibig ko ang pag-oo sa tanong niya. Nagalak siya sa narinig. Dala ng emosyon ay niyakap niya ako ng mahigpit. Sa hindi malamang dahilan, bumigat bigla ang pakiramdam ko. Kumikirot ang ulo ko sa init na nararamdaman ko.

“Goodness! May dugong lumalabas sa ilong mo, Summer!” tarantang balita ni Paps.

Bumitaw sa yakap si Bryant para i-check ang kalagayan ko. Pinatong niya ang noo niya sa noo ko. “Sobrang pula ng buong mukha mo. Nilalagnat ka ba?”

“Ha?” Wala sa sariling napapahid ako sa ilalim ng ilong ko. Nanlabo ang aking paningin habang pinagmamasdan ang dugo sa palad ko.

“S-Summer! Hey!”

Hindi ko na napansin ang kanilang reaksyon. Naririnig ko ang paulit-ulit na pagtawag nila sa pangalan ko pero pahina iyon nang pahina sa pandinig ko. Bumagsak ang katawan ko, sinalo ako ng aking kaharap. Pinahinga ko ang ulo ko sa dibdib niya. “No worries, I am fine. Just let me take a quick rest. Pagod lang siguro ako,” garantiya ko.

Mariin akong napapikit sa sobrang kahihiyan. The heck! Ano naman ba itong dinadrama ng katawan ko?

His Song RhythmWhere stories live. Discover now