Chapter 14: Hannah Olivar

20 11 2
                                    

Ang sabi nila, sa pares daw ng kambal may isang mahina, may isang hindi tatagal. Sa haba ng panahon, palagi kong hinihiling na sa amin ni Hannah sana ako 'yon. Sana ako nalang ang mahina at madaling magkasakit dahil kahit kalian ay hindi ko gustong makita si Hannah na nahihirapan. Pero nandito ako ngayon, nakatayo, walang magawa kundi maawa habang tinitignan kong nanghihina habang nakahiga at natutulog sa kama n'ya si Hannah.

Umupo ako sa gilid ng kama ng kakambal ko, hinaplos ko s'ya habang mahimbing na natutulog. Pinipigil ko ang pag iyak dahil baka magising s'ya at makita akong umiiyak, hindi n'ya ako pwedeng makitang umiiyak dahil ngayon, sa aming tatlo nila mama, alam kong sa akin lang sila kumukuha ng lakas ng loob. Kung pati ako ay magpapakita ng kahinaan paano na ang mangyayari sa aming tatlo?

Nangangatog ang labi ko sa pagpipigil ng iyak na dala ng awa na nararamdaman ko para kay Hannah. Hindi ko din maiwasan ang makonsensya dahil habang nakahiga ako sa malamig at komportableng kwarto sa condo ni Mich ay nandito sila sa masikip at hindi kagandahang ospital. Apat sila na nagsisiksikan dito sa isang maliit na kwarto.

Mabilis akong napasinghap at nagpunas ng kaunting luha na nakatas mula sa mga mata ko ng gumalaw si Hannah, gising na s'ya. "Hannah..." Malambing kong tawag sa pangalan n'ya.

"Heather?" Hindi ko mapigilan na hindi maiyak sa pagtawag n'ya sa akin na matagal kong hinintay at akala ko ay hindi na mangyayari pa. Nang magkahiwalay kami parang isang bahagi ng pagkatao ko ang nawala, hindi ako sanay na mag-isa, sanay ako na palagi kong kasama si Hannah.

Hirap man ay pinilit n'yang tumayo para lang mayakap ako, hindi ko na s'ya pinahirapan pa at ako na ang lumapit ng husto para sa yakap na gusto n'ya, doon bumuhos ang luha naming pareho, hindi sa pagkabigo o lungkot, kundi dahil sa tuwa na magkasama na muli kaming dalawa.

Kidney failure. Iyon ang sakit na iniinda ngayon ng payat at halos buto't balat kong kakambal. Kailangan n'yang mag-dialysis dalawang beses sa isang linggo, maraming dugo ang kailangan sa tuwing mag da-dialysis s'ya. Literal na halos buto't balat na si Hannah, siguro ay dahil hindi kaya ng katawan n'ya ang dalawanh dialysis sa isang linggo.

Halos dito na sila tumira sa ospital dahil wala silang pambayad, hindi pwedeng ilabas si Hannah hanggang may pending na bills. Maraming dugo narin ang nagamit nila sa blood bank ng ospital na kailangan nilang palitan agad, kung hindi ay hindi na makakapag dialysis pa si Hannah.

"Ang arte, babayaran ko na nga e, ayaw pa!" Singhal ni Mich nang sabihin sa amin na talagang dugo ang kailangan at hindi pwedeng bayaran.

"Wala tayong magagawa Mich, iyon ang sabi e," nanghihina kong sagot, hindi ko na alam ang gagawin, mas lalong lumalaki ang problema naming. Kapag hindi nakapag dialysis si Heather ay maari n'ya 'yong ikamatay.

Napaupo ako sa panghihina, nalilito ako at hindi makapag-isip ng solusyon sa problema. Naramdaman ko angmainit na palad ni Ryu sa balikat ko, "Mag do-donate ako, 'wag ka na mag-alala."

Gusto kong tumanggi, gusto kong sabihin na hindi n'ya yon kailangan gawin, gusto kong sabihin na huwag na pero paano 'ko tatanggi kung buhay ni Hannah ang nakasalalay? Imbis na tumayo at yakapin si Ryu, isang mahinang "salamat," iyon lang ang nasabi ko.

Nakahiga si Ryu sa donor's chair, pinagmasdan ko kung paano binalutan ng goma ang kanang braso n'ya, kung paano s'ya napapikit sa posibleng sakit na nadulot ng pagsundot ng may kalakihang karayom sa kanya, sa kanila. Sa kaliwa n'ya ay si Mich, bagaman ay takot sa karayom ay nagawang mag donate ng dugo para kay Hannah.

"Ang swerte mo anak at may kaibigan kang katulad nila." Hinawakan ko ang kamay ni mama at pinisil koi yon bilang pag sang ayon sa kanya. Higit pa sa swerte ang magkaroon ng kaibigan na katulad nila Ryu at Mich, isa silang kayamanan.

"Masakit?" Kaswal kong tanong kay Ryu habang tinitignan ang piangkuhanan ng dugo sa kanya. Umalis na si Mich dahil may kailangan pa s'yang asikasuhin mamaya at kailangan n'ya ding magpahinga.

"Sakto lang," sagot n'ya habang bahagyang natatawa. Hindi ko naman maitago ang emosyon, naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil halo halo na ang nangyari sa akin, sa amin.

"Heather... Ayos ka lang?" Nangangapang tanong ni Ryu, hindi ko na napigilan at napa-iyak na ako sa kanya.

"Ang... ang tagal kong hiniling na magkasama sama ulit kaming tatlo nila mama at Hannah..."

"... Magkakasama nga kami ngayon pero ganito naman ang sitwasyon namin." Bumuhos ang luha ko, hindi ko matanggap na parang pinagkakitan kami na maging maligaya. Ngayon ko naiintindihan kung bakit na kahit walang dahilan ay gusto kong umiyak. Nagpatong patong na ang mga nangyari sa akin. May stalker ako na gusto akong patayin, nalaman ko na wala na si papa, at ngayon naman ay si Hannah. Pagod na ako, pagod na akong magpanggap na kaya ko, na hindi ako naapektuhan o nasasaktan, pagod na akong dalhin ang lahat ng mag isa.

Niyakap ako ni Ryu, umiyak ako sa bisig n'ya, "Hindi ka naman nag-iisa... Nandito ako, kami ni Mich." Marahan n'yang hinagod ang buhok ko. "Gagawa tayo ng paraan, 'wag kang mag alala."

Nang mahimasmasan ako ay pumunta ako sa CR para maghilamos, pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin sa harapan ko, "hindi ka na ulit iiyak, huli na 'yon." Pangako ko sa sarili. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko lalo na noong sinabi ni Ryu na nakalabas na ng ospital ang lola n'ya.

Narinig kong bumukas ang isa sa mga pinto ng cublicle ng CR, inuluwa noon ang isang babaeng maganda, mahaba at kulot ang buhok, maputi at medyo may katangkaran, literal na mukha s'yang anghel na bumaba sa lupa. Pero ang wangis n'ya ay parang nakita ko na... S'ya yung babae na bumili sa amin ng dalawampung boquet noon sa flower shop, iyong natapakan ko pero s'ya pang nagtanong kung ayos lang ako.

Kumuha siya ng lipstick sa hawak n'yang pouch at saka nag ayos sa salamin. Ganoon parin s'ya kaganda. Walang nagbago...

Ngumiti siya sa akin pagkatapos n'yang mag ayos, kinuha n'ya ang isang tissue sa loob ng bag at ibinigay iyon sa akin. Ngumiti siyang muli pero matamlay, parang may halong pagkabigo at lungkot. Pinagmasdan ko s'yang lumabas, nang mawala na s'ya saka ko lang napansin na may nakasulat pala sa tissue paper na ibinigay n'ya.

Ang tadhana ay hindi na mababago, ngunit ang pagmamahalan na totoo... katulad ng oras ay mananatili sa pagtakbo...

An Infinite MasterpieceWhere stories live. Discover now