Chapter One.

101 8 3
                                    

I'm at the club right now with Cathy and our friends. Karamihan sa mga kaibigan ko ay mga lasing na, kanina pa kasi kami dito. By the way, it's Cathy's birthday, so we're celebrating it here in our favorite club, the Club Z. Dahil nga matagal na kami dito, hindi ko na alam kung ilang shot na ng vodka ang nainom ko. I'm a little bit dizzy, pero kaya ko pa naman.

"Hey! Steph join us!"Cathy shouted because it's too loud. She's in the dancefloor with some of our friends.

"Later,"I mouthed to her.

Bigla namang may tumapik sa balikat ko, tinignan ko kung sino ang gumawa no'n, si Diana pala. Isa si Diana sa kasama namin sa party na ito, kaibigan rin siya ni Cathy pero hindi siya kasama sa grupo namin, iba siya sa amin kaya naman hindi kami ganoon ka close sa isa't-isa, dahil nga hindi kami masyadong close, nagulat ako sa ginawa niya,umupo siya sa tabi ko.

"You're Stephanie right?"she asked.

"Yes."hilaw akong ngumiti sa kanya.

Nakakailang lang kasi, pero sa tingin ko mabait at friendy naman siya.

"Kilala mo naman na ako siguro no?"si Diana.

"Oo, nagkikita na tayo sa ganitong party."

"Bakit hindi ka sumali sa kanila? Hindi ka ba nae-enjoy?"she asked.

"Hindi naman sa ganon, I'm enjoying the party. Hindi lang talaga ako mahilig sumayaw."saad ko.

"Oh?"hindi yata siya naniniwala sa sinabi ko.

"It's true, hindi ako mahilig sumayaw."

"I'm not buying your words, sabi ni Cathy you're good at dancing. Very good. So don't lie anymore,"

Sa pagkaka-alala ko hindi pa ako sumayaw, hindi pa kahit minsan. Kaya naman nagtataka ako sa mga sinabi niya. Sabi pa niya na nakita na niya akong sumayaw dito sa Club Z, kung nagawa ko ngang sumayaw, kailan yon nangyari? At talagang sinabi iyon ni Cathy?

Magsasalita na sana ako nang may naalala akong isang bagay, isang pangyayari na hindi ko talaga inaasahan, isang nakakahiyang nangyari sa buong buhay ko.

Ang sinasabi pala ni Diana na nakita niya akong sumayaw dito sa Club ay nung gabing may isa ring party ang naganap. Nalasing ako non at napasayaw sa dancefloor, iyon na siguro ang nakakahiyang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Nang mabaling ang tingin ko kay Diana ay nakangiti na siya ngayon.

"Now you know Stephanie,"nakangiti niyang saad.

"I'm drunk that time,"halos hindi marinig ang boses ko sa hina ng pagkakasabi ko, pero dahil nakaupo si Diana sa tabi ko ay siguradong narinig naman niya iyon.

"Yes you are,"natatawa niyang ani.

Mas lalo tuloy akong nailang dahil sa pangyayaring ito.

"Iba ka pala kapag nalalasing, you don't have a control on yourself anymore when you're drunk."

"Oo nga eh,"nahihiya kong pagsang-ayon.

"Kung ganon, lets drink more para naman lumabas ang dancing spirit mo!"excited na saad niya.

"Hindi na siguro,"pagtanggi ko.

"Sige na Stephanie, gusto ko lang makita kang sumayaw ulit."

"Nakakahiya ka-"she cut me off.

"No, you're so good at dancing, walang nakakahiya don at isa pa, it's a talent of yours so don't hide it."

From Stranger To LoverWhere stories live. Discover now