Chapter Eight.

22 6 0
                                    

Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila,mas lalong nakakakaba. Paanong hindi ako kakabahan eh, ipapakilala ako sa buong pamilya niya. At tsaka paano kung mabuking nila kami, na hindi kami totoong magkarelasyon. Ano na lang ang sasabihin nila?

Habang naglalakad ay nilibang ko muna ang sarili ko sa pagtingin ng mga bagay-bagay sa paligid. Papunta kami ngayon sa dining area ng bahay nila.

Nang makarating kami doon, nakita ko kung gaano karami ang tao roon, nasa bente katao yata ang naroon. Siguro kaya ganito kalaki ang bahay nila ay dahil madami sila.

Bago kami tuluyang pumasok roon ay may ibinulong siya sa akin.

"Goodluck."he whispered. Kinabahan tuloy ako dahil sa sinabi niya. Pero nawala iyon ng ilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. Napatingin ako sa kanya tapos sa kamay niya na nasa kanang bewang ko. May kakaiba akong naramdaman sa loob nang tiyan ko, para bang may kung anong bagay ang lumipad dito. Kakaiba na ito.

Nang makalapit kami doon, dinumog kami ng mga tao. Unang lumapit samin ang dalawang matanda, siguro grandparents niya.

Nagmano siya kaya ganon din ang ginawa ko.

"God bless you."sabi nila ng makapagmano ako sa kanila.

"Lola,Lolo, this girl behind me is my girlfriend."pagpapakilaa sa akin ni Trevor. Naramdaman ko na naman ang nangyari kanina sa tiyan ko. Ano ba'to?

"Good evening po."nakangiting bati ko sa lahat.

"Ang ganda-ganda naman ng dalagang ito Trevor! Hindi ako naniniwala na girlfriend mo ang isang ganitong kagandang babae."kinabahan ako sa sinabi ng Lola niya. Buking naba kami? Anong gagawin ko?!

"Bakit mo naman nasabi yan La?"si Trevor.

"Eh kasi sa ganda niyang iyan,malabong magkagusto siya sayo apo."Trevor's grandmother said.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

Bumaling siya sa akin, kumabog ang dibdib ko.

She genuinely smiled at me." Hija, hindi ka ba pinikot ng apo ko?"

"P-po?"taka kong tanong.

"Look La you're scaring her."Trevor said." Atsaka napakagwapo ko para tanggihan lang."

Ang yabang!

"Ang galing mong pumili apo, mana ka talaga sa'kin."sabi ng Lolo niya.

He laugh. They all laugh because of what his Grandfather said.

Nang matapos ang batian ang, nag-aya na silang kumain. Pinaghila ako ng upuan ni Trevor saka siya umupo sa tabi ko.

Pinaghain niya ako ng kanin.

"What dish do you like?"he asked me.

"Kahit ano na lang, mukhang masarap naman lahat eh."I said.

Nilagyan niya ng kare-kare ang pinggan ko at saka naglagay sa pinggan niya. Kung ano ang nasa plato ko ay ganon din ang nasa plato niya. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Infairness ang bait niya huh.

"Hija,anong pangalan mo?"tanong ng isa sa mga tita niya, si tita Ruby.

"I'm Stephanie Ellaine Guevarra po."I said politely. Sinabi ko na ang buong pangalan ko para naman ay alam na nila.

"Panganay?"tita Elvy asked.

"I"m an only child."sagot ko.

"That's nice!"sabi ng sumunod na kapatid ni Trevor.

"Sayang!"his youngest brother said.

"Anong sayang?"tito Tristan asked.

"Sayang kasi wala akong liligawan. Balak ko sanang ligawan ang kapatid niya kung meron siya sanang kapatid, kaso wala kaya sayang."he proudly said.

Nagtawanan naman ang buong pamilya kasama na ako.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan Tyron."tita Veron said.

Natapos ang hapunan, ngayon ay nandito kami sa likod ng bahay kung nasaan ang garden na sobrang ganda at isang malaking swimming fool. Nagsimula ang kuwentuhan at chikahan.

Alas onse ng gabi nang naisipan na naming umuwi ni Trevor.

"We have to go, gabi na."Trevor said.

"O sige, mag-iingat kayo apo, ingatan mo si Stephanie." His Lola said.

"Take care son."tito Tristan said.

"We will."si Trevor.

Lumapit sakin si tita Veron at yumakap sakin. Ganoon din ang Lola at mga tita.

"Balik ka dito hija."tita Veron said.

"I will tita,"

Matapos ang lahat-lahat ay hinatid nila kami hanggang sa makalabas kami ng gate.

Habang nasa kotse kaming dalawa ,naging tahimik ang paligid.

"Are you okay?"basag niya sa katahimikan.

"Yes, I'm fine. Just a little bit tired."

Habang nasa bahay nila kami, naging masaya ako. Napakasaya ng pamilya nila, sama-sama sila. Nakita ko sa kanila ang salitang pagmamahal. Nakakatuwa lang dahil naging parte ako ng pamilya nila, kahit papaaano ay nakilala ko sila. Kahit na hindi totoo ang namamagitan sa amin ni Trevor, masaya ako at nakilala ko ang pamilya niya.

"Sa tingin ko nagustuhan ka nilang lahat."he said.
"Hindi lang gusto, gustong-gusto."

"Sa tingin ko nga,"I said.

Nang makarating kami sa bahay ay hindi rin siya nagtagal kahit pa na inanyayahan siya ni Daddy na pumasok muna.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay naligo muna ako. Nang makalabas ako sa banyo ang nagpatuyo muna ako ng buhok bago nagtungo sa kama ko at nahiga.

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina. Hindi ko mapigilang mangiti sa tuwing naaalala ko ang bawat ngiti at tawanan namin kanina. Napawi ang lahat ng iyon ng maalala kong pagpapanggap lang ang lahat. Usapan lang namin iyon ni Trevor at baka sa susunod na araw ay matapos na iyon.

Pero may kakaibang pakiramdam sa akin na hindi ko maipaliwanag kung ano, kanina habang hinahatid ako ni Trevor, may napansin akong kakaiba sa sarili ko, iba ang pakiramdam ko sa tuwing magkasama kami, para bang ang saya-saya ko sa tuwing nakikita ko siya.

Kakaiba ang pakiramdam na ito ngayon, hindi naman ganito ang nararamdaman ko noong mga nakaraang linggo. Isang buwan oa lang naman simula ng nagkasundo kami na magpanggap.

Ang bagay na iyon ang laman ng isip ko hanggang sa makatulog ako.

From Stranger To LoverWhere stories live. Discover now