Chapter Nine.

32 5 0
                                    


Five month passed since we are predenting. At ngayon andito kami sa isang beach kasama ang pamilya niya.

Nandito ako sa isang cottage at nag-iisa, pinagmamasdan ang mga kasama namin na naliligo sa dagat. Hapon narin kaya hindi na mainit para maligo.

"Hey!"biglang dumating si Trevor.

"Hi!"nakangiti kong bati.

"Bakit naka-upo ka lang dito? Ayaw mo bang maligo?"he asked

"Later."maikli kong tugon.

Simula ng gabing ipinakilala niya ako sa pamilya niya, nakaramdam na ako ng kakaiba sa tuwing kasama ko siya. Kinakabahan ako tuwing lalapit siya,kapag wala siya ay hinahanap-hanap ko siya,gusto kong palagi siyang makita.

Naiinis na nga ako sa sarili ko, hindi ko dapat maramdaman ang lahat ng ito dahil... hindi pwede. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya dahil alam kong masasaktan lang ako.

Masasaktan lang ako dahil simula pa lang ay alam kong hindi totoo ang mga ginagawa namin, ang pinapakita niya sakin. WE'RE JUST PRETENDING. And it's sucks because I think I'm falling. No. I fell inlove with him. And fuck it! Hindi maaari, walang patutunguhan ang nararaman ko.

"Are you sure?"he asked again.

"Yeah."
"Excuse me," I said.

Umalis ako sa cottage, iniwan ko siya doon. Gusto ko munang mapag-isa. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Fuck that love. Why is this happening to me? Bakit sakin pa? BAKIT AKO PA?!

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasaktan ng ganito. And it's because of that fucking love. HAHAHA. It's hurt. It's so fucking hurt.

Naglakad-lakad ako hanggang sa mapagod ang paa ko. Umupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang paglubog ng araw.

Nang dumilim na ay naisipan ko nang bumalik. Pagkabalik ko sa cottage ay nandon na silang lahat.

"O hija nandiyan kana pala, kanina pa kita hinahanap,"si tita Veron.

"Naglakad-lakad lang po ako sa tabing dagat tita,"

"Halika na dito hija, kumain kana."

Tumango ako. Bago ako pumunta kay tita ay inikot ko ang paningin ko sa cottage pero hindi ko siya nakita.

"Si Trevor ba ang hinahanap mo ate? Umalis siya kanina, sabi niya hahanapin ka daw niya."si Treck, ang pangalawang kapatid ni Trevor.

Bigla namang dumating si Trevor.
Kita ko sa mukha niya ang pagkainis ganon din ang parang pagkabalisa pero agad din yon nawala ng makita niya ako.

"We're have you been? Kanina pa kita hinahanap!"parang galit siya dahil sa tono ng boses niya.

Hindi ko siya pinansin at nagtungo na ako kay tita.

Pagkatapos kong kumain ay muli akong nagpaalam kay tita na maglalakad ako ulit. Kanina ko pa hindi pinapansin si Trevor, sa tuwing lalapit siya sa akin ay umaalis ako at nakikihalubilo sa pamilya niya.

Habang naglalakad ako ay biglang may humila sa akin. Si Trevor. I saw his bloodshot eyes.

"Are you avoiding me Stephanie?!"may diin niyang sabi.

Hindi ko siya sinagot, at binawi ko ang kamay ko. Tatalikod na sana ako sa kanya ng muli niya akong hilahin paharap sa kanya. Ngayon mas mahigpit ang hawak niya.
Umigting ang panga niya.

"I'm asking you Stephanie!"tumaas ang boses niya. Nagulat ako dahil sa inasta niya, ngayon lang siya nagalit.

"Ano naman ngayon kung iwasan man kita?"I said.

From Stranger To LoverWhere stories live. Discover now