prologue

1 0 0
                                    

Kill Me, Heal Me
Prologue

🧟‍♀️

"Sya yun diba?"

"Oo sya nga! Sabi ko na sayo anak wag kang makikipagkaibigan sa mga ganyan!"

"Bakit ma?"

"Malas yan! Yan ang pumatay sa mga magulang nyan! Jusko, hindi na nahiya pinatay pa ang anak ng CEO!"

Agad na nagpantig ang mga tenga ko at lumingon sa tindahan kung saan andun ang mga chismosa kong kapitbahay. Agad naman silang tumahik at akmang may ginagawa.

"Rash..."

Naramdaman ko ang malamig na paghawak sa aking kamay na ikinatigil ko.

"Hindi mo sila kailangang patulan." Agad sumilay sa labi nya ang ngiti. Napaka-gwapo nya, Ang tangos ng ilong at chinito, kamukha ni Gusion sa ML hwehehe.

"Oh sige..." bored kong sabi at nagpatuloy na sa pag-aaral.

"Kita mo? huhu nakakatakot talaga sya."

"Hays anak ayan ang hindi dapat kinakaibigan kita mo?"

"Opo mama!"

Nakita ko namang nakasunod sya sakin at pinapantayan ang lakad ko. Nung tumapat kami sa isang bahay di kalayuan sa bahay ko ay bigla syang nagsalita.

"Alam kong kailangan mong gawin 'to Rash, pero magpromise kang mag-iingat ka, okay?"

Tinapik ko lamang sya sa braso nya at tinawanan.

"Ako pa? haha... nandyan ka diba?" Syempre bulong lang yung dulo. Agad lamang syang pum- este tumagos sa gate at pumasok na sa loob para magsiyasat.

"Ija, yung anak ko kasi... h-hindi sya y-yun huhu hik* huhu." Umiiyak sya habang nakahawak sa kamay ko dito sa couch sa may sala. Hinawakan ko din ang kamay nya at pinunasan ang kanyang luha.

"Huwag na po kayong umiyak, ako na pong bahala." Akma na akong tatayo nang hawakan nya ang braso ko.

"Please, ibalik m-mo sya."

Isang tango ang iginawad ko at pumunta na sa second floor. Napansin kong luma na itong bahay at mukha tong haunted house kung hindi lang malinis ang lugar at bagong pintura ang mga pader.

Pagkapasok ko sa silid nakatambad na kaagad ang isang babaeng nasa swivel chair at si Nathan na nakangiti habang pinapanood ang babae. Humarap ito at sinungitan si Nathan at tumingin sakin.

"Wala akong balak isauli ang katawan na 'to Miss."

"Sorry din ha? Wala din kasi akong balak magpaubaya." Ngumiti lang ako at sumugod sya. Hindi sya nakalapit dahil hinawakan sya ni Nathan at ako naman ay ginawa na ang gagawin ko.

Kinuha ko ang picture ng babaeng nasa katawan at sinunog ito sa harapan nya.

"Sorry ah. Ahm... Kanina kasi nakitako yung picture mo sa sala at napansin ko na parang mabigat yung pakiramdam ko dun ahm... Tsaka nga pala, sabi kasi ni Ms. Layla ayun daw yung kapatid nya sa ama at ayun daw ang kaisa-isa nilang alaala sayo.... " bibitawan ko na sana ang picture kaso sumigaw sya.

"HUWAG!! Hindi mo alam ang ginawa nila saken! Tumigil kayo!!!" Sigaw nya at mas lalo pang nagpumiglas kaya namatay ang apoy dahil humangin.

"Alam ko pero hindi na dapat nangingialam ang mga kagaya mo dun, ako na din ang bahala dun. Promise okay?" Bored kong saad at nilagyan na nang apoy ang picture kaso nasiko nya si Nathan at nabitawan sya nito. Agad ko itong pinuntahan pero antanga ko hindi nga pala sila nasasaktan.

Nakita ko na lang syang hawak ang isang cutter na nakatapat sa leeg nya. "Papatayin ko ang babaeng 'to! Para patas na kami ni Layla! Huwag kayong lumapit! Kung hindi ikaw babae ka! Mamamatay ka din!"

Ngumiti ako na parang baliw at kasabay nito ang paglaho ni Nathan at pagsipa nya sa cutter na saktong itatapat sakin at sinindihan ang picture na nasa kalahati na lang.

"Ahhhh!" Matapos nitong sumigaw ay ang paghiwalay ng kaluluwa nito at ang unti unting paglalaho.

"Ah nga pala, ikaw si Ms. Coreen Sevilla diba? Kasintahan ni Ms. Layla dati?"

Bakas sa kanya ang pagkagulat bago tuluyang naglaho.

Pababa na kami nang hagdanan ng magreklamo si Nathan.

"Yawa yun, ninakawan ba naman ako nang halik at biglang nanampal!"

I stop. Kaltok.

"Sinungaling ka, kung hinalikan ka nya namumula ka na ngayon. Wala kang first kiss remembrance?" Sarcasm yon at alam kong dapat remember yon pero dahil kami lang namang dalawa wala namang magkokorek samin dahil obob din yan si Nathan.

"Ikaw kaya first kiss ko!" Saad nya at umakbay sakin.

"Hindi noh! No way." Tinanggal ko ang akbay nya at sinipa sya pabiro.

"Aray naman! Ah nga pala paano mo nalaman yung kanina?" Agad akong ngumiti ng mayabang sa kanya.

FLASHBACK//*

Pagpasok ko sa bahay nila miss Layla amoy na amoy ko na agad ang kadilimang bumabalot sa bahay nila.

"Upo ka Miss Pelagio." Pero bago ako umupo ay napatingin ako sa isang picture. Kinuha ko ito at tiningnan ang picture na ito. May Sevilla sa likod ng picture nung kinuha ko ito sa frame nito. Napansin ko din ang bracelet nila na parehas at nakita kong pati singsing parehas sila.

"A-ah ija, Ako yan at si Coreen. Bestfriend ko, ang ganda namin diba?" Bakas sa kanyang ngiti na nag aalangan sya at parang kinakabahan.

"Ah ganun po ba, hulaan ko po patay na si Miss Coreen?" Agad syang nagulat at parang gusto na akong patayin.

"I-ija, p-papaano mo nal-laman?..." Kinakabahan na kaya sya?

"Sabi nyo po diba Coreen ang pangalan nya?." Nakangiti kong saad at umupo sa couch.

-

Habang dumadaan sa hallway patungo sa kwarto nung anak nya napansin ko ang isang table na luma na. May nakita akong base doon at sulat na nakasiksik sa lupa na medyo natatakpan na. Madali ko itong nakita dahil bakas dito kung gaano ito kabigat at kasangsang. At hindi nga ako nabigo.

Dear Layla,

Sorry hindi na tayo magtatagal, mahal kita pero hanggang kaibigan lang pala itong nararamdaman ko sayo. Sorry talaga Layla pero sana pumunta ka sa kasal ko bilang kaibigan. Pero kung talagang galit na galit ka sakin kamunghian mo ako o di kaya'y kalimutan. Pero sana huwag mong itapon ang pagkakaibigan natin, mahal na mahal kita alam mo yan.

Ang iyong kaibigan,
Coreen Sevilla.

Sabi na e, pagkatapos noon ay biglang humangin at naglaho ang papel kasabay nito ang pagkakita ko sa nakaraan.

END OF FLASHBACK//^^

At isa lang ang dahilan kung bakit namatay si Miss Coreen Sevilla, iyon ay dahil obsess si Miss Layla Gray sa bestfriend nyang si Coreen.

Kill Me, Heal MeWhere stories live. Discover now