chapter 4

0 0 0
                                    

Kill Me, Heal Me
Chapter 4

👻

"B-baka naman nagkakamali ka N-nathan?"

"Sana nga nagkakamali ako, p-pero hindi Rash. Si Soju talaga ang pumatay sakin."

Paulit-ulit umi-echo sa utak ko ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon mabigat pa din sa pakiramdam, hindi ko lang alam ha pero parang may mali. Hindi naman sa sinasabi kong mali ang nakita nya pero bakit parang nagdududa ako?

Kilala ko si Soju, hindi nya magagawa ang mga bagay na ganoon kahit pa ganoon ang ugali non.

"Uy ayos ka lang?"

It was Vicente. I thought nasa hospital sya, bakit naman ang bilis nitong gumaling? Vampire ba sya?

Joke.

Pinagmasdan ko syang ngumiti na parang aso sa harapan ko. His facial feature isn't that bad the truth is gwapo talaga sya, literal.

"I'm fine, how about you? I thought you're not fine?" Kumunot ang noo nya pero nawala din iyon at ngumiti.

"I thought you're not concern on me? HAHAHAHAHAHA don't ya' tell you like me? HAHAHAHAHAHA." Sa totoo lang gusto ko syang kaltukan ng napakalakas kung wala lang syang sakit baka nabugbog ko pa nga sya e.

"Tss. Narinig ko lang, oa mo ako nga ang sinisisi nila e." Bigla syang napatigil at nabago ang ekspresyon.

"Anong ginawa nila sayo?" Parang siniyasat nya pa buong katawan ko buti na lang binato ko sya ng piattos sa mukha.

"Asa. Takot nga silang lumapit saken, may gawin pa kaya." Pinat nya ang head ko na parang aso, papalag pa sana ako ng may maalala ako.

"H-hoy! Anong ginagawa mo?" Saad ng batang ako sa isang batang lalaki matapos i-pat head sya nito.

"You'll be always fine, Ashley. I know, couz you're strong and brave girl."

"Alam kong ayos ka, Rash kasi you raise yourself on your own. Such a cool and strong woman. But sometimes you need someone to carry on." Ngumiti lamang sya at umalis.

Ganyan ba ang linyahan nya sa mga babae nya?

shit, pafall pa ata 'tong lalaking 'to.

"HALLOWEEN PARTY!!"
"HALLOWEEN PARTY!!"
"HALLOWEEN PARTY!!"

Ingay nang mga kaklase ko. Paano ba naman kasi mag-a-announce na si Sir e halata namang ayun yung i-a-announce nya.

Pero wala akong gana lalo na sa November 13. Death Anniversary ng parents ko. Lalo na sa mga nalaman ko about kay Nathan.

"Uy! Ano costume mo? Ako Vampire, r0r!" Umasta pa syang mangangagat pero inirapan ko lang sya. Sino pa ba, edi si Vicente.

Asan si Nathan? Ayun nasa bahay naiyak pa din.

"Wala akong oras para don." Natahimik lamang sya at ngumiti na naman. Hobby nya ba yon?

Parang nung nakaraan mala-bad boy pa sya tapos ngayon mukha syang tanga.

"Ayos lang. Basta mag-iingat ka lagi ha? I hears rumors about you, and based on my experience they're truth."

Anong ibig sabihin nya don?

What if ghost following him around? I must save him! Baka mamaya masamang espiritu yon! Tama, mas mabuti nang sigurado.

AFTER ONE WEEK

Fuck him! One week ko syang sinundan and pretend that I'm not following him when we see each other kaso wala akong napala. Bukas na ang Halloween Party at nakita ko sya kahapon na sasali nga kasi bumili na ng gamit.

May mga napansin din ako sa kanya, mahilig pala sya sa Twice? Jusq panigurado kung buhay si Nathan mag-aaway talaga sila.

"Yes po mommy... okay." Binaba nya ang phone nya at sumakay sa kotse.

Halfday lang kami ngayon dahil may practice ang mga  nasa dance unit to perform tomorrow. Ganun din bukas kasi para may pahinga kami at  makapaghanda.

Kaya eto ako ngayon todo sunod sa kanya, sino pa ba edi si Vicente.

Maya maya may sumakay din na lalaki, but it seems that he's not a human.

Sabi na e, p-pero bakit parang sya si Nathan?

Kaya ba wala sya sa bahay netong mga nakaraang araw dahil kay Vincent? Sya kaya yung humahabol na multo kay Vincent? Hindi kaya sya yung may dahilan kung bakit na-hospital si Vincent last week?

Pero ano kayang dahilan nya?

Yes, he remind me of Soju. Pero hindi sya yon at walang dahilan para galawin nya si Vincent. At masyadong mababaw kung ang dahilan non ay ang selos dahil first of all, walang gusto sakin si Nathan.

Kill Me, Heal MeWhere stories live. Discover now