chapter 1

0 0 0
                                    

Kill Me, Heal Me
Chapter 1

🧟‍♂️

Nang dumating ang police sa bahay na iyon ay agad nilang hinukay ang bangkay sa ilalim ng couch sa sala. Sabi na e kaya ang weird ng pakiramdam ko dun kanina.

"Positive bossing!" Saad ng isang pulis sa isa pang pulis na nakakatanda pa ata.

Lumapit sakin ang imbistigation team at nagpasalamat.

"Tsaka nga pala Miss Rashley, paano mo nalaman na may bangkay don?" Saad nito sakin.

Tumingin ako kay Nathan na nasa tabi ko. Siguro nagtataka ang Detective na kausap ko ngayon at napatingin din sa tinitingnan ko kahit di nya naman nakikita si Nathan mukha syang natatae halatang kinikilabutan. Si Nathan naman ay parang pabebe dahil ngingiti ngiti.

"Dahil sa katabi ko. Oo, multo sya pero kung ayaw mong maniwala sa akin, isipin mo na lang matalino talaga ako." Sabi ko at paalis na sana ng tawagin na naman.

"Ah, saglit miss... kung sakali ba kilala mo ang bangkay na iyon?" Lumingon kami pareho sa halos buto buto nang bangkay at napalunok naman sya.

"Coreen Sevilla, Born on Oct 16 1980 and Died on February 13 1999. Sinabi ko na din yung suspek diba? Ah Oo nga pala kailangan nyo ng ebidensya."

Kinuha ko ang dalawang bracelet na may dugo nang tuyo kasama ang papel na isa pang liham nila noon tungkol sa pagiging magkasintahan nila.

"Ayan yung ebidensya na naging magkeneme sila at eto naman yung ebidensya sa pagpatay." Ibinigay ko ang camerang luma na.

"Kay Coreen yan Regalo niya kay Layla, may kaya si Coreen kaya nakapagregalo sya ng ganyan kay Layla. May lumang video dyan noong nakipagkita si Layla kay Coreen mga ilang minuto lang bago ang kasal nito." Halatang nagulat sya bago ako umalis ay nakita ko pang nagsisisigaw si Miss Layla at nung nakita ako ay tumigil sya.

"Ikaw ang may kasalanan nito!! Sya ba?! Sya ba ang sumapi sa anak ko!? Magbabayad kayo saken!!"

Hindi ko na sya pinansin at umalis na. Nakita ko namang wala nang nasa labas ng bahay dahil nga iniisip nang iba na aswang daw ako or may sa maligno kaya takot na silang lumabas ng bahay.

"Anng astig mo talaga Rash!"

"Weh? Ah nga pala buti dinaldal mo yung Coreen bago ko kayo puntahan." Umupo ako sa isang tabi dahil sa pagod. Gabi na din siguro at sobrang kapaguran na ang nagawa ko kaya ganito.

"Sa gwapo kong 'to? Malamang baka nga sila pa ang pag agawan ako para makausap lang ang isang Nathan Sau- Ch- K-..." Mukhang malalim ang iniisip nya.

"Hindi mo pa din ba matandaan ang apilyido mo? Diba sabi ko sayo Cielo? Ikaw si Nathan Cielo." Pinat ko lamang ang balikat nya at napangiti sya.

"Sorry ah, wala kasi talaga akong maalala sa pagkamatay ko. Tsaka ang alam ko lang ay tayo nila Soju magkakasama noong buhay pa ako. Teka sino ba si Soju? Ayts... banggit ako nang banggit hindi ko naman kilala." Napakamot na lamang sya nang batok at biglang naglaho.

T-teka? Binanggit nya ba si S-soju?

"Ashley pakopya nang assignment mo ah?" Saad ng batang lalaki sa batang babae. Sa tansta ko 5-7 na taon lang ang mga bata.

"Heh! Si Soju nga di na ngongopya sakin ikaw pa kaya? Dun ka shu~"

"Hep hep hep, Ashley! Share tayo may Ice Cream ako!" Sigaw nung batang isa pa kaya dali daling pumunta ang batang Ashley.

"Uy! Gawa to ng company nyo diba? Ayos! Ikaw talaga ang gusto ko!" Saad ng batang Ashley. Agad namang ngumiti ang batang batang lalaki.

"Hoy penge din ako!" Sigaw nung batang isa na gustong kumopya kay Ashley.

Kill Me, Heal MeWhere stories live. Discover now