The Breaking 1 - Breathing the Air He Breathes

733K 7.9K 581
                                    

*Arlene's POV*

"Bakit si Mago pa?" dismayadong saad ni Patricia, "Si Kaz na lang, magiging masaya ka pa o di kaya si Angelo, yun gentleman yun; siguradong safe ka."

"Ano ba ang problema mo kay Mago, Patricia?" nakangising tanong ni Janine, "Eh sa kanya tumibok ang puso ni Arlene eh. Ikaw nga diyan, sa limang Adonis band members, doon ka pa nahulog sa pinaka-seryoso't bugnotin sa lahat."

"Okay andyan na ako," bumuntong hininga si Patricia, "pero ano ba ang nakita mo kay Mago at bakit sa kanya pa? Arlene, ako ang natatakot sa'yo eh."

"Bakit ba Patricia? Ikaw ba, maipapaliwanag mo ba kung bakit ka nahulog sa bugnotin mong future husband?" nainis na ako.

"I am sorry, what I am just trying to imply is that, Arlene, sobra kang inosente para kay Mago.  Isa siyang manyak, halimaw daw sa kama at take note, wala pang dumaan na naka-date niya na hindi niya na-ikama," babala ni Patricia, "Ikaw ba? May experience ka na ba sa mga ganyan?"

Hindi ako naka-imik at umiling na lang.

"Kita mo na?" napahawak ang isang kamay niya sa baywang habang yung isa ay napahilot sa kanyang sentido.

"Huwag ka na  ngang mag-alala, Patricia. Yakang-yaka ko si Mago at isa pa, hindi na tayo pwedeng umatras maliban lang kung gusto mo ikaw na lang talaga ang magiging date ni Mago," saad ko.

"No way! I am reserving my virginity for my one and only Stuart kaya ikaw na.  Sana lang makakayanan mo," bahagya akong nakaramdam ng kaba sa mga sinabi niya.

Kilalang-kilala si Mago Concepcion bilang isang Casanova sa campus.  Marami na siyang napaiyak pero marami pa rin ang nag-aasam na maging nobya niya – at isa na ako roon.  Ewan ko ba kung bakit sa dinami-raming gwapong lalaki sa campus, sa isang Casanova pa ako nahulog pero sadyang bully si Cupid dahil kay Mago talaga niya ako pinana. 

"Okay, kung gusto mong mapansin ka ni Mago, dapat kang magmake-over," saad ni Patricia.

"Bakit? Anong problema sa ayos ko?" tumayo ako saka umikot para makita nila ang kabuoan ko.

"Si Mago ang pinag-uusapan natin dito, Arlene.  Kung sa library sana ang pupuntahan natin, walang problema sa ayos mo.  Kaso sa beach ang punta natin at alam niyo naman ang background ni Mago," namaywang siya saka pumunta sa closet.

Pareho naman kami ni Janine na nagtakang nakamasid sa kanya habang halos inilabas na niya ang lahat ng damit sa kanyang cabinet.

"Oh ano? Magpapa-garage sale ka na ba?" lumapit ako sa kanya.

"Garage sale ka jan! Namimili ako ng mga susuotin niyo para sa magaganap na mga first date niyo bukas," magiliw niyang sabi.

"Baliw ka talaga.  Ginawa mo naman kaming manika niyan," irap ko sa kanya.

"Huwag ka na ngang kumontra, Arlene.  Alalahanin mo, ipinagpalit ko ang chance ko na maka-date si Stuart, my love, para maka-date mo ang Mago mo!" kunwaring nainis siya.

Sabagay dapat nga pala akong magpasalamat sa kanya pero hindi eh, naiinis ako sa kanya dahil ewan. Siguro dahil isa siyang primadonna, feeling niya siya lahat ang nasusunod, at higit sa lahat, mas close na sila ngayon ni Janine. At oo nga pala, nakita ko kung gaano kasaya si Mago nang malaman niya na si Patricia ang kanyang magiging kapartner.  Ano ba naman ang laban ko sa isang Patricia Sandoval? Maliban sa isang sikat na lingerie model, Miss Campus Icon, at president ng dance club, nagtapos din siya bilang cumlaude.  Oh di ba siya na? Iisa lang ata ang mali sa babaeng ito eh, yun ay yung napakatanga niyang maghabol sa bugnoting si Stuart Cordoval na lagi naman siyang pinagtatabuyan.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon