Broken 14 - The Self-Destruct Button

248K 4.1K 262
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito. WALA SANANG MAGREPORT NG CHAPTER NA ITO. Nangyari kasi nawalan ng rank ang STMEH dati dahil doon. Kung sakaling marereport ito, gagawin kong private ang buong book ng TWHB.


*Arlene's POV*

Hindi ako mapakaling nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng silid namin. Alas dos pa lang ng hapon pero kinakabahan na ako sa pag-uwi ni Mago mamayang alas shete ng hapon. Ang usapan ay magdidinner muna kami saka namin gagawin yun. Bakit ba naman kasi nakaschedule pa ang unang pagtatalik namin. Hindi tuloy ako mapalagay. Ilang beses kong inayos ang pagkakalapag ng susuotin kong damit pati na underwear. Pilit kong ini-imagine ang hitsura ko kapag suot ko na ang lingerie na pinili ni Patricia at ang damit na pinili ni Janine.

Isang pares na red laced strapless lingerie ang napili ni patricia samantalang isang black venetian cut ballgown naman ang pinapasuot sa akin ni Janine. Nagtatalo naman ang utak ko kung anong klaseng pabango ang gagamitin matapos akong maligo.

"Magme-make-up pa ba ako?" naalala kong tanong sa mga kaibigan ko, "buburahin lang naman niya yun."

"Diyan ka mali, Arlene," saad ni Janine, "men are virtual in nature. Kung gusto mong maging irresistible ka, you have to wear the right make-up."

"Pero huwag masyadong makapal," saad ni Patricia, "wear red lipsticks and pair it merely eyeliners sa dinner date niyo. Yung liquid eyeliners ang gamitin mo para hindi mag-smudge. Tapos huwag mo ring kalimutan ang pagwawax or pagsheshave, whichever is comfortable to you."

Ilang oras na lang mangyayari na ang matagal nang dapat nangyari . Npabuntong hininga na lamang ako habang pumasok ako sa banyo sa pang-apat na pagkakataon. Oo, apat na beses akong naligo ngayon araw dahil nahihirapan akong pumili ng tamang perfume na gagamigtin ko.

Sandali kong tinitigan ang sarili sa salamin bago nagbihis. Ito na marahil ang huling beses na makikita ko ang dating Arlene Mejorada. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng gabing ito pero isa lang ang sigurado ako, mahal na mahal ko si Mago at gagawin ko ang lahat mahalin lang niya ako.

Sinuot ko ang damit saka nag-ayos ng sarili. Abala ako sa pag-aayos nang makita ko si Mago na nakasandal sa may pintuan. Kabado ko siyang hinarap, "n-napaaga ata ang pag-uwi mo."

"Does it matter?" seryoso niyang tanong.

"H-hindi naman," nauutal kong sagot, "k-kaya lang hindi pa ako tapos sa pag-aayos."

"Then stop what you are doing," kakaibang titig ang ginawa niya habang garalgal naman ang boses niya.

"M-magdidinner pa tayo, di ba?" pilit kong itago ang aking kaba sa pekeng tawa ngunit napanganga ako sa sinabi niya, "let's skip the dinner."

Inilang hakbang lang nya ang pagitan ng pinto at kinatatayuan ko saka ako sinunggaban ng isang mapusok, mabalasik, at mauhaw na halik. Hindi ko naman mawari ang bilis ng kanyang galaw habang paatras akong naglakad. Pero ramdam na ramdam ko ang gigil sa pagpisil niya sa puwit ko bago niya ako itinulak pahiga sa kama.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon