Broken 3 - Anatomy of a Broken Man

221K 3.8K 181
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Mejo mahalay po ang ibang parte ng chapter na ito kaya hinihingi ko po ang pang-unawa niyo. Maging open-minded po kayo at ipagpaumanhin niyo ang pagkasulat ko. Hindi po ako sanay magsulat ng ganito pero kailangan talaga sa kwento kaya eto napHo.

*Arlene's POV*

Kinakabahan akong nakatingin sa orasan ng bahay. Madaling araw na at oras na rin para magsarado ang bar. Ibig sabihin nito, uuwi na si Mago. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko sa pagdating niya at hindi ko rin maisip kung anong klaseng paghahanda ang gagawin ko. Sinasabi ng utak ko na lumayo na ako pero hindi ko magawa. Malapit ko nang makamit ang matagal ko nang inaasam. Mahal ko si Mago, sabihin mang baliw ako o obsessed, pero mahal ko siya. Mahal ko siya kahit hindi ko alam ang nakaraan niya at mas lalo ko siyang minahal nang malaman ko kung ano ang pinagdaanan niya.

Akala ko aatras ako nang makita ko ang painting sa bahay nina Mago noong una akong nakapunta sa bahay nila pero mas lalo akong naging masinop dahil nalaman kong siya pala ang sinasabi ni mommy Carol na anak. Marahil mali ako nang inilihim ko sa kanya ang tungkol sa kinikilala kong ina pero natakot ako na tuluyan niya akong layuan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako kinakabahang ipakilala siya sa ama ko.

Hindi ko agad nakita si mommy Carol nang umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay. Wala pala siya sa kwarto niya bagamat natunogan niya ang tungkol sa ipinakilala kong boyfriend kaya mula sa harden ay agad niyang tinungo ang library kung saan nag-uusap si Mago at si daddy. Huli na nang malaman kong nagkita na pala sila. Tulad ng inaasahan ko, lumayo si Mago.

Pero ayokong sumuko. Hindi ang nakaraan ng mga magulang namin ang magiging dahilan ng pagsuko ko. Nararamdaman kong mahal niya ako kaya lalaban ako hanggang sa kaya ko. Tawagin man akong tanga, masokista o martyr, wala na akong pakialam.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Mago. Tumayo ako at hinintay ang pagpasok niya ng bahay pero nanlumo ako nang marinig ko ang tinig ng isang babae. Tulad ng sinasabi ni Dessa, hindi nawawalan ng babae si Mago kaya inasahan ko ring mangyayari ang eksenang ito. Buo ang lakas ng loob kong pagbuksan sila ng pinto. Haharapin ko ang sinumang magtangkang agawin ang asawa ko, kahit pa ibig sabihin nito ay mambastos ako ng bisita.

"Oh?" napahinto sa paglakad ang babae nang makita ako, "sino siya?"

"Don't mind her," saad ni Mago na naka-akbay sa babae, "she's my jealous step sister."

Lalo akong nainis sa narinig ko, "Asawa niya ako!" mariin kong saad.

Pero hindi nagpatinag si Mago. Nilagpasan lang nila ako at nagpatuloy sa paglakad kaya hindi ko napigilang hilahin ang babae. Sasampalin ko na sana ang babae pero mabilis na sinalo ni Mago ang kamay ko.

"Don't you even dare," mariin niyang saad.

"What a drama," reklamo ng babae.

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkahawak ni Mago sa palapulsuan ko at hinigit ako palapit sa kanya. Naamoy ko ang alak sa hininga niya at nararamdaman ko ang tigas ng kanyang dibdib, "naiinggit ka?" mariin niyang bulong, "Hindi mo naman kailangang mang-away. You are free to join, hindi ako madamot."

Hindi ko napigilang sampalin siya pero napaigtad ako nang mahigpit niyang hinawakan magkabilag braso ko saka niya ako isinandal sa pader. Hindi marahas pero nararamdaman ko ang galit sa hininga niya. Narinig ko ang pagtutol ng babaeng kasama niya pero natahimik ito nang napasinghal sa kanya si Mago, "mauna ka na sa kwarto. Go up and look for the master's bedroom."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon