CHAPTER 1 - Needs

845K 20K 1.9K
                                    

CHAPTER 1 - NEEDS

NAKAHIGA si Virgo sa mahabang sofa sa sala nang may kumatok sa pinto ng bahay. Itinirik niya ang mga mata sa isiping isa na naman iyong ahente at magbebenta ng insurance o kaya naman kung ano-ano pang maibebenta. Tinatamad siyang buksan ang pinto. At isa pa, medyo kinabahan din siya baka ibang nilalang ang nasa labas ng pinto.

"Virgo! Si Lea 'to!" Sigaw ng nasa labas nang hindi niya ito pagbuksan.

Nang marinig iyon, mabilis siyang bumangon at sinilip mula sa bintana na nasa tabi ng pinto kung totoo ngang si Lea ang nasa labas. Nang makitang si Lea nga, mabilis na binuksan niya ang pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

“Kung makatanong ka naman parang hindi kita binibisita buwan-buwan.” Tiningnan siya ng pinsan mula ulo hanggang paa. "Jesus, Virgo! Bakit mo ba ginagawa 'to sa sarili mo?" Pagalit ang tono ng boses nito at pumasok sa kabahayan.

"Ano ba ang ginagawa ko sa sarili ko?" Naguguluhang tanong niya.

Iminiwestra nito ang dalawang kamay sa katawan niya. "This. Para kang manang. Mula ng mamatay sila Tito at Tita tatlong taon na ang nakakaraan, ikinulong mo ang sarili mo sa bahay na 'to. Gosh, Virgo! It’s just a car accident. It happens all the time. I don’t want to be mean but please, moved on and get over the fact that they are dead!"

Napatingin siya kay Lea. A car accident? Gusto niyang matawa. Kung simpling aksidete lang ang nangyari e di sana hindi siya ganito ngayon na paranoid sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid niya. Pero alam niya ang katutuhanan. Alam niya ang katutuhanan na pilit tinatago ng mga Pulis sa kanya.

"Anong kailangan mo, Lea?" Tanong niya nang makaupo sila sa sofa.

Lea looked at her. "Pinapunta ako rito ni Daddy. Pinapasabi niya na paubos na ang perang naiwan nila Tito para sa’yo. Sabi ni Daddy kailangan mo nang magtrabaho kung hindi baka mahirapan ka. Okay lang naman sa amin kung sa bahay ka titira pero nasisiguro kong hindi mo gustong tumira sa amin kasi gusto mo palagi nang privacy. You love this house so much."

Bumaba ang tingin niya sa sahig. "I love this house. Dugo at pawis ang pinuhunan ng mga magulang ko rito. Pero marami na rin akong bayarin." Pag-amin niya. "Sa tubig, sa kuryente, tapos sa pagkain ko."

Lea sighed and hand her an envelope. "One hundred thousand ang laman nito. Ito na ang huling pera nila Tito sabi ni Daddy."

Tinanggap niya ang envelop. "Salamat."

Nginitian siya ni Lea. "Kung balak mong magtrabaho, kailangan mong ayusin ang sarili mo." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "You need a major make-over, Virgo."

Virgo chuckled. "Kaya nga hindi ako nagta-trabaho dahil walang tatanggap sa isang manang na katulad ko."

"Hindi ka naman manang noon e." Ani Lea. "Napakaganda mo noon, Virgo, hanghang ngayon naman e. Sa likod ng manang mong damit, makapal na kilay at malaking eye glasses, nagtatago ang isang napakagandang babae. Ayaw mo lang siyang ilabas."

Nagtataasan ang balahibo niya kapag naririnig niya ang salitang maganda. Iyong salitang iyon ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang niya. At ang hayop na yon... pinatay nito ang mga magulang niya.

"Hindi ako mag-babago ng pananamit para lang makapag-trabaho." Matigas ang boses na wika niya. "I have reason kung bakit ako ganito. Hayaan mo nalang ako, Lea."

Puno ng awa at pag-aalala ang mga mata ni Lea habang nakatingin sa kanya. "Hindi ka namin puwedeng hayaan lang, Virgo. Kami nalang ang natitirang mong kamag-anak. We care about you. Si Daddy palaging iniisip ang kalagayan mo rito sa bahay."

Favorite Obsession Where stories live. Discover now