Chapter 7

1K 35 1
                                    

Nakatingin lang ako kay Danica habang nag luluto siya ng tortang talong.Samantalang si Kent at Yuan naman nasa-gilid lang nakatayo sila habang nakatingin sa akin ewan ko ba pero naiilang ako.

"Gwapo niya noh?"sabi ni Danica sa akin tumingin pa ito kay Yuan kaya sinamaan ko siya ng tingin mamaya isipin ni Yuan na may gusto ako sa kanya.

"Si Kent hindi ba gwapo?"tanong ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"May sasabihin pala ako sa'yo"napatingin ako kay Danica ng makita kong seryoso na siya ngayon.

"Mayaman rin ba si Kent?"pabulong niyang tanong sa akin. Kaya nagtataka akong nakatingin sa kanya ngayon.Mayaman nga ba?kung mayaman si Kent hindi siya magiging tauhan lang ni Alexos diba?

"Bakit?"tanong ko sa kanya .

"Nakita ko siya sa bar kausap niya ang isang babaeng negosyante."sabi niya sa akin muntik na akong matawa sa kanya ang intense ng uspaan namin tapos kinausap lang ang isang negosyante mayaman na agad?

"Kinausap niya lang Danica whats wrong?"tanong ko sa kanya nakita ko namang tumingin siya kay Kent.

"Hindi ordinaryong usapan lang yun Aisen tinawag niyang mommy si Mrs.Helton"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Posible kayang magkapatid si Kent at Alexos?hindi maaari isang tauhan lang si Kent ng mga Helton kaya paanong naging mommy niya ang mommy ni Alexos?

"Kent Reyes and Alexos Helton magkaiba ang last name nila Danica impossible yang sinasabi mo!"sabi ko sa kanya. Hindi kami puweding makialam sa kwento ng buhay nila dahil alam kong dilikado.


"Pero Aisen narinig ko talaga!"sabi niya sa akin tinakpan ko ang bibig niya dahil baka marinig kaming dalawa.

"Mabait na tao ang mommy ni Alexos lahat ng kaibigan ng asawa ko ay anak ang turing niya dito at ganon din siya kay Kent!"pagsisinungaling ko sa kanya nakita ko namang sumimangot siya sa akin.


Sa totoo lang walang issue ang kumakalat tungkol sa mga Helton bukod sa pagiging dilikado nilang kaaway sa mundo ng business.The helton family remains a mystery kaya wala akong alam tungkol sa pamilyang meron si Alexos.


"May alam ka ba tungkol sa mga kaibigan ng asawa mo?"tanong niya sa akin na kinailing ko .


"Ano ba yan sa gwapong yan ni Yuan wala kang interes na alamin?"tanong niya ulit sa akin kung alam niya lang na mga halimaw ang mga taong yan ay talagang ayaw ko ng malaman pa ang kahit na anong bagay tungkol sa kanila.

"We need to go home now Aisen.I have to go to the meeting!"malamig na sabi ni Yuan nagpaalam na ako kay Danica at saka kami umalis


Akala ko uuwi na kami sa bahay hindi pa pala isasama niya kaya ako sa meeting nila? tumingin ako kay pogs at saka ko siya sinundot sa tagiliran niya.

"What?"inis niyang tanong sa akin at kahit kinakabahan ako ay pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Saan tayo pupunta pogs?"I asked him pero hindi ako nito sinagot pinikit niya lang ang mga mata niya at saka siya sumandal sa passenger seat.Ang sungit talaga ni pogs kaya tumingin ako kay Kent siguro naman alam niya kung saan kami pupunta diba?

"Saan tayo pupunta Kent?"tanong ko sa kanya

"In our company!"rinig kong sabi ni Yuan pogs. Tignan niyo sasagot din pala eh.Natahimik lang ako hanggang sa nakarating kami sa isang malaking building grabe talaga subrang yaman siguro nitong si pogs pero inuutusan lang ni Alexos?.

Being His Bed Obsession Prostitute Wife(Series 1: Alexos Helton Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon