Chapter 32

432 23 2
                                    

Tahimik lang ako habang si Yuan, Kent at Dave ay nag uusap kung paano nila ako matutulungan.Si Achen naman ay tahimik rin tulad ko ne hindi siya makatingin sa akin.

Natatakot siguro siya dahil sa ginawa ko kay Mella.Muli kong pinikit ang aking mga mata upang alalahanin ang aking nagawang pag patay sa babaeng minahal ni Alexos.

“A-Aisen sa tingin ko kailangan mong layasan silang lima”tumingin ako kay Achen ng magsalita siya ngunit tulad kanina hindi parin siya makatingin sa akin.

Tama siya maaring mapahamak ako habang kasama ko sila kaibigan sila ni Alexos at maaring ilagay nila ang buhay ko sa kapahamakan.

Hinarap ko si Achen ng maayos ay bumulong ako sa kanya nakita ko kung paano niya pinikit ang kanyang mata, dahil sa takot niya sa akin.

“Naisip ko na ang bagay na iyan Achen.Kinakailangan nating mag plano kung paano tayo makakatakas sa bahay ni Yuan”mahina kong bulog sa kanya ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan.Takot na takot si Achen sa akin ganon ba talaga kasama ang nagawa ko at kinakatakutan niya ako?

Sinulyapan ko ang mga maliliit na CCTV sa loob ng bahay ni Yuan upang mabilis namin itong malagpasan mamayang gabi.

“Achen come here!”nanlaki ang mga mata ni Achen ng tawagin siya ni Yuan tumingin naman siya sa akin na parang tinatanong niya ako kung papayag ba ako kaya tumango ako sa kanya.

“Why didn't you think there might be CCTV inside the hospital?”rinig kong malamig na tanong ni Yuan kay Achen.Mabilis akong lumapit sa puwesto nila at napatingin silang lahat sa akin.

“Sinadya kong hindi sirain ang CCTV upang makita ni Alexos kung anong klasing tao ako”malamig kong sabi sa kanila at nakita kong nanlaki ang kanilang mga mata sa aking sinabi.

Tumingin ako kay Achen ng makita kong nagtanong ang kanyang mukha kung bakit ko sinabi ang totoo.Noong araw na iyon sinabi ko kay Achen na huwag galawin ang CCTV sa loob ng silid ni Mella upang makita ni Alexos ang gagawin kong pag patay sa babaeng mahal niya.

“Ano?"hindi makapaniwalang tanong ni Kent sa akin dalihan upang tumawa ako sa harap nila na parang mawawala ako sa aking sarili.

Nakangisi akong umupo sa lamesang kaharap nilang tatlo at tinignan ko sila isa isa.

“Bakit mo nagawa iyon Aisen alam mong maaring mapahamak ka”sigaw ni Dave at ramdam ko ang pag aalala sa kanyang boses.

Alam kong concern sila sa akin ngunit tama naman ako diba? kailagan kong ipakita kay Alexos kung ano akong tao dahil kong totoong mahal niya ako ay matatanggap niya ako.

Matatanggap niya ako kahit madumi aking mga kamay dahil marami na akong tao na pinatay.

“Sir Yuan nasa labas si Alexos at marami siyang dala na mga armadong lalaki”hingal na hingal na sabi ng tauhan ni Yuan na halatang tumakbo pa ito papasok sa loob.Nataranta silang tatlo at parang hindi nila alam ang kanilang gagawin.

“Dave itakas mo si Aisen doon kayo dumaan sa likod ng aking bahay”natatarantang sabi ni Yuan at mabilis siyang tumakbo palabas upang salubungin si Alexos.

“Lets go Aisen!”hinatak ni Dave ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa kusina habang si Achen naman ay nasa likod ko.Isa siya sa kaibigan ko.

Si Achen ay anak ng kaibigan ng aking ina at tulad ko hindi rin niya gusto ang masali sa laro.Ngunit ano ang magagawa niya kung simula ng pinanganak siya ay kamatayan na ang kakambal ng kanyang buhay?

Rinig ko ang putukan ng baril sa loob ng bahay ni Yuan at bawat armadong lalaking nakikita namin ay kaagad na binabaril ni Dave at Achen.

“DAVE”bigla akong bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Dave upang huminto sa pag takbo ng marinig ko ang malakas na boses ni Alexos.

Being His Bed Obsession Prostitute Wife(Series 1: Alexos Helton Game)Where stories live. Discover now