kabanata 12

203 9 3
                                    

Kabanata 12

I didn't sleep. Hindi ako makatulog kahit pa na pinilit ko. I have this smile on my face the whole night. Sa tingin ko, wala nino man ang makakasira ng mood ko ngayong araw. Masakit sa ulo ang pagiging puyat pero nakangiti pa rin ako.

Theo, Theo, Theo..

"Mukhang masaya ka ngayon, ah?" bati ni Manang Nelly nang abutan ko sya sa baba. Buti nalang wala si Tanda.

Pero kahit nandyan pa sya. Malay natin baka mabati ko pa sya sa sobrang ganda ng mood ko.

"Manang, may jowa nako." pagyayabang ko.

"Sino sakanila?" biro nya at tinawanan ako. Naglilinis sya ngayon ng mga pigurin na nakadisplay dito sa sala. Maaga akong bumangon ngayon dahil hindi nga ako nakatulog. May oras pa ako para makipagkwentuhan kaya sulitin na natin.

"Manang, totoo 'tong ngayon!"

"Ipakilala mo nga kung totoo."

"Sige, bahala ka Manang. Mapapahiya ka lang dahil ayaw mo pang maniwala." pananakot ko.

Tumawa sya, "Hindi kaya'y nananaginip ka lang?"

Fuck. Panaginip ba 'yon? I don't know!

Natahimik ako kaya tumawa sya. "Maghanda kana't pumasok. Tanungin mo nalang yang imaginary boyfriend mo kung totoo ngang nobyo mo na sya. Baka nanaginip ka lang." dagdag pa nya.

Doon na ako nanlumo. There's a possibility that it was just a dream, right? Of course! That's Theo.

Pakiramdam ko, naubos lahat ng enerhiya ko. Nawala yung saya ko. Tangina, sayang.

Naghanda ako at pumasok. Wala na sa mood.

"Ba't sira yang mukha mo?" nakakaasar na tanong ni Uno. Nagkasabay na naman kami sa gate.

Malas yata 'tong lalaking 'to. Baka may issue na naman ako matapos ko syang makasabay sa gate na 'to.

Pero 'di ba sabi ni Theodoro, sya daw ang may kasalanan! Fuck. Si Manang, ginulo ang utak ko.

"Pakisampal nga ako," sabi ko kay Uno.

"Luh?" patanong nyang sagot.

"Dali."

"Huwag ka gaganti, ha." sabi pa nya.

"Gago ka b--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sampalin nya ako. Medyo malakas.

Tanginang 'to.

"Gago ka ba!" sabay hampas sakanya.

"Tignan mo ang tangang 'to. Nagpasampal tapos matatawag pa 'kong gago. Ayoko na sa eaaaaaaarth." pagdadrama nya. Iniwan nya ako at naglakad na sya.

Nababaliw na yata ako.

Oh, fuck. Kung sinuswerte ka nga naman.

Nasa hallway si Theo. Tapat ng room nila at may mga kausap na iba't ibang grade level, nandoon rin pala si Grace. Baka kasamahan nya sa SSG. Wait, may results na ba? Kung meron na, ibig sabihin, hindi ako nananaginip?

Pero ayoko na mapahiya! Quota na'ko. Lagi nalang.

Kaya naman napagdesiyunan kong maglakad lamang. Chin up at mayabang ang mukha. Lalagpasan ko lamang sila. Kumbaga, wala akong pakialam sakanila.

So I walked past them. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang may tumawag sa pangalan ko.

"Craya," holy shit. Am I dreaming right now?

Pasimple kong kinurot ang sarili ko.

Hindi ako lumingon kaya pumunta sya sa gilid ko, "Good morning." he said. Seryoso ang mukha nya pero magaan ang tingin na iginawad nya sa akin.

Lost In YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora