kabanata 31

211 12 3
                                    

Kabanata 31

Napatalon ako sa gulat nang may biglang kumatok sa bintana ko. Kanina pa pala ako sa harap ng bahay ko at hindi pa lumalabas. Sinusubukan ko lang ipasok sa utak ko lahat ng nangyari ngayon.

Lumingon ako sa bintana at nakita si Uno na nakahoodie at may dala pang mga chichirya. Bumaba ako ng sasakyan.

"Ano, balak mo ba matulog dyan?" bungad nya.

"Pake mo ba?"

"Craya, 'di na talaga ako natutuwa sayo. Bumalik na ang pagka-gaspang ng ugali mo!"

Tumawa ako, "Kailan ba nawala?"

"Tsk, nung nagkaboyfriend ka!" umismid pa sya.

"Foul!" sigaw ko. Tumakbo sya papasok ng bahay ko at sumunod naman ako. Nasa may pinto pa lang ako ngunit rinig ko na ang mga tinig na nagmumula sa may loob.

Nang makapasok, nadatnan ko sina Sheena at David na nakaupo sa may sofa at nanonood ng movie. Habang nakatayo sa harap nila si Uno.

"Beh, natapos na yung movie tapos wala pa yung chichirya!" sigaw ni Sheena kay Uno.

"Tangek, nahulog yung mga barya sa daan! Pinulot ko pa isa-isa."

Tumawa si David, "Ba't ba kasi puro barya ang mga dala mo?"

"Para may panukli yung tindera sa mga ibang bibili sakanya!" ngumuso pa ang gago.

Nagtinginan si Sheena at David pagkatapos ay sabay na tumawa. Mga gago, inutusan na nga si Uno. Tapos sya pa pinagtawanan.

"Tama na yan," sabi ko.

Oo, nadagdagan ng isa yung mga batang kailangan kong alagaan. Naging kasundo na rin nina Uno at David si Sheena. Noong una na malaman nilang nakakasama ko sya noon sa maliit na bahay na meron ako, nagtampo pa sila. Bakit daw ba sa lahat ng uupa sa bahay ko ay yung nakaaway ko pa? Nag-offer din naman daw sila.

Ayaw din nila noong una kay Sheena. Lagi nilang iniirapan at talagang pinaparinggan ng mga kung anu-anong salita. Napakamature nilang dalawa, promise!

"Nag-dinner ka na ba?" David asked.

"Nakakaamoy ako ng chika.." mapanuyang sabi ni Sheena.

"Naaamoy pala yon?" si Uno na patuloy lang ang pag-nguya sa mga binili nyang chips.

"I saw him." sabi ko at umupo sa gitna ni Uno at David.

"Sinong 'him'?" Uno asked. Uminom sya ng tubig habang hinihintay ang sagot ko.

"Oh my god.." bulong naman ni Sheena.

"Why?" David asked.

"It's him!"

"Sino ngang 'him'?"

"Theodoro." sagot ko.

Nagulat ako nang mabuga ni Uno ang tubig sa may mukha ko. Mabuti nalang at kokonti lang ang nasa bibig nya kaya't hindi naman ako ganoon nabasa.

"Kadiri ka!" binatukan ko si Uno na ngayon ay umuubo. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo ko.

"Si Gael?!" sigaw din ni David. Tumalsik pa ang mga chichirya na kinakain nya. Putcha.

Umirap ako, "Ulit-ulit tayo?!"

"Paano, girl?!"

"He was in the art exhibit I attended to."

"Vince did that!" paninisi ni Sheena. "Girl, he set you up!"

Napailing ako. "Hindi naman siguro."

"So, ayos ka lang ba? Sinungitan ka ba o ano?" tanong ni David.

Lost In YouWhere stories live. Discover now