CHAPTER 33

57 1 0
                                    

IRENE

Pinagmasdan kona lang si Seulgi na mas piniling kausapin si Chaeyeon kesa magjoin sa kasiyahan ng mga kaibigan namin.

Alam kong hindi niya feel ang mga ganitong lugar. Pero wala na lang choice dahil majority wins na.

Napakaseryoso naman ata ng pinag uusapan nila dahil patango tango lang si Chaeyeon na napapakunot noo pa.

Hanggang tingin kana lang ba? Bulong ni Jackson

Shut up Jack. Sagot ko lang

Bakit di mo gapangin mamaya, wala naman ang asawa. Bulong na naman niya

As if papatulan ako.

Bakit hindi? Hello, swerte na nga niya pag ikaw yong naunang magmove. Sige na. Kahit one night stand lang. Nang mabinyagan ka naman.

Siniko kona lang siya. Kung ano ano ang sinasabi tatatak na naman ito sa isipan ko mamaya.

Infairness naman, maganda nga ang Lover mo. Ganyan din mga type ko, yong medyo maangas, kayumanggi ang kulay. Tapos kissable lips.

Napainom na lang ako dahil naglakbay na ang imagination ko. Langya talaga itong si Jackson eh. Parang demonyo na bumubulong.

Parang si Roseanne lang din na sobrang daldal kaya magkavibes na sila. Infairness kay Jackson marunong itong makisama.

Kaya tawa naman ng tawa ang mga kaibigan ko sa kabilang side sa mga green jokes niya na hindi naman masakyan ng mga kaibigan naming mga foreigner.

Pasimple kong sinenyasan si Roseanne. Mukhang lasing na kasi si Seulgi, hinaharot na ito ni Sana or si Sana ang lasing.

Andun na kasi si Sana sa harapan ni Seulgi at mukhang tuwang tuwa naman ang isa habang nakayakap sa bewang ni Sana.

Nag last order na kami dahil naparami na naman ang nainom nila. Alas dose na naman kasi at madami ng lasing sa paligid namin.

Nagulat kaming lahat ng biglang my lumapit na lalaki kay Chaeyeon at akmang hahalikan or yayakapin pero mabilis na nakakapit kay Seulgi.

Back off dude. Saway ni Seulgi na medyo foreigner siguro

Why? She's my type. Fresh and Young.

Mabilis natabig ni Seulgi ang kamay ng lalaki kaya hindj nito nahawakan si Chaeyeon.

Hey Man. Your harassing my friends. Napalapit na din si Jackson

Mind your own Business. I am not talking to you neither you. Dinuro pa nito si Jackson at Seulgi

Lumapit na ang mga bouncer, nilayo na ni Sana si Chaeyeon at mabilis itong lumapit sakin, lumapit naman ako kay Momo at pinatago naman niya kami sa likuran niya.

Lahat kaming babae ay nakatago sa likod ni Momo, lumapit na din ang kaibigan kong mga lalaki kina Jackson

Don't you dare point a finger. Saway ni Seulgi

Hindi ko na nakita ang pangyayari dahil biglang nagkagulo na. Puro lagabog na lang ang narinig ko dahil mataas si Momo kaya hindi ko masilip ang mga nangyayari.

Gago ka ah! Sigaw ni Jackson

Hanggang sa may dumating na na mga police.

Oh my God Seulgi. Bigla akong kinabahan sa sigaw ni Roseanne

Agad akong napalapit na din kay Seulgi.

Wala po ba kayong medic dito? Tanong ko sa police officer

When Is The Right Time For Us (Taglish)Where stories live. Discover now