Chapter 06

27 3 86
                                    




Noreen Chiara.

You are all invited to Noreen's 18th birthday...


I read the invitation out loud while getting my makeup done. Sinabi ko na kay mommy na kahit ako na lang ang mag ayos sa sarili ko para hindi bongga! Nag mumukha akong bakla kapag ang dami kong make up!


"Grabe feel ko ikakasal ka." Nakatakip ang bibig ni Ria habang may hawak na  pamaypay sa kamay niya. Nakasuot siya ng brown fitted dress at itim na heels nakakulot din ang buhok niya.

"Baka nga ikaw pa una ikasal satin." Singit naman ni Net na naka black dress at flat shoes nakakulot din ang buhok niya. Tinignan siya ni Ria. "Hindi ako magpapakasal eh." Sagot nito sakanya nagsagutan pa silang dalawa habang inaayos ng makeup artist ang make up ko. Lalagyan na sana ako ng fake eyelashes pero inayawan ko.


"Sasayaw ka mamaya." Nakangising sabi ni ky sakin nakasuot siya ng heels at blue na fitted dress. "Na practice mo ba yon?" Tanong ni ria habang pinupunasan ang ilong niyang pinagpapawisan nanaman.


Selosa.


"Hindi." Sagot ko sakanila hindi ko naman na siguro kailangan mag practice sumayaw para sa eighteen roses ko mag susway sway lang naman kami at ung makakasayaw pero nakaka kaba pa din baka maapakan ko ung paa ng mag sasayaw saakin.


"Sway sway lang naman yon." Sabi naman ni Ella na naka kulay white na dress na katulad kay Net naka flat shoes lang din to, Pare parehas  nakakulot ang mga buhok nila! Hindi naman halatang pinagusapan nila.


"Ang ganda ng gwon mo backless ang sexy." Sabi ni ella habang nakatingin sa salamin tapos na ang make up ko kaya tumayo ako at inayos ang bathrobe ko. Naka shorts at sando lang ako sa pangloob dahiliyon ang sinabi ng nanay ko na isuot ko. Ayos lang dahil wala namang lalake dito. ngayon.


Nag picture picture muna kaming girls at pagkatapos ko mag bihis mas excited pa sila sa party kesa saakin! "Ikot ka nga." Sabi ni ky habang hawak ang cellphone niya umikot naman ako, Medyo mabigat ung gwon na to ang hirap mag lakad!


"Makakasayaw mo pala si Ezekiel sa eighteen roses ah!" Sabi ni Ria habang hawak hawak ang listahan ng mga makakasayaw ko. Ayaw niya ipabasa sakin para daw surprise kung sino ung makakasayaw ko. Binigay kasi ni mommy ung listahan sakanya.


"Si mommy nag ayos niyan wala akong kinalaman jan." Sabi ko sakanila habang inaayos ng stylist ang buhok ko mag sta start na ung party! kahit kilala ko lahat ng pupunta ay kinakabahan ako!  Saakin lahat ng attention mamaya.


"Una na kami ah? Kami agad makikita mo." Sabi ni Ria tinapik nila ang braso ko. Mauuna na sila pumunta sa Venue para daw makahanap sila ng magandang pwesto kahit may pwesto na talaga sila. Tinulungan ako ni mommy makasakay sa loob ng kotse hanggang sa Venue. Grabe ang tibok ng puso ko! Hindi ako sanay sa mga gantong party mas lalong nakakaba dahil party ko to!


Nagsimula na ang party naunang pumasok sila mommy at dad sa loob ng venue hinintay ko lang ang pangalan ko matawag bago ako pumasok sa loob.


"Best friend ko yan!" Sigaw ni ria pagkapasok ko ngumiti ako sa mga bisita at dahan dahan naglakad papunta sa gitna kung saan may malaking upuan. Nasa unahan nakaupo ang mga kaibigan ko nakita ko na din sila Tyler at Kacy sa katabing table nila Ria.


Pati ang mga plus one nila ay nakita ko na, Napasimangot ako ng hindi ko siya nakita. Wala siya? Hindi siya pumunta...

Nandito lahat ng kaibigan niya at siya lang ang wala....

Hanggang sa magsimula ang party ay nakasimangot ako sinusubukan ko ngumiti pero hindi ko kaya. Naguguluhan din ako sa sarili ko kung bakit ako nalulungkot! Na dissapoint lang siguro ako kasi inaasahan ko siyang pupunta tas hindi pala.


Painful loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon