Chapter 07

29 3 87
                                    


Noreen Chiara

"Shutangina! Nakawala ung palaka!"Sigaw ni Ria sa loob ng condo ko Kaya napa akyat ako sa Sofa. Bakit kasi naisipan niyang mag aral sa isang palaka! "Gago ka! Hanapin mo yon!"sigaw ko Sakanya habang pumapadyak sa sofa. Tumawa siya sakin at hinanap ung palaka niya.

Mag pa practice daw siya sa palaka mag surgery Sabi niya sakin dito niya pa talaga dinala sakin huh?

"Bakit ba dito mo naisipan mag dala ng palaka?! Alam mo namang-ahhh! Gago ung palaka tanginamo!" Sigaw ko ng makita ang palaka sa paahan ko.

Tumatawa siya at kinuha ang palaka ng dahan dahan at inilagay sa jar. Kinakasuap pa niya na parang bata ung palaka! "Mamaya na lang kita ooperhan." Sabi ni Ria habang tinasara ang karapon.

"So after mo sabihin yon kay Ezekiel umalis na siya?" Sabi niya sagot sa usapan namin kanina. Tumango ako sakanya at umupo. "Oo...Ang bastos ba ng pagkakasabi ko? Na Ayoko Sakanya dahil mas matanda siya sakin?"

Umiling naman siya. "Hindi naman, Malay mo May emergency lang Kaya need niya umalis agadz diba nga sabi mo kaya siya na late kasi need siya sa company niya, oh baka yon ung dahilan. Pero kinilig ako sainyong dalawa pinaikot ka pa niya! Ship ko Kayo." Mahabang Sabi niya sakin habang inaayos ang kalat niya sa lamesa.

Natahimik ako Baka nga hindi nagustuhan ni Ezekiel ung pagkakasabi ko Sakanya Baka inisipin nun na Ayoko talaga Sakanya! Pero totoo naman eh Ayoko Sakanya kasi ang tanda niya sakin. Age doesn't really matter to me but six years older?  That doesn't make sense to me.

"He waited for you to become eighteen so the both of you are in legally age, Effort." Bulong ni Ria habang nag aayos pa din ang gamit niya hindi siya nakaharap sakin pero alam ko na para sakin ang sinasabi niya. 

"May pasok ako ngayon sa mcdo eh bukas pa tapos ung pinapagawa ko sa condo." Sabi niya sakin habang nakangiti alam ko na agad kung ano ang sinasabi niya sakin kahit hindi pa niya binabanggit. Tinaasan ko siya ng kilay at tumayo ako. "Hindi,Pwede mo iwanan ang gamit mo dito pero yang palaka nako dalhin mo yan."  Tuloy tuloy kong sabi sakanya at pumasok sa kwarto ko mag bubukas na lang ako ng mga regalong natanggap ko. Linggo na ngayon at bukas may pasok na kami kahapon naman ay masyadong akong pagod para magbukas ng mga regalo kaya hindi ko binuksan.


"Buksan mo muna ung binigay ko!" Parang batang sabi ni Ria at binaliba ang sarili niya sa kama. Mabuti na lang ay naglinis ako dahil papunta na daw si ky dito na sa condo ko. Si Net at Ella naman ay magkasama ngayon umuwi sa bulacan.


Kinuha ko ang regalo ni Ria sakin at binuksan ito. "Heaven!" Sigaw niya habang tumatawa napahawak ako sa ulo ko dahil sa regalo niya. "Dahil Eighteenth kana pwede mo na basahin ung possessive series! kaya ayan binili ko sayo ung buong set!" Sabi niya sakin habang nakangiti.


Grabe talaga tong babae na to! nung birthday din niya pagkatapos nun ay bumili siya ng isang set ng mga libro na hindi niya nabasa noong minor pa siya. Mukha na lang niya ang inosesnte ngayon... "Didisplay ko lang to." Sabi ko sakanya at nilagay sa baba ng kama ang mga librong binigay niya sakin. Ayoko basahin to!


Parehas kaming napatingin sa pintuan ng may nag doorbell si Ria agad ang tumayo at tinignan kung sino ang tao sa labas agad naman niyang pinapasok ng makita si ky ang tao. "Lulutuin mo yan?" Tanong ni Ria kay Ky pagkapasok na pagkapasok nito.


Tumango naman si ky sakanya at agad tinanong kung bakit may palakang nakalagay sa lamesa sinabi naman agad ni ria ang rason kung bakit nandoon. Sinamahan nila akong dalawa mag bukas ng mga regalo ko, Marami rami din to! Hindi ko alam kung bakit nag abala pa sila magbigay ng regalo sakin hindi naman ako gaanon ka special na tao.





Painful loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon