EWTUG 07

1.9K 74 14
                                    

CHAPTER 07

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

“Thank you Zayn” Pagpapasalamat ko dito. Nginitian naman ako nito pagkatapos ay tumango ng bahagya.



“Take care of your self.” Aniya.




Nang magkausap kami kagabi ay nawala na yung pagiging malamig nito, nung gabing ay naging magaan na yung pakikitungo ko sa kanya. Kahit papano ay hindi na ako naiilang sa kanya pero may pagkakataon na hindi parin ako mapakali sa kaya kapag malapit lang ito sa akin, gaya nalang ngayon... Kung makatitig ito sa akin ay parang may dumi ako sa mukha na hindi nito masabi kaya tinitigan nalang ng mabuti.




Nahihiya na tuloy akong gumalaw palabas dito sa kotse nya, Haysss.




“You too, sige alis na ako.” Hindi ko na hinintay pang magsalita ito ay agad na akong lumabas ng kanyang sasakyan at dali darling tinungo ang Gate papasok ng aming paaralan.




Sya daw kasi yung maghahatid sa akin dahil nakakapagod daw mag lakad, aangal pa sana ako dito na 'okay lang sa akin na mag lakad' syempre pakipot muna este nakakahiya kaya.




Kaso mapilit ito kaya di kalaunan ay na papayag na din ako. Nakahiga ako ng maluwag ng makapasok na ako sa aming paaralan. Di ko na pinapasok pa yung sasakyan ni Zayn dito dahil alam ko magkakagulo lang.




Naglalakad ako sa hallway ng namataan ko ang isang grupo ng kababaihan na papunta sa akin. They are Beatrix gang. Tawag nga sa kanila ay mighty Bitchy. Ewan ko ba at ganun pa talaga yung pinangalan nya sa grupo, pangalan pa lang ng grupo alam mo na agad na wala silang magandang gagawin kundi ang magkalat ng lagim at kanilang mga lahi.




Sikat ang kanilang grupo dito sa LU bilang isang mighty Bullies. Ewan ko nga kung bakit sa lahat ng words na madi-describe, e. Mayroong mighty na kalakip dito. Hindi naman sila mahilig sa cigarette na mighty ang brand.



Dahil hindi naman daw sila naninigarilyo ng cheap, tsk. Ewan ko sa kanila.




Gumilid ako para maka daan silang lahat. Ayaw ko naman ng gulo noh, kung pupwede lang na iiwas ako, ay talagang iiwasan ko sila. Sila yung grupo na hindi mo papangaraping makatunggali. Kahit na mga babae lang sila ay hindi mo sila dapat maliitin lang.



Dahil double ang mag kaya nilang gawin kumpara sa mga normal na kababaihan, Kinakatakutan kumbaga.

Habang papalagpas sila sa akin ay dun ko lang nakita ang kanilang leader na si Beatrix na sumusunod sa kanilang likuran. Pinagpatuloy ko yung aking paglalakad habang yumuyuko. Kung pwede lang na idikit ko yung katawan ko sa pader ng hallway at baka nagawa ko na.



Tatlong taon ako dito sa Luciano University at sa taon na yun ay di ko pa namang naranasang mabully nila. At ayaw ko yung hilingin kaya nagpapasalamat ako sa di pa nila ako ginagawa ng masama. Sila yung tipo ng tao na hindi ka titigilan hanggat hindi ka napapaalis dito sa LU.





Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakalayo na ang mga ito sa akin. Kinabahan ako dun ah, kala ko talaga magiging malas na naman yung araw ko ngayon. May mabuti rin palang nangyari sa akin bukod sa pagiging caring ni Zayn.




Napangiti nalang ako dito at pinagtuonan ng pansin ang daan sa Hallway para maaga akong makapasok ng aking classroom. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nabungo ako,nag aalalang tinulungan ko ito.





“Miss I'm so sorry, I didn’t mean to bump you.” Hindi ako mapakaling tinutulungan ito. Rinig ko yung mga bulungan ng ibang estudyanting nakakita sa amin.




Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Where stories live. Discover now