EWTUG 30

1.8K 53 2
                                    

Thank you so much for still supporting my story. Sana po hindi kayo magsawang supportahan ako. For all my silent readers there. I'm glad that your still here, joining my journey towards the path of what I am writing. Sana po sa susunod pang mga kabanata ng aking storya ay nariyan parin kay upang supportahan ako. Taus puso at walang katapusan pasa salamat po sa inyong lahat<3

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

CHAPTER 30

DALAWANG Linggo ang nakaraan ng matapos mag proposed sa akin si Zayn. Mas lalo pa itong hindi maalis sa tabi ko na halos maging buntot ko na.

Pero ngayon ay ako na ang buntot nya. Pano ba naman ayaw umalis sa tabi ko pero tumatawag na yung mga kasusyo nya sa trabaho na kailangan niyang mag pakita ngayon sa meeting dahil importante daw ang ang taong mag I-investe sa company nito.

Kaya ngayon na kasunod lang ako sa kanya habang ito ay nauunang Naglalakad sa amin. Katabi ko kasi ngayon si jake na nagtayong Head ng kompanya ng wala ito.

Medyo may kalakihan na ang aking tyan kaya minsan ay nabibigatan na rin ako. Hindi ko rin alam kung bakit nauunang mag lakad si Zayn sa amin. Napaka seryuso lang nito habang binabati kami ng nga empleyado. Naiinis na siguro ito dahil sa tuwing babagalan nya ang paglalakad ay babagalan ko din ang aking lakad para di kami mag sabay.

Ewan, natutuwa ako sa ganun, e. Kahit nakaralikod na ito ay alam kung ang sama na ng mga tingin nito at Inis na inis na sya.

Pero ayaw nyang ipakita iyon sa akin dahil alam nyang mas gaganahan lang akong iwasan sya. Malapit na kami sa private elevator nito na tanging ang may ari lang ang nakakagamit. Minsan ay nagagamit na din ni Jake pero mas bet daw nito ang pang employees na elevator dahil daw ang si-sexy ng nakakasama nya. Kulang na ngalang ay ibalandra nila yung kanilang hinaharap kay jake, pati ata kakukuwa nila handa nilang ibigay kay Jake.

Itong luko naman halatang gusto yung ginagawa ng mga empleyado sa kanya. Kaya siguro isa din iyon sa dahilan kung bakit gustong gusto nyang pumasok sa kompanya.

Kung si Zayn ang gagawa nyan nako. Hindi lang sya ang kakalbuhin ko pati yung babae nya huhubaran ko mismo sa harap ng kompanya.

Wala ng bait baitan ngayon. Kung dati di ko yun kayang gawin pero yung sa sinapupunan ko mukhang sya pa nagtuturo sa akin kung pano mang api.

Nako wag naman sana yung baby namen maging basagulira/basaguliro.

Papasok na sana ako ng elevator ng may kumapit sa braso ko ng subrang higpit. Napasinghap pa ako ng maramdaman ang matutulis nitong kuko na bumabaon na mismo sa aking balat.

Natataranta na ako ng harapin ko ang taong humigit at pumigil sa akin. Para akong natuod sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ito.

Natatakot na din ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kaligtasan ng akung anak na nasa sinapupunan ko pa lang.

Nangangamba ako sa kapakanan nito.

Di ko alintana ang hapdi ng aking braso. Para akong nakakita ng multo ng masilayan ito.

“Z-Zyrell...” Utal kung pagkakasabi.

Natataranta na din si Jake na katabi ko lang sa paglalakad.

“Zayn!!” Tawag nito sa taong nauunang nag lakad sa amin kanina.

“Wag kayong lalapit kung ayaw nyong isaksak ko tung hawak ko kay Heather.” May bahid ng galit na wika nito pero maririnig mo sa boses nito ang hindi mawaring emosyon nito.

Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Where stories live. Discover now