Chapter 01

77 8 17
                                    


I prepared myself for this. Baka mamaya o bukas ay makakaharap ko na siya pagkatapos ng ilang taon kong pansamantalang pagtira sa Canada.

"Hey, come here. I already prepared breakfast. 'Di ba at dadalaw ka sa mga kapatid mo?" bungad agad sa akin ni Lexus at inilapag sa table ang almusal.

I yawned. "Oo, mamaya siguro," sagot ko. No'ng umalis ako ay kina Tita Raigne pa rin sila nakatira kahit alam kong naroon siya. Naplano ko ring ipasama sila sa akin, pero hindi pumayag si Tita kasi napamahal na siya sa mga kapatid ko.

He offered me a seat as I did too. "Ikaw ba nagluto, ah?" tanong ko sa kaniya at tinikman 'yong egg omelette.

"Siyempre, sino ba ang isang Lexus Merchalla kung hindi 'di ba?" pabiro niya. Tumawa lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kami ay nagpaalam ako sa kaniya na maliligo na at pupuntahan sina Keil at Jenia. May dala na rin akong pasalubong para sa kanila. Balak ko na rin sana silang kunin at tumira sa isang bubong, pero may bumabagabag sa akin. Baka maisip ni Tita na ginamit ko lang siya, pero hindi gano'n. Ayaw ko na may karga-karga pa siya.

Nagsuot lang ako ng bodycon dress at pimaresan ito ng may saktong haba na heels. Naka-pony tail lang ang buhok ko. Simula no'ng nasa Canada ako ay hindi na ako nakapag-gupit, kaya mahaba na ngayon.

"Ihatid na ba kita?" pagaalok ni Lexus nang bumaba ako at ayos na ayos na. Mukhang katatapos niya rin lang magbihis.

I nodded. "Sige na nga! Mahal bayad sa taxi kasi marami-rami rin 'tong dala ko sa kanila."

Tinulungan niya akong ilipat 'yon sa compartment ng kotse niya. Sumakay na rin ako sa unahan at hinintay siya na magmaneho.

"Kaya mo na ba?" Kapagkuwan ay napalingon ako sa kaniya nang tanungin niya ako.

My forehead ceased. "Tungkol kay Rean? Matagal ko nang pinaghandaan 'to. Sa tingin mo uuwi ako rito sa Pilipinas na mukhang talunan at basag na basag?" I rolled my eyes before I continue. "Never! Ayaw kong makita nilang nadudurog ako dahil lang do'n."

I heard how he laughed out loud. "Alam ko, alam ko! You sounds defensive! Nakakatawa!"

Wala na kaming naging usapan pa at itinuturo na lang sa kaniya ang direksyon sa bahay nina Tita.

Nang makarating kami, ay walang nagbago. 'Yong malaking kulay brown na gate, iyon pa rin ang kulay. Hindi pa nila pinapalitan? E, ako nga ang nag-desisyon na palitan.

Bumaba ako sa kotse at kasabay si Lexus na inilabas sa compartment 'yong mga dala namin.

Gustong-gusto ko na makita sina Keil at Jenia! Miss na miss ko na ang mga kapatid ko.

Ilang beses ako nag-doorbell bago kami napagbuksan ng pinto. Ang nagbukas sa amin ay isang binatang lalaki na panigurado ako kung sino..

"Ate. . ." pagtawag ni Keil sa akin. Ibang-iba na siya. Mas lumabas ang charisma niya ngayong nagbibinata na siya.

Kaka-eighteen niya lang no'ng huling taon. Hindi ako nakadalo dahil hindi pa naghihilom ang mga sugat ko. Nagpadala naman ako ng regalo sa kanila ni Jenia. Pati kaarawan ni Jenia ay hindi ako nakapunta.

"Pasok ka, ate." Pinasadahan niya ng tingin si Lexus na bitbit 'yong mga dala ko para sa kanila. Lumapit siya kay Lexus at kinuha 'yong isang box at binitbit. "Ako na rito."

Nahuhuling naglalakad si Lexus at katabi ko naman si Keil na binubulungan ako. "Ate, boyfriend mo ba siya?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Sira, hindi! Anak 'yan no'ng boss ko na pinagta-trabahuan ko sa Canada! Kuya mo kaya 'yan."

Napailing siya. "Sabi mo, e. Basta, kapag may nagtaka na namang pumasok sa buhay mo. Sa akin muna sila dadaan, bago sa 'yo. Pagdating sa love-love na 'yan, ako ang panganay!" aniya bago kami tuluyang nakapasok sa loob.

Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig niya!

Iba ang naramdaman ko nang makapasok ako. Parang hindi ito 'yong bahay na kilala ko. Pagkapasok ko ay nakaramdam agad ako ng lamig at kalungkutan.

"Si Jenia, nasaan?" tanong ko nang makaupo kami ni Lexus sa sala.

Lumapit sa akin si Keil. "Ate, kailangan niyo atang mag-usap ni Jenia na kayong dalawa lang."

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit? May nangyari bang masama sa kaniya?" tanong ko pa.

"Ano kasi—."

"Kuya! Sino'ng bisita. . ." Pinagmasdan ko si Jenia na bumababa mula sa taas. Nagiba agad ang expression niya mula sa ngiti at naging panlulumo nang makita ako. "Ikaw lang pala."

Para akong tinapunan ng malamig na tubig sa sagot ni Jenia. Ako lang pala? Who was she expecting, then?

Aamba na sana siyang tatalikod at aakyat, pero agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Jenia. . ."

Wala siyang kibo, bagkus ay inalis ang pagkakayakap sa akin. Na para bang nandidiri siya.

"Harapin mo si Ate, Jenia. May problema ba tayong dalawa, ha?" tanong ko. Nakatalikod pa rin siya at hindi sumasagot. "Jenia Yvon."

Agad siyang lumingon sa akin at nagpipigil luha. "Pagkatapos mong iwan kami ni Kuya, babalik ka na parang wala lang?"

"Jenia! Hindi tayo iniwan ni Ate—." sabi ni Keil, pero pinatigil siya ni Jenia.

"Iniwan niya tayo, Kuya! Kung makalapit ka sa akin, wala kang kasalanan. Hindi ko alam na madali lang sa 'yo na iwan kami ni Kuya." Nagbagsakan na ang luha niya at pilit itong pinupunasan.

"Mahirap sa akin, Jenia! Balak kong isama kayo papuntang Canada, pero hiniling ni Tita na rito na lang kayo dahil wala siyang kasama," paliwanag ko. Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko at humagulgol na sa iyak.

"Makasarili ka! Kailangan kita sa mga panahon na 'yon! Kailangan ko ng karamay. Naranasan mo bang ma-discriminate? Kasi ako, oo! No'ng araw na 'yon, pinagtulungan, sinaktan ako ng mga kaklase ko!" Muli niyang pinahid 'yong likod ng palad niya sa mga luha niya.

"Nasaan ka? Wala! Nagmukmok ka sa kwarto mo. Wala kang ibang ginawa kun'di umiyak. Wala akong nalabasan ng hinanakit kun'di si Ate Rean lang. Siya ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal sa araw na 'yon, na hindi ko naramdaman sa 'yo."

I am being shuttered into pieces now. Masakit na ipagtulakan. Hindi ko akala na ganito ang tatambad sa akin. Kahit naman nagvi-video call kami ay maayos ang pakikitungo niya sa akin. Was it all an act?

"Sana hindi ka na bumalik! Masaya na kami ni Kuya." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa isinumbat niya sa akin.

"Jenia!" saway ni Keil na halatang galit ngayon sa inakto ni Jenia.

Tumawa pa ng ilang beses si Jenia. "You deserve being shattered because of Kuya Fereo! Mabuti na lang at pinili niya si Ate Rean kaysa sa 'yo!"

Hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko at agad na ipinadapo sa mukha niya 'yong nagaalab kong kamay.

"Hindi ako hihingi ng tawad, sa 'yo, Jenia. 'Wag mong isali ang issue na 'yon sa problema nating magkapatid," sabi ko bago binawi 'yong kamay ko mula sa pagkakasampal sa kaniya.

Muli siyang tumawa nang sarkastiko. "Magkapatid pa pala tayo?"

Chambers of AgonyKde žijí příběhy. Začni objevovat