ENTRY 6 | Goodbye, Love

38 1 0
                                    

PAALAM
-by _mnnty_

"Ipangako mo, na kapag tayo lamang ang magkasama. Wala kang iisipin na iba kung hindi ang maging masaya."

Ngumiti ka sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

"Pangako."

Sabay tayong tumakbo sa walang hangganang daanan na puro tuwa at kasiyahan. Na kapag magkasama tayo, saka lang natin nailalabas ang tunay nating pagkatao.

"Hindi ka guguho, dahil sasamahan kita. Hindi kita hahayaang masaktan, dahil aalalayan kita."

Mga salitang ipinangako ko sa'yo, mga salitang tinupad ko. Pareho nating naramdaman ang bawat lungkot sa puso natin at sabay din natin iyon na binura ng pagtawa.

Puro lamang saya.

"Isa, dalawa, tatlo..."

Kasabay nang pagputok ng iba't-ibang ilaw sa kalangitan. Kay ganda nitong pagmasdan, lalo na't katabi ka.

Kasabay rin no'n ang paghalik ko sa labi mo sa bagong taon.

"Mahal kita.."

"Mahal din kita..."

Ngunit, habang tumatagal, mas nalulunod ka sa problema. Tinulungan kitang patayuin pero, sabi mo hindi mo na kaya.

"Kakayanin mo, kasi kasama mo ako."

Patuloy ka sa pag-iyak at wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan ka. Ginawa ko ang lahat mapasaya ka. Pero kulang.

"Maghiwalay na tayo."

Mga salitang inipon ko masabi lang sa'yo.

"Bakit? Pag-usapan natin 'to."

Hinayaan ko ang luha na pumatak sa mga mata ko. Masakit pero pakiramdam ko mas makakabubuti ito sa aming dalawa.

"Magkasintahan lamang tayo sa oras ng ligaya. Ngunit sa hirap at kalungkutan, nakakalimutan na natin ang isa't-isa."

Ilang minuto tayong nagtitigan na parang nag-uusap sa isipan.

"Kung iyan ang gusto mo."

Hindi ko napigilan ang pagkarera ng luha ko. Nagsisisi ako, dapat hindi ko na nasabi 'yon pero huli na.

Masaya ako na kahit pansamantala ay naging tayo.

"Paalam mahal ko."

Napangiti siya habang hinahayaan ang luhang nagsipatakan sa mga mata niya.

"Paalam din mahal ko, hanggang sa muli."

Paalam, sinta.

Write-A-Thon Challenge 2.0Where stories live. Discover now