CHAPTER 06

133 55 2
                                    

Agatha P.O.V

Maaga akong nagising ngayon at andito ako sa garden, ewan ko ba pero hangang ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan ang nangyari kahapon. Lumalambot kana ba Zin?

Habang andito ako sa garden at nag babasa ng libro ko ay may biglang nag doorbell kaya agad akong tumayo at lumapit doon para buksan ito.

Habang papalapit ko ay nakita ko naman ang sasakyan no'ng manager ng game na 'to.

“Good Day Ms. Zin, how are you?” agad na bati nito sa akin kaya binati ko naman siya. Ano kayang ginagawa nitong lalaking 'to rito? Wala naman siyang sinabi na da-dalaw siya at isa pa anong araw pa lang ngayon o hindi pa linggo.

“Napa dalaw kayo?” diretsong tanong ko. Pero imbes na sagutin niya ako ay nilibot niya ang paningin niya at biglang pumasok. Hindi niya ba alam paano mag paalam na papasok siya?

“Were is Drake?” tanong niya habang nag lalakad kami papunta sa loob ng bahay. Gosh! Muka ba akong hanapan ng nawawalang Drake.

“Nasa itaas.” maikling sagot ko na lamang sa kanya.

Nang maka pasok kami sa bahay ay naupo muna sila sa sofa t'yaka tinawag ko naman si Drake sa itaas. Habang papa akyat ako ay rinig kung may kausap si Drake, sino na naman kaya iyon kami lang naman dalawa rito sa bahay.

“Drake?” agad na tawag ko sa kanya ng maka rating ako sa kwarto niya pero wala naman siya roon kaya tiningnan ko siya sa balcony dito sa kwarto niya.

“I miss you so much, bye ingat ka lagi.” rinig kung wika niya sa kausap niya.

“Ehem, ah anjan si Manager at gusto ka niya makita.” wika ko saka umalis. Sino kaya yung kausap niya? Miss niya na ba, baka naman magulang niya.

Naunang bumaba si Drake sa akin kasi sabi ko sa kanya dadaan muna ako sa kwarto ko at may kukunin lang. Habang andito ako sa kwarto ay kinuha ko naman ang cellphone kung naka charge at tiningnan kung may tawag pa pero wala naman, nang matapos kung tingnan ay agad na rin akong bumaba.

“At dahil andito na kayong dalawa may sasabihin ako sa inyo.” seryosong wika ng Manager.

“Tungkol saan ba 'yun?" Tanong naman ni Drake sa kanya.

Tumayo ang manager at may sinenyas sa kanyang mga tauhan at agad namang lumabas ang mga ito.

“Dahil nga andito tayo sa isang laro, I have some surprise for you alam ko namang kayang kaya n'yo lang 'to...” t'yaka huminga siya ng malalalim. “...Baby!” dugtong niya pa kaya napa tingin ako sa kanya.

Baliw na ba siya, anong baby ang pinag sasabi niya? Laro lang ito tapos papagawin niya pa kami ng baby? The hell I want to kill that man.

“What, are you out of your mind?” mariing sagot ko sa kanya.

“Ohh! I think you got me wrong Ms. Zin, I mean...” wika niya at tumingin sa tauhan niyang may dalang baby stroller. “... This, you need to take care this baby and treat this baby as your own child.” dugtong nito.

Damn!

Agad namang lumapit ang tauhan niya at ibinigay sa akin ang baby na nasa stroller, tiningnan ko naman ang baby and damn he's so cute.

Medyo malaki na ito at nasa 3 years old na ata ang edad pero mahimbing itong natutulog sa stroller.

“Drake look, he's so cute.” mahinang bulong ko kay Drake at pina tingin sa kanya ang bata.

“Oo nga.”

“I think you can do it, tingnan n'yo nga o mukang mag kasundo na talaga kayo.” singit naman ng Manager sa pag uusap naming dalawa kaya napatingin ako rito.

“So, what do you mean. Aalagaan namin itong batang to?” tanong ko naman.

“Yes.” tipid na sagot ng manager at nginitian kami. Agad naman akong napa tingin kay Drake at ngumiti rin ito.

“I can take care that baby.” bulong niya sa akin t'yaka ako inakbayan.

“Good, kung gano'n aalis na ako at marami pa akong ihahatid na bata.” wika niya t'yaka umalis na rin. Ganoon rin ang mga tauhan niya matapos ipasok lahat ng gamit ng baby ay umalis na rin ang mga ito.

Nang maka alis sila ay sakto namang nagising ang bata at umiyak kaya agad akong napatingin kay Drake. Damn! I don't know how to take care a baby.

“Paano na 'yan, patahanin mo.” saad ko kay Drake pero natawa lang ito sa ginawa ko. Damn this boy parang tanga.

“Kalma ka lang okay.” ani niya at t'yaka tiningnan ang baby.

“Hello baby boy I am your daddy, I'm daddy Drake and this is your mommy, she's mommy Zin.” wika ni Drake sa bata at agad naman itong tumahan.

Jusmaryosep! Ganon lang 'yun? Mommy ako ta's siya ang Daddy?

“M-mommy.” tawag ng baby kaya lumapit ako sa kanya at kinuha ito mula sa stroller. Ang bango niya, I really like baby smell.

“Hello baby, what is your name?” tanong ko naman sa kanya t'yaka nilaro ang kamay nitong maliliit.

“Sam.” simpleng sagot nito. Ang kyut ng pangalan, Sam.

“Okay baby Sam, gusto mo ba kumain muna?” tanong naman ni Drake pero nasa akin pa rin ang tingin ng bata.

“You know what Drake ayaw niya ata sayo.” pabirong tugon ko naman sa kanya.

“So, Mommy's boy ka pala Sam ah, mag tatampo na talaga sayo si Daddy.” ani Drake sabay pout. Gosh! He look so cute at ako ang natatawa sa pinag gagawa niya.

“Look baby o nag tatampo si daddy, hug mo nga siya.” utos ko naman kay Sam at agad niya naman itong sinunod.

“Ang bango niya no?” tanong ko kay Drake.

“Syempre, baby 'yan e.” sagot naman ni Drake.

Masayang nag lalaro sina Sam at Drake habang nag luluto ako ng makakain namin sa umagahan. Ang cute nilang tignan para lang silang mag kuya ang cute ni Sam tumawa.

“Mommy bilisan mo raw jan at gutom na si Sam.” sigaw naman ni Drake at rinig ko namang sumigaw din si Sam.

“No, si daddy ang g-gutom.” nauutal pa na tugon nito.

Nako hindi lang pala ako ang pikon dito pati rin si Sam, mabuti naman at may kakampi na rin ako sa wakas.

Maalagaan kaya namin ng maayos si Sam?

Don't forget to vote and follow.

The Pain Of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now