CHAPTER 12

34 32 2
                                    

Agatha's Point of View

Isang linggo na rin na wala si Sam sa amin at s'yempre napaka boring dito sa bahay wala na kaming ibang ginawa ni Drake kung hindi mag pikunan. Pero sa totoo lang nag enjoy naman ako. Pero ang malungkot lang wala ng thrill ang larong ito kalos kalahati ata ay umalis kasi na fall sila sa partner nila.

“Babe, anjan si Manager.” nahihingal na ani ni Drake sa akin habang ako ay naka upo naman.

Tiningnan ko lang siya at nginitian ng pilit, “Babe mo muka mo, gino-good time mo na naman ako e,” inis na saad ko naman sa kanya. Hindi mo na ako maiisahan Drake.

“Totoo nga anjaan sila,”

“Bahala ka ja’n matutulog ako,”

“Agat—”

“Asan na ba si Agatha, Drake?” isang malakas na sigaw ang aking narinig kaya napabangon ako agad. Totoo nga?

Tumingin naman ako kay Drake na ngayon ay ngiting-ngiti pa na nakatingin sa akin.

“Sabi ko naman sa'yo e, ayaw mo maniwala.” ani niya sabay tawa at umalis.

Kairita, alam ninyo may trust issue na ako kay Drake noong umalis si Sam palagi niya akong iniinis pero nakakabawi naman ako e. Grr! Mabilis akong tumayo at nag-ayos muna bago bumaba.

Si manager, isang babae, isang lalaki at mga body guards. “Sino ‘yang kasama niya?” tanong ko kay Drake.

“Ask to turtle,” sagot niya naman at tumawa. Aba loko nagsasalita ba ang pagong?

“Ulol!” singhal ko sa kanya.

“Hello, Agatha you look so pretty.” bati ni manager sa akin kaya nginitian ko lang siya. Dhu! Hindi niya ba alam na since birth ako maganda hindi katulad niya... Ay!

“Sabi ko naman sa inyo may bago akong surprise ‘diba? So ito na ‘yon...” ani niya at tiningnan ang dalawang kasama niya. E don't tell me another player sila?

“Siya si Hanna,” sabay turo sa babaeng maiksi ang buhok at medyo anghel ang muka. “At ito si Hance,” ani naman niya sabay turo sa lalaking medyo anghel din ang muka.

Wait! Sht! Bakit naman ganito ano ang plano niya?

“Then?” mabilis na tanong ko at tinginan siya ng maigi pero nginitian niya lang ako at lunapit kay Drake.

“Si Hanna ay magiging bagong partner ni Drake, at si Hance naman magiging bagong partner ni Agat—”

“Hell No!” mabilis na ani ko. No way! Hindi ako papayag.

“Why Agatha, ayaw mo bang malayo sa iyo si Drake kaya ayaw mo makipag swap ng partner?” sarkastikong tanong niya.

“O! Baka naman kasi sir inlove na siya hindi n'ya lang sinasabi.” singit naman ni Hanna kaya napatingin ako sa kanya at inirapan siya.

“Huwag kang makisali p'wede?” ani ko sa kanya at mabilis na inilipat ang tingin kay Drake, “Ano papayag ka ba?” I ask him.

“Well...”

“Damn! Bahala nga kayo,” sigaw ko at akma na sana akong aalis pero bigla akong hinawakan ni Hance kaya napatingin ako sa kanya.

“Gagawin ito ni manager kasi for sure namang walang matatalo sa inyong dalawa alam niya naman na wala kayong pagtingin sa isa't isa kaya ito ang paraan niya. Don't worry iisang bahay lang tayong apat.”

“What?” nabiglang ani ko naman. Tangina sure na ba iyan?

“Nahihibang naba kayo?” pag alma ko sa kanila.

“Bakit Agatha mahal mo na ba si Drake kaya ayaw mo gawin ito?” ani Hanna sabay kabit kay Drake. Damn!

“Dhu! What ever. Gawin ninyo anong gusto ninyo.” ani ko at mabilis na umalis doon.

Tsk! Nababaliw na ata iyong manager na ‘yon, wala naba siyang ibang trip sa buhay talagang pagsasamahin pa kami? Mayaman siya ‘diba so dapat nilagay niya nalang sa ibang bahay sina Drake at ang higad na Hanna.

Akala ko pa naman napaka anghel pero dakilang hingad pala, tsk! Hindi bagay sa kanya ang pangalan niya pati muka niya. Kairita.

Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga, feeling ko talaga kahit anong oras sasabog ako.

Cring... Cring...

Mabilis ko namang kinuha ang aking cellphone at sinagot ang tawag.

“Bess!” malakas na sigaw ng nasa kabilang linya kaya mabilis kung pinatay ang tawag at akmang ipipikit na sana ang aking mata pero bigla na namang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito.

“Hoy! Anong problema mo bakit mo ako pinatayan ng taw—”

“Ano ba kailangan mo?”

“Napaka attitude mo naman ano ba meron?”

“Naiinis ako e,”

“Uy! LQ kayo ni Drake?” sigaw naman ng kasamang lalaki ni Elli for sure si Warren iyon.

“LQ ka jaan?”

“E bakit ka nag kakaganyan?”

“Naiirita ako sa bagong surprise ni manager e nakakainis,” ani ko naman at umayos ng upo.

Bakit nga ba kasi ako naiinis actually hindi naman big deal ‘yon pero bakit parang affected ako.

“Chika mo bilis,” ani Elli kaya napabuntong hininga muna ako bago kumuha ng lakas nang loob na magsakita.

“E kasi may dalawang taong kasama si Manager kanina. Isang lalaki isang babae at ang sabi niya magpapalit kami ng partner kasi sabi ni sir walang matatalo sa aming dalawa ni Drake kung kami pa rin ang partner alam niya naman kasi na wala talaga kaming feelings para sa isa't isa.” mahabang salaysay ko sa kanya.

“O! May point naman si manager e so anong ikina-iirita mo jaan?” agad naman akong napairap dahil sa tanong niya.

“Parang higad kasi ‘yung partner ni Drake.” ani ko at agad na nanahimik at ganoon din si Elli.

“Hoy ano, nanja’n kapa?” tanong ko pero hindi pa rin siya umimik.

Nakakainis naman e, akma ko na sanang papatayin ang tawag pero biglang tumawa ng malakas ang nasa kabilang linya.

“The hell why are you laughing?” iritang tanong ko sa dalawa. May nakakatawa ba?

“Bess isang tanong, isang sagot.” ani Elli sa akin.

“Tsk! Para saan?”

“Sige na isang tanong, isang sagot ha and be honest. Dito natin malalaman bakit ka naiinis sa Hanna na iyon.”

“Dami mong alam, o sige na.”

“May feelings kaba kay Drake?” agad na tanong nito kaya medyo natulala naman ako ng bahagya. Anong tanong ba iyan alam niya naman na hindi ako nagkakagusto sa mga lalaki. Sakit sa ulo lang ang love life.

“Bess, ano na?”

“Alam mo ang sagot jaan, Elli.” seryosong ani ko at tumahimik at ganoon din siya.

Ilang sandali lang ay narinig kung bumuntong hininga si Elli, “Alam mo insan, kahit anong tago mo sa nararamdaman mo at kahit anong pilit mo sa sarili mo na hindi magmahal hindi mo ‘yan kaya lalo na pag na inlove ka sa lalaking alam mong mahal mo talaga.” she said.

“Ha?”

“Nako insan mag isip ka nga, bye. See you soon at sana naman may jowa kana pag nagkita tayo mahal kita.” she said at pinatay ang tawag.

Ha? Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? The hell I hate her. Tsk!

✍︎ 4sky_moon

The Pain Of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now